Part 6

1729 Words
Baka Sakali AiTenshi   Part 6   Alas 2 ng hapon noong makarating kami sa restaurant na malapit sa parke. Ang lugar na ito ay kaparehong kainan kung kami nag eyeball ni HotGuy at dito ay halos sariwa pa sa aking isipan ang masalimuot na pang yayaring iyon. Sadyang iba iba kasi talaga ang ugali ng tao, sa tingin ko ay naka tiyempo lamang ako ng mapang husga at mas mahilig sa panlabas na anyo ng isang tao.   "I know maraming bad memories ang place na ito sa iyo, pero isipin mo nalang na moment ko ito kaya't hayaan mo na lang." ang wika ni Perla habang nag lalagay ng kolorete ng mata at labi.   "May magagawa pa ba ako? Ilibre mo ko ng club house at lemonade ha. Saka pwede ba huwag mo na dagdagan ng makeup iyang mukha mo dahil hindi foundation day ngayon at lalo hindi ka isang babarian donut!" ang pang aasar ko   "Basag trip ka naman frend eh. Kung nag aral ka ba naman sana ang make up at hair straightening edi sana ay winner ako ngayon!"   "Wala akong hilig sa ganon. Okay na sa iyo iyan tutal malapit naman na ang undas."   "Sama mo talaga. Ano maganda ba ako? Palong palo na ba?" tanong niya noong matapos mag ayos   "Sige pwede na iyan. Alisin mo na nga iyang supel mong may paro paro mukha kang Christmas Tree!" ang sagot ko sabay alis sa kanyang hairdress   "Oh sige na upo kana don! Huwag kang eepal ha. Lagot ka sakin!" ang wika niya at doon nga ay mas inayos pa niya ang kanyang sarili.   Maya maya ay dumating na nga ang kanyang ka date na lalaki. Nasa 5'6 ang taas nito. Hindi naman ganoon ka gwapo ngunit malaki ang katawan, sa kanyang tindig ay batak na batak ito sa gym at sa pag wowork out. Bilog na bilog ang braso at ang dibdib ay putok na putok.   Lumapit ito sa table ni Perla na noon ay kilig na kilig na animo aatakihin sa puso. Ako naman ay napapailing nalang habang pinag mamasdan ang kanyang lalaking kadate.   Nag kwentuhan ang dalawa na kapwa naka ngiti at maya maya ay nag simula na silang umorder ng pag kain. Nag tatanungan sila kung ano ang kanilang pinag kaka abalahan sa araw araw at siyempre ay hindi mawawala ang tinatawag na "getting to know" moment ng dalawang taong nag dadate.   Halos bumula ang bibig ni Perla sa pag kkwento at pag papa cute samantalang ang lalaki naman ay tango ng tango at maya maya ay ngingiti. Ewan, ngunit para bang hindi naman siya intersado sa topic na sinimulan ng aking kaibigan.   Halos ilang minuto rin sila sa ganoong pag uusap hanggang sa dumating ang kanilang mga order na pag kain at inumin. Maya maya ay tumayo si Perla, ang excuse ito at nag tungo sa powder room. Alam ko naman na conscious na conscious sya sa kanyang itsura ngayon sandaling ito.   Naiwan ang lalaking kadate lamesa. Pinag masdan ko ang kanyang kilos mula sa lamesang aking inuupuan. May kinuha ito sa kanyang bag. Isang foundation na compact at isang lip gloss. Mabilis siyang nag apply sa mukha upang mapanatili ang kanyang freshness. Nagawa rin niya mag lip gloss para sa kanyang labi na kissable kuno.   Maya maya ay kinuha niya ang kanyang cellphone at may pinindot na application. Alam kong mali ang aking ginagawang pang uusisa ngunit hindi ko talaga mapigilan. Kaya naman pasimple kong isinilip ang kanyang hidden agenda.   Nakita ko ang logo ang application ang pangalan nito ay "PlanetRomeo" at nag kalat rito ang mga larawan ng hubad na lalaki. Hindi ko tuloy maiwasang mag taka kung para saan ang social site na iyon kaya naman naisipan kong iresearch ito sa google.   "PlanetRomeo: TAGLINE: "start something gay. An Expert in online dating since 2002. PlanetRomeo is Europe's #1 gay social network."   Napatingin ako sa ginagawa ng lalaki at maya maya ay nag pop up na sa kanyang screen ang mga mensahe ng mga lalaking naka hubad. Tuwang tuwa naman ito at kilig na kilig. Iba yung tawa niya may halong kagat labi at feeling ko ay mas malandi pa siya kay Perla ng mga sampung beses o higit pa!   "Hala! Bakla naman pala tong ka date ni Perla! Isa ito sa sinasabi niya bortang bading. Napaka shunga naman talaga nitong si Perla jusme!" ang wika ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang malambot na kilos ng lalaking kadate niya, hinawi pa buhok at inipit sa tainga kahit wala naman talaga itong iiipit. Lakas maka dalagang filipina!   Noong dumating si Perla sa table ay agad na itinago ng lalaki ang kanyang cellphone at muli nag focus sa aking kaibigan bagamat kada minuto ay nakatingin ito sa kanyang cellphone at chinecheck kung may mensahe sa kanyang dating site.   Tumagal ng halos 30mins ang date ng dalawa bago sila mag paalam sa isa't isa. Apurang apura ang lalaki na umalis at mukhang ang bill ay iniwan pa kay Perla. Samantalang siya (Perla) naman ay naka tulala lang na parang namaligno habang nakangiti at lumulutang sa ika siyam na alapaap.   "Ikaw talaga pinag bayad?" ang tanong ko   "Eh ano naman, millennials na ngayon. Ang babae na ang gumagastos! Tingnan mo ang yung dalawang bagets na high school doon sa kabilang table. May banner pa sila sa likod nila "Happy 3rd daysary! Ang ibig sabihin ay full of love dito. Wag ka ngang bitter Lino." tugon ni Perla   "Full of hangin ang mayroon dito dahil hinahangin na iyang utak mo. Bakla yung ka date mo. Maniwala ka sa akin, mayroon siyang account sa isang gay dating site! At yung kilos niya kanina ay mas malandi pa sa iyo!"   "Eh ano naman? Malay mo friendly lang talaga siya! Saka hindi bakla iyon, pangalan palang ay lalaking lalaki na!" tugon niya   "Ano bang pangalan niya?" tanong ko   "BOY! BOY AYUDA! Diba? Boy! Lalaking lalaki sya! Hindi sya bakla noh, inggit ka lang kasi nasapawan kita this time!"   "Bakla nga kasi iyon!" ang paninindigan ko   "Ang judgemental mo. Tingnan mo nga itong f*******: account niya. Ang gwapo ng picture niya, halos lahat ay naka hubad, bortang borta oh! Winner siya! So paano magiging bakla iyan e ang macho macho? Saka puro babae yung nag cocomment sa mga status niya at pag lalaki naman ay PARE o TOL ang tawagan nila, hindi bakla si Boy!"   "Tingnan mo nga yung mga friends niya diyan sa sss. Sa 1,898 na kaibigan niya ay mas marami ang mga lalaking naka hubad! Bading iyan! Maniwala ka sakin! Tingnan ko lang kung romansahin ka niya, malamang pag nasa kwarto na kayong dalawa ay kunin niya yung kurtina at gawin niyang gown!"   "Hindi no, hindi bading si Boy!"   "Oh edi sige. Sumama ka sa alay lakad ng mga shungang babae na naniniwalang kaya nilang gawing tunay na lalaki ang isang bakla. Tingnan ko lang kung patusin niya ang petchay mo!" hirit ko   "Ang sama mo naman frend. Halatang halata ang bitterness mo. Ang pait pait mo dahil wala kang naging jowa at kabog na kabog talaga kita this time!"   "Hindi ako bitter, basta tingnan natin kung sino ang ma f-first blood sa ating dalawa!"   "Ano to dota? Tigilan mo nga ako Lino. Hindi bakla si Boy!" pag tatanggol ni Perla   "Bakla si Boy at balang araw ay magugulat ka nalang dahil Girl na siya! Halika ngang umuwi! Feeling mo naman ikinaganda mo yung pink mong lipistik!"   "Lipstick!" sagot niya   "Lipistik kapag nasa bibig mo na! Hindi na maganda!" pang aasar ko naman. "Teka sayang naman yung pag kain mo itake out na natin iyan!"   "Hindi nga ako naka kain, sobrang kinakabahan ako kanina."   "Ang laki ng gastos mo, for sure ubos na ang allowance mo the whole week dahil sa makasaysayang date na ito."   "Oo nga eh, oy Lino pahiramin mo naman ako. Sige na best buddies naman tayo. Do you want to build a snowman?"   "Ano ka si Elsa tigilan mo nga ako. O sige na, akin na tong pag kain mo." sagot ko sabay hatak sa kanya palabas sa kainan.   Kinagabihan, dahil sa curiosity ay sinubukan ko ring gumawa ng account sa gay social site na iyon. At siyempre kung may mag chat man sa akin ay titingnan ko muna ang picture, siguro ay iiwas muna ako sa mga gwapong borta dahil lahat sila ay isanabero at kapwa borta ang gusto. Dun nalang ako sa mga kalevel ko ang datingan para walang lamangan. Same codename lang rin ang aking ginamit "BlackPearl".   Makalipas ang ilang minuto ay may nag chat na nga sa akin. Same location rin, ang pangalan niya ay si "HornyPeter"   Syempre tiningnan ko muna ang profile picture. Payat ito at ordinaryo lamang ang itsura katulad ko. Mukhang hindi naman mayabang at hindi mahilig sa mga borta kakaibigan.   "Hi" ang bati niya   "Hi, hindi ako borta at hindi ako gwapo. Pero kung gusto mo ay friends tayo." ang bungad ko agad   Sumagot siya "Hahaha, same here. Ayoko ng mga borta. Yang ganyan ang trip ko. Ano meet?"   "May trauma na kasi ako sa pakikipag meet. The last time na nakipag eyeball ako ay nireject ako." tugon ko   "Hindi ako ganoon bro. Try me! Iba ako, hindi ako famewhore at pasusyal na katulad nila." ang reply niya   "Talaga ba?"   "Yeah! Trust me!"   Halos buong mag damag kaming nag kkwentuhan ni Peter, kinikilala namin ang isa't isa at nag bigayan ng pag kakataong ibahagi ang gusto at hindi namin gusto sa isang tao. Syempre ay nag lakas loob na rin akong mag padala ng larawan sa kanya upang hindi na siya mag expect ng kahit na ano ukol sa aking pisikal na anyo.   "Ayos naman ah, hindi ka naman panget. Nag kataon lang na mahilig sa borta yung naka meet mo dati. Iba ako sa kanya." ang wika ni Peter   "Salamat naman kung ganoon, sige pumapayag na akong makipag meet sa iyo. San tayo?" tanong ko   "Dito nalang tayo sa apartment ko. Tutal naman ay walang tao dito kapag sabado. Para makatipid na rin, wala naman kasi akong malaking allowance. Inum inum lang tapos ay kwentuhan." ang wika niya   At dahil nga hindi naman ako maarte at ang mahalaga sa akin ay makatagpo ng isang taong mag papasaya sa akin at pumayag na rin ako. Sa susunod na sabado ang aming meet up, ngayon palang ay excited na ako bagamat may masamang ala-alang iniwan sa akin ang pakikipag meet sa ibang tao.   Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD