Tori's POV Sa wakas ay nahanap ko na rin iyong bar na pag mamay-ari ni Uncle Vlad. Ang kapatid ni Mommy. Isang oras ata na paikot ikot ako rito sa mga kalapit lugar. Sa limang taon ba naman na sa States ako nanirahan ay nakalimutan ko na kung saan mismo located itong bar. Nakabangga na nga ako ng motorcycle rider kanina sa pagmamadali ko at pagod na rin kasi ako sa pag mamaneho. Mabuti na lamang ay mukhang okay naman s'ya, pero parang may something s'ya sa utak dahil sa mga pinagsasasabi n'ya. Galing pa kasi ako ng flight ko galing states at dito ako dumiretso. Bilin kasi ni Uncle na pag uwi ko ng Pilipinas ay daanan ko sa bar n'ya iyong regalo n'ya sa akin na limited edition na violin. Gusto raw kasi n'ya na personal na ibigay sa akin 'yon. At dahil sa matagal na akong sabik na