Hera's POV Excited kaming lahat ng sa wakas ay nakarating na kami sa Palawan. Nakuha na namin ang kani kaniya naming mga maleta at lumabas na rin kami ng airport. Kaagad naman kaming sinalubong ng isang malaking van. Parang mini bus na nga yata ito dahil sa size nito. Sa tingin ko ay ito ang service namin patungo sa destinasyon namin. "Let's go, excited na akong makita ang biniling bahay ni Daddy for Vaun and Hera." Sambit ni Ate Victoria at nauna na itong sumakay sa loob ng sasakyan kasunod si Tita Veron na inalalayan naman ni Tito Vic. Sa unahang hilera ng van sila naupo, sa pangalawa hilera naman kami nila Mama at Maureen. Ang mga lalaki naman ang nag ayos ng mga gamit namin paakyat doon sa sasakyan. Sina Kuya Hash, Kuya Hiro, Kuya Harley, Calix at Vaun. Matapos ay nagsi-sakay