"Napakasarap ng mga pagkain nila." "Yes, lalo na iyong stuffed baked mussels nila." "Bumalik tayong muli rito before tayo umuwi ng Manila." Nag uusap sina Mama, Tita Veron at Tita Vic. Tapos na kaming lahat na magsi-kain. Totoong masasarap ang mga pagkain nila, kaya't ganoon na rin lamang pala ang mga presyo nito. "What if mga 7pm na tayo mag pasundo? let's have a drink muna, what do you guys think?" Sambit ni Ate Victoria. "Go ako d'yan, Ate Tori. Palalampasin ba natin ang inuman sa mga ganitong pagkakataon?" Masayang tugon ni Calix. "Well, dapat lang naman na mag enjoy tayo sa bakasyon na ito. Lalo na kayo, dahil pag balik natin ng Manila ay mag sisimula na ang mga klase niyo." Oo nga pala, malapit na ang pasukan namin sa Altorre Academy. Doon rin pala nag aaral itong si Calix