Chapter 1
Mas dinoble ko pa ang bilis ng lakad ko, tila hindi ko na iniinda ang hingal ko at ang pawis ko na kanina pa tumatagaktak. Naku! yari na naman talaga ako nito.
"Hera! Late ka na naman!" Bungad iyon ng Manager namin pagpasok ko pa lamang ng coffee shop na pinagta-trabahuhan ko.
Bahagya akong napa-pikit at napa-atras dahil sa lakas ng sigaw nito na um-echo sa buong lugar. Lahat tuloy ng mga ka-trabaho ko ay natigil sa kanya kanya nilang mga ginagawa at pinag-ti-tinginan nila akong lahat ngayon.
Pangatlong beses ko na ata narinig iyong pagalit na 'yon mula sa manager ko ngayong linggo.
"Sorry Ma'am, traffic lang po talaga." At pangatlong beses ko rin naman itong palusot, wala na kasi akong maisip na iba pang dahilan.
"Anong tinitingin tingin n'yo? balik sa trabaho!" Sigaw nito ng mapansin ang mga ka-trabaho ko. Ayan, damay damay na naman talaga ngayon.
Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Awkward naman akong ngumiti sa kanya at pinunasan ang pawis na tumutulo sa mukha ko, grabe basang basa na kaagad ang uniporme ko, magsisimula pa lamang ang shift ko.
"One more late, Hera and you're fired." Madiin na sambit nito habang nakatingin ng matalas sa akin. Pero sanay na ako, lagi naman kasi itong masungit at galit. Never ko ata s'yang nakita na ngumiti kahit konti man lamang.
Yumuko ako at muli ay humingi ng pasensya sa manager ko bago ito tuluyan na umalis at mag punta sa office n'ya. Tumungo na rin ako sa counter area dahil ako ang naka schedule na cashier ngayon.
"Bakit ba madalas ka atang late? di ka naman ganyan dati ah? may problema ba sa bahay? sa school?" Biglang sumulpot ang best friend kong si Maureen sa likuran ko habang nagsusuot ako ng apron na parte ng uniporme namin.
"Wala naman." Tipid na sagot ko ng hindi s'ya nililingon.
Pero sa totoo lang, halos tatlong araw na rin akong kulang sa tulog dahil subsob ako sa pagre-review para sa entrance exam na itetake ko which is mamayang hapon. Para iyon sa isang sikat na school ng mga engineers na papasukan ko sa college.
Medyo malaki kasi ang bayad sa entrance exam kaya't nakakapang hinayang talaga kung babagsak ako at isa pa, pangarap ko talaga maka-pasok sa university na 'yon.
Ngunit hindi ko naman iyon pwede na i-dahilan kay Ma'am Grace na manager ko, dahil obligasyon ko rin naman na sumunod sa patakaran ng trabaho ko kahit at the same time ay nag aaral ako.
"Naku, Hera. Umayos ayos ka at baka ma-sample-an ka na talaga ni Ma'am Grace sa susunod. Tandaan mo, pag natanggal ka rito, mahirap nang mag hanap ng trabaho lalo sa katulad natin na mga working student. Ilang araw na lang ay gagraduate na tayo at mas magastos sa college, alam mo 'yan." Sambit nito na akala mo ay Nanay ko kung mag sermon.
Pareho kami ni Maureen na nag ta-trabaho habang nag aaral, iisa lang din kami ng pina-pasukan na paaralan ngayong senior high school, ngunit magka-iba naman kami ng strand na kinuha.
Nilingon ko ito para makapag-usap kami ng ayos ngunit muntik ko nang maibuga ang tawa ko nang makita itong naka suot ng sunglasses.
"Anong trip 'yan?" Nagtataka kong tanong at hahawakan ko sana ang sunglasses n'yang suot ngunit bahagya nitong tinapik ang kamay ko.
Akala mo ay napaka taas ng sikat ng araw sa loob ng coffee shop, daig pa niya ang nasa beach.
"S-sore eyes, baka mahawa ka." Sambit nito kaya't napairap ako.
"Naniniwala ka pa rin talaga doon? na kapag nakipag-eye to eye sa may sore eyes ay mahahawa?" Bahagya akong natawa at napailing.
"Eh bata pa lang ayun na pinaniniwalaan ko, wag ka na ngang basag trip d'yan at isa pa, kailangan ko din talagang mag sunglasses para naman di nakakahiya sa customer iyong mata ko." Nagkibit balikat na lamang ako.
Sinimulan ko nang samsamin ang mga gamit sa counter area dahil mag bubukas na kami in five minutes. Si Maureen naman ang nag ayos ng mga breads and pastries na idi-display.
Nagtatrabaho ako sa coffee shop na 'to bilang isang part timer. Thursday to Sunday lamang ang pasok ko dito dahil nag aaral rin ako bilang Grade 12 STEM student. Kailangan ko kasing mag ipon ng pang college dahil may kamahalan sa balak kong pasukan na school. Kahit na mag apply kasi ako bilang scholar doon ay mga bayarin pa rin ako na dapat bayaran.
Ayoko naman nang iasa iyon kay Mama dahil una, wala naman siyang stable na trabaho at rumaraket lang ito pa-minsan minsan, at ayoko rin naman na iasa ang pag aaral ko sa mga Kuya ko, dahil may kanya kanya din naman silang dapat na tustusan sa mga sarili nila.
"Hera, pinatatawag ka ni Ma'am Grace." Lapit sa akin ng isa sa mga waiter namin. Tumango ako at kaagad na kumilos dahil baka uminit na naman ang ulo noon sa akin.
"Ikaw na muna ang bahala rito." Bilin ko kay Maureen dahil hindi puwede na maiwang walang tao sa counter area.
"Sure, gora kana."
Kaagad naman akong nag tungo sa office ng Manager namin at naabutan ko na nandoon rin si Ella. Kaklase ko sya at katrabaho rin sa coffee shop na ito, hindi kami magkasundo dahil para bang lagi ka-kumpetensya ang tingin n'ya sa akin at isa pa, sipsip sya sa lahat, mapa-school o mapa-trabaho man.
"Pinapatawag nyo raw po ako?" Sambit ko ng makapasok ako sa opisina ni Ma'am Grace.
"Yes Hera, here." May iniabot itong papel sa akin, lumapit ako sa table n'ya at kinuha iyon. Nakita ko pa ang bahagyang pang ngisi ni Ella na nasa bandang gilid ko. "Pirmahan mo bilang katunayan na nareceive mo ang memo na 'yan."
Binasa ko muna iyon bago pirmahan at nakalagay doon sa memo na iyon na isa pang late ko ay mate-terminate kaagad ang kontrata ko at hindi makukuha ang pondo at ano mang natitira kong sahod.
"Pasensya na po ulit, Ma'am." Sambit ko at ibinalik sa kanya ang napirmahan ko ng memo.
"Sya nga pala Hera, mag ha-half day si Ella ngayon, kaya't pag out n'ya mamaya ay ikaw ang papalit sa kanya sa pag aasikaso sa customer natin na may reservation sa rooftop area. Importanteng customer iyon at hindi puwede iyon na mapabayaan."
"Po?" Sambit ko at nilingon ko si Ella na mas malawak na ang pag ngisi ngayon, nananadya talaga ang babae na 'to.
Tanda ko pa kung gaano nya halos patayin ako sa tingin noon ng i-announce ng adviser namin at i-congratulate ako dahil sa buong school namin ay ako lamang ang nabigyan ng chance na makapag entrance exam sa Altorre Academy.
Hindi kasi na basta basta magbabayad ka lamang para makapag take ng exam doon, kundi kailangan ng referral ng school at approval naman ng president ng Altorre Academy.
At bago ka nila i-refer ay kailangan mo ng 98 above na average sa latest grading.
"Why? is there any problem?" Sumandal si Ma'am Grace sa upuan nya at tinitigan ako na nakataas ang mga kilay.
"Ma'am Grace, Friday po ngayon, ipinaalam ko po sa inyo last week pa po na mag ha-half day ako dahil schedule po ng entrance exam ko ngayon sa college."
Napatingin ito kay Ella. "Pero Ma'am, kailangan po ako ng Lola ko na may sakit ngayon." Tila nagpapaawang sambit ni Ella.
Nanlaki ang mata ko at di makapaniwala sa sinabi n'yang iyon. Nakakalimutan ba niyang kaklase nya ako at alam sa buong klase namin na ulila na sya at lumaki sya sa ampunan? kaya nga't nagtatrabaho sya sa coffee shop na ito para tustusan ang sarili n'ya dahil wala na s'yang mga magulang o kahit kamag anak man lamang.
"Ella ano bang dahilan—" Hindi ako nito pinatapos sa sasabihin ko.
"Hera, late ka na nga ng sunod sunod na araw tapos ikaw pa talaga ang hihingi ng pabor na mag half day? Paano naman ang Lola ko? mas importante naman iyong rason ko kaysa sa iyo." Napapikit ako at napa-buntong hininga, pinipigilan ko na lamang ang inis ko sa ginagawang pang iipit ngayon ni Ella.
"Pero importante rin sa akin ang exam na iyon." Paliwanag ko pa.
"Enough." Madiin na sambit ni Ma'am Grace. "Sige na Ella, mag half day ka na ngayon at ikaw Hera, i-reschedule mo na lamang ang exam mo. Friday ngayon at hindi puwede na sabay kayong mag half day, alam nyo ang buhos ng tao sa coffee shop natin every friday."
"Pero Ma'am.."
"Go ahead, lumabas na kayong dalawa sa office ko."
Gusto kong komprontahin o magalit kay Ella sa ginawa niyang iyon, pero wala akong magawa dahil mainit ako sa Manager ko ngayon at baka ika-tanggal ko pa sa trabaho kapag ginawa ko iyon.
Mabagal akong nag lakad palabas ng office ng manager namin. Ginawa ko iyon upang mauna maglakad si Ella dahil baka may hindi maganda na mangyari pag nag abot kaming dalawa.
Katulad na lamang ng huling pag aaway namin nang mapalitan ko siya sa pagiging top 1 sa buong klase nitong nakaraang grading namin. Tila galit na galit s'ya sa akin noon kaya ba't gumaganti s'ya ngayon?
Dumiretso ako sa cr upang saglit na huminga at pakalmahin ang sarili ko sa inis kay Ella.
Ilang segundo ko munang tinitigan ang sarili ko sa salamin, grabe ang pula ng mukha ko dahil sa sobrang inis.
Paano na ngayon ang exam ko na pinagpuyatan ko ng ilang gabi? paano na ang pangarap ko na makapag tapos bilang engineer sa inaasam kong university?
Napaka bruha talaga ng babaeng iyon! Napaka dumi niyang makipag laban! May araw din s'ya sa akin.
Naghilamos muna ako upang mahimasmasan, dahil baka pag labas ko at makita ko si Ella ay masakal ko na lamang s'ya bigla.
Matapos ay palabas na sana ako ng banyo ngunit biglang may humagulgol mula sa isang cubicle dahilan para mapatigil ako.
"Ano ba? akala ko okay na tayo kagabi? bakit ngayon nakikipag hiwalay ka na naman?" Sambit nito habang patuloy na humahagulgol.
Pamilyar sa akin ang boses na iyon at hindi ako pwedeng magkamali.
Kaya't pumasok ako sa isang cubicle at tumungtong sa toilet para makasilip sa kabilang cubicle at tama nga ako, si Maureen iyon.
Nakaupo ito sa toilet, at nasa ulo naka-sabit ang sunglasses nito habang may kausap sa phone at panay ang iyak.
"Wag mo na akong hiwalayan, okay na sa akin kahit dalawa kami, o kahit tatlo pa basta wag mo naman paabutin ng apat."
Tila nanlaki ang mata ko at napa-nganga sa narinig ko na iyon. Seryoso? ganoon s'ya ka-tanga?
Mabilis kong hinubad ang sapatos ko at pinukol sa ulo ni Maureen, baka sakaling matauhan sya sa pinag sasasabi n'ya.
"Ouch!" Sigaw nito at tumingala sa pinanggalingan ng sapatos, at tila gulat na gulat s'ya ng makita n'ya ako. "H-hera? kanina ka pa d-dyan?"
Magang maga ang mata niya, tila parang kagabi pa s'ya umiiyak. Kaya pala naka sunglasses ang gaga.
Ngumiti ako sa kaniya, pero alam n'yang hindi maganda ang ibig sabihin ng ngiti kong iyon.
Kaagad nitong binaba ang phone niya, sinuot ang sunglasses at nagmadaling lumabas ng cubicle.
Patakbo na sana ito palabas mismo ng banyo ngunit pinigilan ko sya sa pamamagitan ng paghila sa buhok nya, ayun na lamang kasi ang naabot ng kamay ko.
"Aray, aray, aray bitawan mo na!"
"Tatakas ka pa ah."
"Hindi, wala kasing tao sa counter area." Palusot pa nito.
Binitawan ko ang buhok n'ya at tila di ito makaharap ng ayos sa akin, alam na n'ya kasi ang mangyayari.
"Oh lovelife pa, tanga." Irap ko sa kanya at kinuha ang sapatos ko na hinagis ko sa kanya kanina at isinuot iyon.
Matapos ay sumandal ako sa lababo at nag crossed arms. "Niloko ka ulit ng lalaking iyon?"
"Hindi ah."
"Anong usapan natin kapag naulit?"
"Hera, please, last na talaga." Tinaas pa nito ang kanang kamay nya na tila ba nangangako.
"Ilang beses ko ng narinig 'yang last na yan, wala bang katapusan 'yan?"
"Ito talaga, last na last na." Pangungumbinsi pa nito.
Napangisi ako, di pa pala talaga natuto ang lalaking iyon sa huling ginawa ko sa kanya. Mukhang kailangan ko s'ya ulit turuan ng leksyon.
"Ano? hahayaan mo na lang talaga na ginagawa kang tanga? at talagang lantaran pa, ha?"
"Mahal ko eh."
"Anong reason 'yan, Maureen?"
"Basta, maiintihdihan mo rin ako kapag ikaw na yung nasa posisyon ko, kapag ikaw na iyong nag mamahal, kaya hayaan mo na ako, please?"
"Eww, never! as in hinding hindi mangyayari 'yan. Ewan ko ba kasi sa inyo kung bakit nagpapaloko kayo sa pag ibig na yan."
"Worth it naman eh." Sambit pa nito at iniayos ang pagkaka-suot ng sunglasses n'ya.
Worth it? kailan pa naging worth it ang mag suffer, umiyak at masira ang buhay ng dahil lang sa pag ibig?
"Bahala ka na nga sa buhay mo, basta wag mo na akong tatawagan o pupuntahan ng alas dos ng madaling araw para lang iyakan."
"Weh? narinig ko na rin yan eh, sinabi mo na yan noon pero di mo rin naman ako natitiis." Akmang hahalik pa ito sa akin ngunit tinulak ko ang mukha n'ya. Eww.
Di ko talaga magets kung bakit nagkakaganyan s'ya para lang sa pag ibig, pareho sila ni Mama.
Basta ako, eight years old pa lamang ako ay nangako na akong hinding hindi ako magmamahal, makikipag relasyon at lalo naman na hinding hindi ako magpapa-kasal.
Ayokong magaya sa Mama ko, nakita ko kung gaano sya naiwan na sirang sira nang dahil sa magaling kong Ama.
Hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa at tila sariwang sariwa pa ang lahat.