"Thank you, Sir! Napaka laking tulong po talaga nito. Salamat talaga." "Sigurado kang dito ka magpapa hatid, Sir? di ba't parang mas kailangan mong umuwi? o dumiretso sa ospital?" "Okay na okay ako, Sir. Salamat." "Parang hindi naman, kanina ka pa kasi panay ang ngiti. Hindi kaya't may tama ang ulo mo, Sir?" "Puso ko ang may tama, Sir. Tinamaan ako sa kaniya." Nakangiting sambit ko. Sabay kaming bumaba ni Manong pulis mula sa police mobile na pinag sakyan n'ya sa akin papunta rito sa bar. Nasa likod iyong motor ko, mabuti na lamang at pumayag ang pulis na ito sa pabor na hiningi ko. Ayaw na kasi gumana ng motor ko, mukang may nasira dahil sa pagkaka bagsak nito kanina. Hindi ko na rin naman kaya na mag maneho dahil sa pilay sa bandang kanang braso ko dahil sa naitukod ko iyong sik