Chapter 8

2201 Words
Pag labas ng cr ay wala na si Sir, agad na bumaba rin ako dahil nakapag linis na rin naman ako sa kalat na gawa ng natapon na kape. "Hera, tawag ka ni Ma'am Grace. Sa office n'ya." Salubong kaagad ni Maureen pagbaba ko. Tila may bahid ng pag aalala iyong tono ng boses n'ya. Bahagya pa akong tinapik tapik nito sa likod. Expected ko naman na 'yon dahil sa nangyari kanina. I guess ito na ang last day ko sa trabaho. Pagdating ko pa lang ng office ni Ma'am Grace ay iba na ang aura ng mukha nito. "Alam mo naman na siguro kung bakit kita pinatawag, Hera. Hindi ba?" Sambit nito na halata naman na galit s'ya, at tumango naman ako. "Sinusubukan mo ba ang pasensya ko? ha?" "Hindi po Ma'am—" "Sinira mo iyong anniversary celebration nila, at nakakahiya naman sa kanila na binayaran nila 'yong napakaraming pagkain pero hindi na nila nakain ng dahil sa katangahan na ginawa mo!— Alam mo ba, kung tutuusin nga, hindi ko na dapat 'yon pababayaran sa kanila, at ipapa-shoulder ko na lamang sayo at ikakaltas na lang sa sahod mo dahil ikaw naman ang may kasalanan non!" "Pero Ma'am, sobra naman po ata 'yon." "Sumasagot ka pa ngayon? aba'y ikaw ang may gawa no'n, katangahan mo 'yon, Hera." Madiin na sambit nito. "Ma'am, hindi ko naman po talaga 'yon sadya, papasok pa lamang po ako ng pintuan no'n tapos nagmamadali po siya na lumabas, kaya't nagkabanggaan po kami at natapunan po s'ya ng kape." Paliwanag ko pero mukhang hindi naman pinakikinggan ni Ma'am Grace. "So anong gusto mong palabasin? na kasalanan noong girlfriend ni Sir Vaun kaya natapunan ng kape iyong damit n'ya?" "Hindi naman po sa ganun, Ma'am. Disgrasya lang naman po iyon—" "Hera, alam mo ba kung gaano kagalit na galit si Ma'am Ysabel noong naka salubong ko s'ya? ha?" "Sikat na model sa ibang bansa 'yon at hindi basta basta ang isinusuot na mga damit no'n, pero dinumihan mo ng ganun ganun lang!" Dagdag pa nito. Hindi ko na sinubukan na mag paliwanag dahil wala rin namang patutunguhan, ako at ako lamang talaga ang lalabas na mali rito. Syempre, sino bang mas kakampihan n'ya? at isa pa ay empleyado lang naman ako rito. Customer is always right nga. Lalo pa kung ganoon ba naman kabigatin ang customer. "At alam mo rin ba ang sinabi n'ya?" Umiling ako. "Kapag hindi kita tinanggal sa coffee shop na 'to, ay ishe-share n'ya ang pangit na experience nya rito sa susunod na interview n'ya sa isang show. Nakita mo ang resulta ng kaperwisyuhan na ginawa mo?" "Okay lang po, naiintindihan ko po." Sambit ko na pinipigil na ang iyak ko. Una ay dahil syempre, mawawala ang trabaho ko na malaki ang tinulong para sa pang gastos ko sa araw araw at pati sa pag aaral ko. Pangalawa ay dahil sa mga masasakit na salitang narinig ko ngayong araw, tao lang din naman ako at hindi ako manhid. "Mabuti naman, dahil hindi ko para isalalay ang reputasyon ng coffee shop para lang sa empleyado na katulad mo." "Maari na po ba akong lumabas?" Tanong ko. Dahil di na para mag stay pa ako at pakinggan ang mga masasakit na salita ni Ma'am Grace na manager ko. Kung noon ay tinitiis ko, baka hindi ko na hayaan ngayon. Dahil para saan pa kung wala na rin lang akong trabaho. Kaagad akong pumunta sa locker area upang kunin ang mga gamit ko. Maluha luha na ako ngunit hindi ko maaaring ipakita iyon pag labas ko sa mga kasamahan ko, lalo kay Ella at lalong lalo sa best friend ko na si Maureen. Nang maiayos ko ang sarili ko at mga gamit ko ay kaagad na rin akong lumabas. Dinala ko na rin iyong helmet. Mamayang lunch break ko pa sana iyon isasauli ngunit napa-aga ngayon, sana ay maabutan ko doon si Kuyang rider. "Hera, okay ka lang ba? ano bang nangyari?" Nag aalalang tanong ni Maureen pag labas ko pa lamang ng locker area at nakita nito ang mga gamit kong dala. Kaagad pa ako nitong nilapitan at hinawakan sa braso. "Wala— okay lang ako. Tsaka na lang tayo mag kwentuhan. Sa rest day mo na lang." Sambit ko at pilit na ngumiti. Ayoko kasi na mag kwento ngayon, dahil nasa gilid lang namin si Ella, bukod doon ay naka duty at may trabaho si Maureen. "Hindi ka okay eh, alam kong hindi ka okay." Bakit nga ba ako nag sinungaling kay Maureen? eh bukod sa Mama ko at mga Kuya ko, s'ya ang pinaka nakakakilala sa akin. Alam n'ya kung anong nararamdaman ko, kapag galit na ako, kapag nasasaktan at lalo na kapag malungkot ako. Pero ang pinaka dahilan rin, ay baka mag bagsakan ang mababaw kong luha kapag nag kwento ako na tinanggal na ako sa trabaho. "Tanggal ka na 'no?" Singit naman ni Ella. Lagi naman 'tong di nagpapa huli. "Wag mo kong simulan ngayon, dahil puwedeng puwede na kita patulan. Wala na akong trabahong iniingatan pa." Seryosong sambit ko at napaatras naman ito at bumalik sa pwesto n'ya. "Fine." Pahabol pa nito at umirap. "Ano? tinanggal ka ni Ma'am? bakit naman ganoon? Teka, kakausapin ko s'ya, na bigyan ka pa ng chance. Hindi mo naman 'yon sinasadya eh, ang unfair naman no'n." Mas lalong nag alala at may pagkahalong inis na sambit ni Maureen. "Wag na, baka madamay ka pa. Hahanap na lang ako ng ibang part time job, marami pa naman ibang mapapasukan eh." "Pero Hera.." Malungkot na sambit ni Maureen at nag pout. Tila parang bata ito na inagawan ng candy. "Ang oa mo naman, Maureen. Mag kikita pa naman tayo. Parang di ka madalas nambubulabog sa bahay ah?" Pabirong sambit ko upang maiba ang mood sa pagitan namin na dalawa. Kahit naman hindi kami magka-trabaho o mag-kaklase, madalas pa naman kaming nag-kikita at nag-kakasama dahil welcome na welcome s'ya sa bahay namin at kilalang kilala s'ya nila Mama at Kuya. Doon pa nga s'ya natutulog minsan. Pero alam ko rin naman ang isang dahilan pa ng lungkot ni Maureen, lagi n'yang pinapaalala na mahirap mag hanap ng trabaho ngayon, lalo na't katulad namin na working student at, totoo naman 'yon. Napakarami namin na sinubukan na applyan noon at totoo naman na napaka hirap matanggap, napaka hirap rin na humanap ng maluwag na schedule katulad ng schedule ko rito sa coffee shop. Iyong schedule na hindi matatamaan ang pag aaral ko. Kadalasan kasi ay 8 hours at isang araw lang ang rest day. Mapapabayaan ko ang pag aaral ko kung sakali man na ganoon. "Sige na, mauuna na ako." Paalam ko kay Maureen dahil unti unti na rin na dumadami ang tao. Baka pati s'ya ay mapag initan ni Ma'am Grace kapag naabutan na nakikipag kwentuhan sa akin sa oras ng trabaho. "Daanan na lang kita mamaya pag uwi ko, Hera. Mag iingat ka ah." Tumango ako at ngumiti. "Teka— iyong mga prutas mo pala." "Sige na, sa 'yo na 'yan, ang dami ko ng bitbit oh." Bahagya ko pang ini-angat ang mga dala kong gamit upang makita nya 'to. Mas lalo tuloy ako na nalungkot, ito ang unang beses na pinuntahan ako ni Mama sa trabaho para dalhan ng pagkain, iyon na rin pala ang huli. Pagkalabas ko ng coffee shop ay nag tungo ako sa gilid na kalsada nito. Upang sana ay isauli iyong helmet ngunit wala akong naabutan na pila doon. Saglit akong naupo sa bench, doon mismo sa pila ng mga habal habal. Inilapag ko muna sa tabi ko iyong mga dalang gamit ko pati na rin iyong helmet. Hindi ako kita rito mula sa coffee shop at wala rin naman gaanong tao na naka tambay rito o dumadaan. Kaya't hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Doon ko inilabas lahat ng inis, galit at stress nang dahil sa nangyari. Hinayaan ko lang na mag bagsakan ang mga luha ko kasabay ng pag hagulgol ko. Kanina ko pa iyon pinipigilan at sobrang bigat no'n sa pakiramdam. Kailangan ko lang talaga itong ilabas, dahil pag uwi ko sa bahay ay di ko na 'yon magagawa. Doon ay kailangan ko na mag panggap na masaya, na walang problema, upang di na ako makadagdag sa isipin nila Mama at mga Kuya ko. --- Vaun's POV First, our date got cancelled. Ngayon naman na natuloy ay tinoyo naman si Ysabel at nauna nang umuwi. Kailan ba kami makakalabas ng walang nagiging problema? Ang ganda pa naman sana ng plano ko para sa amin ngayong araw. After breakfast sana namin sa ni-rent kong place sa coffee shop ay mag lo-long ride kami pa-batangas. That's why itong motor ang dinala ko, instead of my car. Pero isa rin 'yon sa kinainisan n'ya dahil sa hindi raw bagay iyong suot n'ya para sa motorcycle lamang. May pina-reserve pa naman na ako na five star hotel and resort para sa amin doon sa Batangas. We will spent the whole night there, bago man lang sana s'ya lumipad papuntang paris para sa nalalapit n'yang fashion show roon. Magiging busy na rin kasi s'ya sa mga susunod na araw that's why gusto ko s'yang makasama man lang at sa ganoon ay makapag relax naman s'ya bago s'ya magpaka subsob ulit sa pag mo-modeling n'ya. But, hindi na naman ulit matutuloy iyon. I don't know, everytime na I will bring up about the wedding ay tila nagiging iritable s'ya. Dagdag pa iyong natapunan ang dress n'ya ng coffee. We're together for two years, nakilala ko sya when I was in senior high school. Pareho kaming nag aaral that time sa isang exclusive school. I'm 19 years old and she's 18. I know masyadong maaga para mag-pakasal, but I already told her a hundred times about the reason, kung bakit ako nag-mamadali at kung bakit kailangan ko na gawin 'yon. Wala namang mawawala if we got married sa murang edad, kundi may mawawala kung hindi kami mag pakasal sa mas lalong madaling panahon. And beside that, mahal naman namin ang isa't isa at doon rin naman kami pupunta. Napabalik ako sa ulirat ng lapitan ako ng guard dito sa parking lot nitong coffee shop. Nakatayo kasi ako at naka sandal sa motor ko, wala pa kasi ako sa mood na mag drive dahil sa nangyari kanina kaya't minabuti ko na tumambay muna rito upang makapag muni muni. "Ay Sir, good morning po. Aalis na po ba kayo?" Tumango naman ako. "May magpa-park po kasi, Sir. Pasensya na po." "No it's okay, paalis na rin naman talaga ako." Wala na rin kasing bakante pwesto dahil di naman ganoon kalakihan itong parking lot sa likod lamang ng coffee shop. Isinuot ko na 'yong helmet ko at nag drive paalis. Napadaan ako sa gilid ng coffee shop, bahagya pa akong natawa ng makita ang spot kung saan saglit akong nag park noon, dahil puno iyong parking lot. Doon ako napagkamalan na rider— Teka, speaking of. Bigla akong napa hinto, nang mapansin iyong nakaupong babae sa bench. Nakayuko ito pero pamilyar s'ya. S'ya iyon. Iyong hinatid ko sa Altorre Academy at iyong inaway ni Ysabel na waitress kanina. At isa pa, helmet ko iyong naka lapag sa tabi n'ya. Ngayon nga daw pala nya ako babayaran sa pamasahe n'ya at isasauli iyong helmet ko. Marunong nga talaga s'yang tumupad sa pangako n'ya. Magpapakilala na sana ako sa kaniya kanina, sa coffee shop pa lamang. Ngunit nag dalawang isip ako dahil nakita ko iyong reaksyon ng mukha n'ya ng tawagin ko s'ya sa pangalan n'ya. Kaya't nag dahilan na lamang ako na nakita ko iyon sa nameplate n'ya. Baka kasi mas lalong mataranta ito at mas lalong mahiya, kapag nalaman n'ya na ako iyong napagkamalan n'yang rider at nag hatid sa kaniya papunta sa Altorre Academy, lalo na siguro kapag nalaman n'ya na ako ang anak ng may ari no'n at ako ang gumawa ng paraan para makapag exam s'ya doon. Pero hindi naman na siguro n'ya kailangan na malaman pa iyon, ang importante ay nakatulong ako sa kanya that time. Pinaandar ko iyong motor ko papalapit sana sa kanya. Hindi naman n'ya ako mamumukhaan dahil naka helmet ako at isa pa ay suot ko iyong jacket ko na iniwan ko sa compartment ng motor ko noong pumunta kami sa coffee shop. Bubusinahan ko sana s'ya upang mapansin n'ya ako ngunit napag tanto ko na parang umiiyak ito. Rinig ko iyong hagulgol n'ya at kasabay ng pag hikbi nya ang galaw ng balikat nito. Umiiyak nga s'ya. Wala ako sa posisyon para patahanin sya o damayan man lang, at isa pa, panigurado ako na walang may gusto na makita silang umiiyak ng ibang tao. Kaya't pinaandar ko na lamang palayo ang motor ko, pero doon banda iyon sa pwesto kung saan ay matatanaw ko pa rin s'ya. Maya maya pa ay nakita ko itong iniangat ang ulo mula sa pagkaka-yuko, nagpunas ng mukha at lumingon lingon sa paligid. Matapos ay kinuha nito ang mga gamit n'ya, pati na rin iyong helmet ko at pumara na ito ng tricycle. Nang makaalis s'ya ay pinaandar ko na rin ang motor ko. "Ingat ka." Sambit ko pa kahit alam ko na hindi naman ako nito maririnig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD