Vaun's POV "Calix, teka lang." Pareho kaming napatingin ni Calix kay Hera ng tawagin siya nito. Nakasakay na kaming lahat sa eroplano at nailagay na rin namin ang kani kaniya namin na mga gamit. Nakaupo na ako sa seat ko habang papaupo naman si Calix sa bandang likuran ng upuan namin ni Hera. "Bakit, Hera?" "Palit tayo ng upuan, puwede ba?" "Ha?" Nagtatakang tanong ni Calix at napatingin sa akin. "Bakit?" "Wala, basta palit tayo ng upuan. Kung okay lang naman sana sa 'yo." Sambit ni Hera. Tila inaantay naman ni Calix ang isasagot ko, kung papayagan ko ba na lumipat si Hera at hindi tumabi sa akin ito. Nag kibit balikat lamang ako. "S-sige." Sambit nito. Wala na siyang nagawa dahil siguro ay nahihiya ito na tanggihan si Hera. "Salamat, Calix." Kaagad na tumayo si Hera at naupo n