Lunes ngayon at bukod sa wala akong pasok sa coffee shop ng ganitong araw ay wala na nga rin pala akong trabaho roon.
Masyadong napa aga ang gising ko, nasanay na din kasi talaga ang katawan ko na gumising ng ganitong oras.
Gusto ko pa sana na matulog muli dahil mamayang hapon pa ang pasok ko sa school ngunit mahihirapan na ako at baka mag tuloy tuloy pa ang tulog ko.
Naisipan ko na puntahan na lang si Mama sa kwarto n'ya, panigurado ay nakahiga pa 'yon ng ganitong kaaga.
Namiss ko lang s'yang lambingin, at para masabi ko na rin iyong pagka alis ko sa trabaho ko, para na rin makapag kwentuhan kaming dalawa dahil para bang masyado akong naging busy nitong mga nakaraang araw at hindi na kami gaano nakakapag usap ni Mama.
Kumatok muna ako sa kwarto n'ya bago pumasok, pero wala akong naabutan na tao roon. Sinilip ko rin iyong cr ngunit wala rin naman si Mama doon.
Napaka aga naman ni Mama kumilos kung nasa baba na s'ya ngayon.
Palabas na sana ako ng hanginin iyong mga papel na nasa side table n'ya kaya't pinulot ko iyon.
At hindi ko naman sadya na mabasa ang medyo may kalakihan na sulat ng pangalan ng isang ospital sa papel na 'yon.
Bigla akong kinabahan, ito ba ang pinagkaka abalahan ni Mama? para saan ang mga ito? may sakit kaya s'ya?
Tila sunod sunod na tanong ang pumapasok sa isip ko.
Sakto naman na narinig kong bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Mama. Naka bihis ito ng pang lakad, nakakapag taka naman na napaka aga nitong aalis.
"Anong ginagawa mo rito, Hera anak?" Tanong nito.
"Ma—"
"Akin na nga 'yan." Sambit nito ng makita na hawak ko iyong mga papel na galing sa ospital at mabilis na kinuha iyon sa mga kamay ko.
"Para saan po 'yan?" Pag uusisa ko.
"W-wala, para sa monthly check up ko lang 'to."
"Monthly check up? kailan ka pa po nagpa-check up buwan buwan?" Mas lalo akong kinabahan, hindi acceptable iyong reason ni Mama. Halatang nagpapa-lusot lang siya at ramdam ko na may tinatago s'ya.
Noon pa lang ay sinasabihan na s'ya nila Kuya na magpa-check up dahil dapat lang na ma-monitor iyong health nya sa edad n'ya, ngunit ang lagi n'yang dahilan ay sayang ang pera at aksayado lang 'yon sa oras. Kaya't nakakapag taka talaga.
"S-sige na Hera, bumaba ka na ro'n. Nakapag luto na ako ng pagkain ninyo. Mamaya kasi ay aalis ako, ah ano— may lakad kami ng mga kaibigan ko, oo tama. Sa dating raket na pinasukan ko, pero saglit lang naman iyon."
Ayoko pa sana na umalis sa kwarto ni Mama ngunit marahan na tinulak ako nito palabas ng kwarto n'ya.
"Uuwian na lang kita ng paborito mong ice cream mamaya, okay? I love you." Habol pa ni Mama bago ako pagsarhan ng pintuan.
Ginagawa n'ya pa rin talaga akong bata na nasusuhulan ng pagkain o kung ano mang pasalubong.
Imbes na bumaba ako upang kumain ay nag madali akong maligo.
Ewan ko, pero hindi talaga ako mapakali. Kailangan ko na malaman kung ano ang madalas na dahilan ng pag alis ni Mama, at pakiramdam ko ay may koneksyon iyon sa papel ng ospital na nakita ko kanina.
May tinatago talaga s'ya, ramdam at halata ko iyon sa kaniya.
Narinig ko pa si Mama noong naliligo ako na nag paalam sa tatlong Kuya ko at ganoon na rin sa akin. Nag bilin pa ito na initin iyong ulam na iniluto at inilagay nya sa ref para sa tanghalian at sa hapunan namin.
Matapos ay nag bihis na rin ako at nagmadaling umalis. Mabuti na lamang ay alam ko iyong pangalan ng ospital na 'yon at kung saan at anong sasakyan papunta roon.
Hindi naman iyon ganoon kalayuan at hindi rin naman ako nahirapan na sumakay. Kaya't mag iisang oras ay nakarating na ako kaagad roon.
Hindi ko alam kung saan hahanapin si Mama sa laki nitong ospital, pero bahala na.
Hinarang ako ng guard ng ospital gayong papasok pa lamang ako. "Pa log na lang po Ma'am, bago po kayo pumasok." Sambit nito at iniabot sa akin iyong ballpen at logbook.
Pagkapirma ng pangalan ko ay nakita ko ang pangalan ni Mama. Halos tatlong pangalan lang ang pagitan naming dalawa.
"Paki lagay na lang rin po kung anong pakay n'yo sa loob." Dagdag pa noong guard.
Visitor iyong naka lagay kay Mama at sa room 205 iyon, kaya't ginaya ko na lang rin iyon dahil si Mama lang din naman ang pakay ko rito. Kung nasaan s'ya ay doon ako pupunta.
Habang hinahanap iyong kwarto na iyon ay nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa na puntahan si Mama doon.
Ang akala ko kasi ay may sakit si Mama at tinatago n'ya sa amin 'yon, pero may binisita lang pala s'ya, hindi ko nga lang alam kung sino.
Pero dahil nandito na rin lang ako, ay pinag patuloy ko na ang pag hahanap.
Nakarating ako sa 3rd floor ng ospital pero matataas na ang numero ng mga kwarto rito. Kaya't minabuti ko nang mag tanong sa nurse na nakasalubong ko.
"Nurse, excuse me po. Puwede po bang mag tanong?"
"Yes po, Ma'am. Ano po iyon?"
"Itatanong ko lang po sana kung saan iyong room 205 po?"
"Ah, room 205 po? sa oncology ward po iyon. Sa 2nd floor po right side pag baba mo ng hagdan. Room 200-250 ang mga naroon."
"Thank you po."
"Walang ano man po." Nakangiting sambit nito bago umalis.
Kaagad akong bumaba at sinundan iyong direction na sinabi n'ya.
Kaya naman pala nahirapan akong hanapin iyon dahil naka bukod naman pala iyong ward na 'yon at medyo tago kumpara sa ibang mga kwarto.
Madali ko nang nahanap iyong room 205 dahil sunod sunod naman na iyong mga kwarto doon sa hallway.
Naabutan ko si Mama na nakatayo sa labas ng kwartong iyon. Tila di ito mapakali at pasilip silip ito sa loob.
Parang wala s'ya sa sarili kaya't di rin ako napapansin nito samantalang hindi naman gaano kalayuan itong kinatatayuan ko sa kaniya.
Hindi ko alam kung bakit pero tila bigla akong kinabahan, para bang ayokong lumapit roon.
Maya maya pa ay may lumabas na doctor at mga nurse sa kwarto na 'yon, kinausap iyon ni Mama at pagkatapos ay pumasok na ito sa loob no'n.
Dahan dahan akong lumapit, tila kada hakbang ko ay kasabay ng mas pagtindi ng kaba at t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit o kung ano ang dahilan at nagkaka ganito ako.
Nang huminto ako sa tapat ng pinto ng kwarto na iyon ay huminga muna ako ng malalim bago tuluyan na sumilip sa salamin ng pintuan na 'yon.
At laging gulat ko kung sino iyong taong iyon, kung sino iyong lalaking iyon na naka higa sa kama na 'yon.
May nakakabit na dextrose at kung ano pang mga aparato sa katawan nito.
Iyon ang dati n'yang asawa, ang Ama naming mag kakapatid. Ang lalaking sumira ng puso at pagkatao ko noong bata ako at tila nanumbalik ang lahat ng 'yon ngayon. Ngayon na nakita ko s'yang muli makalipas ang sampung taon.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, basta't ang tangi ko lang gusto ay ang makaalis rito, pero tila naistatwa ako, tila ayaw gumalaw ng mga paa ko.
Ayoko na makita n'ya ako pero huli na ang lahat, nag tama ang mga mata naming dalawa nang tumingin ito sa pintuan, nagka tinginan kami at tila nagtataka ito, bahagya pa nitong minumukhaan ang mukha ko.
Tila nag unahan na bumagsak ang mga luha ko ng makita ang bahagyang pag ngiti sa labi nito at pati na rin sa mga mata n'ya.
Dahan dahan nitong iniangat ang kamay n'ya na napakaraming naka tusok at itinuro ako, kaya naman napalingon si Mama.
Gulat na gulat si Mama ng makita ako at kaagad na nilapitan ako. Hinila ako ni Mama upang maupo sa sa mga upuan na nasa labas ng kwartong iyon.
"A-anong ginagawa mo rito, Hera?"
"Kailan pa? kailan ka pa natuto na mag tago sa amin, Ma?" Sambit ko at pinunasan iyong mata ko na nabasa ng luha dahil sa nakita ko kanina.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng luha na 'yon. Kung galit ba, poot, o awa dahil sa nanghihinang itsura ng Ama ko.
Pero bakit naman ako maaawa? hindi nga s'ya naawa sa amin noong iwan at pabayaan n'ya kami.
"Hera.. anak.."
"Wag mo sabihin na okay na kayo ng lalaking 'yan? matapos ng lahat? ng lahat ng ginawa n'ya sayo? sa amin?"
"Wag kang mag salita ng ganyan sa Papa mo."
"Pero Ma, ganoon na lang ba 'yon?"
"Hera, kahit anong mangyari ay Ama mo pa rin s'ya!" Sigaw ni Mama na umecho sa buong hallway ng ospital.
"Oo, Ama ko s'ya at anak n'ya ako. Pero tinapos n'ya na iyong pagiging Ama nya sa akin, sa amin nila Kuya, noong araw na iwan n'ya tayo para sa ibang babae n'ya."
Bumuntong hininga si Mama at hinawakan ang mga kamay ko. "Noon 'yon, kaya nga't gustong bumawi ng Papa mo sa 'yo, sa inyo ng mga Kuya mo."
"Magso-sorry s'ya, Ma? na para bang maiaalis ng sorry na 'yon lahat ng naramdaman natin. Lahat ng dinanas natin, at lahat ng sama ng loob at trauma na iniwan n'ya sa atin? Hindi ganoon na kadali po 'yon, Mama."
"Anak, huwag n'yo naman hayaan na mawala ang Papa mo na hindi nakakamit iyong pagpapatawad n'yo." Tila biglang umiyak si Mama ng sambitin iyon.
"A-anong ibig mo pong sabihin, M-ma?"
"Tinaningan na ng Doctor ang Papa mo, kumalat na iyong cancer sa katawan n'ya at hindi na kaya pa ng chemotherapy at radiation iyon." Mas lalong lumakas ang iyak ni Mama, ganoon iyong iyak n'ya ng araw na iniwan kami ni Papa noon.
Ngayon ko na lamang ulit na nakitang ganito si Mama, at ang Ama ko na naman ulit ang dahilan.
"Isang buwan na lamang ang itatagal ng Papa mo, pero mas maaari pang mapa-aga iyon dahil hindi na kinakaya ng katawan n'ya. Kaya Hera, anak. Wag mo naman sanang hayaan na mawala sa mundo na 'to ang Papa mo na dala ang pagsisisi sa nagawa n'ya sa inyo."
Aaminin ko na matindi ang galit ko sa Papa ko. Simula noong iwan nya kami noong walong taon pa lamang ako.
Napaka bata ko pa pero nasaksihan ko na ang lahat ng 'yon, lahat ng pinagdaanan ng Mama ko, lahat ng ginawa nito para lang buuin ang sarili n'ya na nasira dahil sa pag iwan ng Papa ko sa amin noon.
Trauma, takot at pangamba ang iniwan sa akin ng mga pangyayari na 'yon.
Dahil doon ay namulat ako sa salitang hinding hindi ako magpapakasal, o hindi ako magmahahal dahil lang sa takot na mangyari rin sa akin ang inabot ni Mama.
Malaki ang galit ko sa Papa ko, malaking malaki at hindi ko alam kung mapapawi pa ang nararamdaman ko na 'to dahil sa lahat ng pinagdaanan ko.
Ito ang pinaka hindi ko inaasahan na mangyari, iyong makita kong muli ang Papa ko.
Ngunit sa hiling ni Mama, at dahil sa may natitira pa rin naman akong awa ay pumasok ako sa loob ng kwarto.
Wala naman sigurong mawawala kung kamustahin ko sya, bago man lang s'ya tuluyan na mawala. Hanggang doon lang naman iyon.
Lumapit ako sa kaniya, at naupo sa upuan doon sa may gilid ng kama n'ya.
Tila nag iba ng sobra iyong itsura n'ya, hindi iyon ang itsura n'ya na natatandaan ko noong bata pa lamang ako. Sobrang payat n'ya at tila napaka lalim na ng mga mata n'ya.
"Hera, ikaw na ba 'yan? ang aking bunso?" Sambit nito na tila kinakapos sa hininga.
Tumango ako at umiwas ng tingin. Iyong banggitin pa lamang n'ya ang pangalan ko ay sobrang kakaiba na sa pakiramdam. Mas lalo pa iyong sabihin n'ya na bunso n'ya ako, kahit alam ko naman na may anak na s'ya sa iba.
Hindi ba't dapat ay galit ako? pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Ang laki laki mo na, pero ikaw pa rin ang prinsesa ko, ang prinsesa ko na laging naka salubong, laging hahalik at nagpapawi ng pagod ko noon kapag galing ako sa trabaho."
Hindi ko na mapigilan pa ang mga luha ko at tuluyan na itong nagsipag-unahan sa pag bagsak.
Tila nanumbalik iyong masayang alaala bago n'ya kami iwan, iyong alaala na kumpleto pa kami, iyong mayroon pang asawa na katuwang si Mama at iyong mayroon pa kaming Papa na nakakasama.
Mula kasi ng iwan n'ya kami ay puro masasakit na alaala na lamang ang naglalaro sa isipan ko.
"Prinsesa na iniwan ng Hari nya." Humihikbing sambit ko habang pinupunasan ang mga luha ko na walang tigil sa pag bagsak.
Sya ang Hari na dapat na nagpoprotekta, pero s'ya pa iyong pinaka naunang manakit sa tinuturing n'yang prinsesa.