Chapter 7

1731 Words
Tumayo ito at lumapit sa akin. "It's you." "Anong ako po, Sir?" Nagtatakang tanong ko. Panay sya it's you eh, ayaw n'ya sabihin kung ano ba iyon. "Yung sa—" Hindi nito naituloy ang sasabihin n'ya ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng rooftop at tatlo kaming napa tingin doon. Bigla na lamang sumulpot doon si Maureen. May dala itong tray na naglalaman ng iba pang order nila. "Here's your order!" Masiglang sambit nito at kaagad na iniayos sa mesa ang laman ng tray na dala n'ya. Matapos ay kaagad na lumapit ito kay Sir na vip customer namin. "Hala, Sir." Sambit nito. Nagtataka naman s'yang tinignan nito. "B-bakit, Miss?" Naiilang na sambit nito, dahil napaka-lapit naman kasi ni Maureen at sobrang titig na titig 'to sa kaniya. Napatingin tuloy ako sa girlfriend ni Sir kung anong reaksyon nito sa ginagawa ni Maureen, pero mabuti na lang at busy ito sa phone n'ya. Marahan kong siniko si Maureen pero parang hindi sya nakakaramdam, o ayaw lang talaga nya akong pansinin at ayaw nya lang talaga mag paawat. "Totoo nga, Sir. Mas pogi ka lalo sa malapitan." Tignan mo nga at wala talagang kahihiyan itong si Maureen. Bahagya naman na natawa ito at napa kamot sa ulo n'ya. Tila nahiya ito sa sinabi ni Maureen. "S-salamat sa compliment ah." "Oh, mas lalo ngayon na tumawa ka, Sir." Napailing na lamang ako sa ginagawa at mga sinasabi nitong best friend ko. "Pasensya na po kayo sa kaniya, Sir. Kukunin na po namin iyong iba n'yo pang order." Sambit ko. "No, it's okay." Hinila ko na si Maureen palabas bago pa ito mag sabi ng kung ano na naman. Halata naman na naiilang at nahihiya na iyong customer sa ginagawa n'ya. Nang maka baba kami ay inuna ko nang ipagawa iyong caramel macchiato at cafe latte sa barista namin, katulad ng binilin ng vip customer. Nandoon si Ella sa counter area at s'ya na ang nag cashier. Dahil ayaw nya akong tulungan ay nakipag palit na lang sa kaniya si Maureen. Pabor rin naman kasi sa kanya iyon. "Yung sobrang gwapo n'ya na, pero may mas iga-gwapo pa pala s'ya sa malapitan? grabe, ngayon lang ako naka kita ng ganoong klaseng nilalang." Tila kinikilig na sambit ni Maureen habang ini-aayos na iyong iba pang pagkain na i-aakyat namin. Ewan ko ba sa best friend ko na 'to. Nakita ko naman na papalapit si Ma'am Grace sa amin dala ang isang bote ng wine. Ayun iyong ibinilin n'ya kanina na ibigay sa vip customer. Ang aga aga at wine kaagad? "Kumusta ang vip customer sa taas?" Tanong nito at ini-abot sa akin iyong wine. "Okay naman po, Ma'am. Pinagsisilbihan naman po namin sila ng maayos." Sagot ko. "Good, anong inorder nila?" "Lahat po ng nasa breakfast menu, Ma'am." "Oh, okay. Make sure na sundin n'yo lahat ng iuutos nila ah? baka makarating sa may ari kapag pumalpak kayo." "Yes, Ma'am." "At ibigay mo 'yang wine, sa pagkakaalam ko kasi ay anniversary nila ng girlfriend n'ya. Alam n'yo bang sikat na fashion model iyon sa france?" "Ha?! talaga po Ma'am?" Sambit ni Maureen. Syempre ay pag tsismis, hindi 'to mag-papahuli. Kaya naman pala ganoon kakinis at kaganda iyong girlfriend ni Sir. Fashion model naman pala s'ya at sa ibang bansa pa. "Oo, model iyon ng mga designer goods. Bigatin ang customer natin na iyon kaya't make sure na the best service ang ibibigay ninyo sa kanila." "Eh Ma'am Grace, Si Sir? mayaman daw po iyon?" Pang uusisa ni Maureen. "Si Sir Vaun? Hindi lang mayaman, kundi mayaman na mayaman. Nag iisang anak na lalaki s'ya ng may ari ng Altorre Academy." Ayoko man makisali sa kanila ngunit automatic na napa-lingon ako nang marinig ang pangalan ng school na pinag examan ko. "Altorre Academy? as in iyong sikat na school ng mga engineer, Ma'am?" Hindi maka-paniwalang tanong ko. "Oo, iyon nga." "Talaga po Ma'am? doon po nag take ng exam si Hera eh." Hindi rin makapaniwalang sambit ni Maureen. Grabe, itong customer namin pala ang tagapag mana ng school na papasukan ko sa college. Kaya naman pala ganoon kayaman iyon para orderin ang buong menu at para magpareserve ng rooftop upang mag almusal lang. "Kaya nga't ganoon na lang ang pag papa-asikaso ko sa kanila sa inyo— O sya, kayo ng bahala doon, tandaan n'yo iyong lahat ng mga bilin ko." Sambit pa ni Ma'am Grace bago tuluyan na umalis. "Hera, okay na 'to." Sambit naman ng barista at iniabot ang naka tray ng caramel macchiato at cafe latte na ipinaunang ipagawa ng vip customer namin. "Maureen, unahin ko na munang iakyat 'to, isasabay ko na lang iyong wine pag balik ko, igilid mo muna." Bilin ko rito at umakyat na ako sa rooftop. Nang makarating sa taas ay kumatok na muna ako bago dahan dahan na kinapa ang door knob ng pinto, ngunit kaagad rin na bumukas 'to. Nagmamadali na lumabas iyong babaeng vip customer namin na hindi man lang tumitingin sa daraanan n'ya dahilan para magka banggaan kaming dalawa dahil nasa tapat ako ng pintuan. Dahilan para matabig iyong tray na dala ko na naglalaman ng kape na inorder nila. "Oh my gosh!" Sigaw nito ng tumapon sa light pink n'yang dress iyong mga kape. Natatarantang inilapag ko iyong tray at kumuha ng tissue upang punasan s'ya. "Ma'am sorry po, hindi ko po sadya—" "What did you do?!" Inis na sigaw nito at malakas na tinabig ang kamay ko habang pinupunasan ko iyong damit n'ya. "M-ma'am s-sorry po, hindi ko po kasi alam na palabas po pala kayo ng pintuan, hindi ko po talaga sinasadya." "Alam mo ba kung gaano kamahal ang dress kong 'to na dinumihan mo? designer dress ito na hindi pa inilalabas sa market, exclusively for me pa lang, and yet dinumihan mo na kaagad!" "Ma'am.." Hindi ko na alam ang sasabihin ko dahil sa nangyayari ngayon. "You know how much is this? huh?!" "H-hindi po." Nakayukong sambit ko. "Kahit magtrabaho ka ng one year or two years pa, hinding hindi mababayaran ng sahod mo itong dress na 'to! mas mahal pa nga to sa pagkatao mo!" Marahan pa itong inawat at hinawakan ng boyfriend n'ya. "Let go of me!" Ngunit nag pumiglas rin ito sa pagkaka hawak niya rito. "Ysabel, that's too much. Bumili na lang tayo ulit ng ganiyang dress." Sambit nito. Napangisi naman iyong girlfriend n'ya. "Bumili na lang ulit? As I've said, Vaun. Exclusive 'to! nag iisa pa lang tong dress na 'to! So how will you buy the same dress for me?!" "I'll talk to the designer of that dress, pagagawan kita, kahit ilan pa ang gusto mo. Just please calm down, Ysabel." "Don't tell me to calm down after what happened! Both of you, you ruined my morning!" "Ysabel, ano ba." Mahinahon na sambit nito kahit galit na galit na iyong girlfriend n'ya. Ngunit hindi nya pa rin 'to naawat. "Get out of my way! tatanga tanga kang babae ka!" Sambit nito at binangga ako ng malakas bago ito nagmadaling bumaba. "Ysabel, wait for me." Sambit noong boyfriend n'ya at hinabol s'ya upang pigilan. "Leave me alone, Vaun. Magpapasundo na lang ako sa driver ko— just leave me alone please! kahit ngayon lang!" Sambit nito at tuluyan ng bumaba, naiwan naman na nakatayo doon sa may hagdan si Sir. Naiintindihan ko na nakakainis naman talaga iyong nangyari, iyong natapunan s'ya at iyong suot n'yang dress ng kape. Pero hindi ko naman iyon sadya, at hindi rin naman iyon rason para insultuhin nya ako, ang trabaho ko at ang pagkatao ko dahil lang sa magkaiba kami ng antas sa buhay o dahil lang sa mas nakakaangat s'ya. Akala ko ay mabait s'ya base sa ipinakita n'ya kanina. Napaka amo rin kasi ng mukha n'ya, iyong lambing ng boses n'ya, hindi ko naman inakala na ganito pala. Sa tagal kong nagta-trabaho rito ay may ilang customers rin naman na nasungitan na ako. Pero hindi iyong ganito, hindi umabot sa ganito na halos ibaba na ang pagkatao ko. Mabuti na lang rin pala ay wala rito si Maureen, sigurado ako na hindi nya palalampasin iyong nangyari, iyong mga ginawa at sinabi noong customer sa akin at kapag nangyari iyon ay baka madamay pa s'ya at ang trabaho n'ya. Panigurado ay lagot na naman ako nito kay Ma'am Grace, baka iyong muntik na termination ko dahil sa mga late ko ay matuluyan na ng dahil lang sa nangyari ngayon. Mabuti na lang ay may pang linis sa maliit na cabinet rito sa rooftop at mayroon rin na comfort room. Hindi na ako mahihirapan pa na bumaba at umakyat para malinis ito. Kaagad kong kinuha iyong mop at pag balik ko ay nandoon pa rin si Sir. Hindi ko na to sinubukan na pansinin dahil baka hindi s'ya okay at baka mas gusto nito na mapag isa nang dahil sa nangyari. Mukhang nag away pa sila dahil sa disgrasyang nagawa ko. "I'm sorry." Sambit nito kaya't napatigil ako sa pagmo-mop, nasa gilid ko na pala s'ya. "Ako dapat iyong mag sorry, Sir. Nagulo ko iyong anniversary date nyo." Bahagya naman itong natawa. "No, that's not the reason." "Pero kahit na po, nadumihan ko iyong damit ni Ma'am. Mas lalo tuloy s'yang nagalit." "Don't mind it, nabigla lang rin 'yon kaya ganun. I'm really sorry for what she have said, I'm really really sorry ha? Hera.." Napatigil ako sa pagmo-mop. Napakunot at nanlaki ang mga mata ko. Kaagad ko siyang tinignan, iyong tingin na takang taka. "K-kilala n'yo po ako?" Sambit ko. Kaya ba sya panay ang it's you kanina? pero teka, hindi ko s'ya namumukhaan. Never pa nga ata kaming nag kita. "Pano nyo po nalaman ang pangalan ko, mag kakilala po ba tayo? mag kapitbahay? mag kamag anak?" Sunod sunod at nagtatakang tanong ko. Tumawa naman ito. "Hindi." At tumuro sa bandang dibdib ko. Bahagya akong yumuko para tignan iyong tinuturo n'ya. "Nabasa ko lang sa nameplate mo, marunong naman kasi ako mag basa." Biro nito. Napatalikod naman ako at napapikit sa hiya. Ano bang pinagsasasabi ko. "S-sige, Sir maglilinis na muna ako." Paalam ko at nagmadali sana na pumunta sa cr para makatakas sa kahihiyan. Kapit bahay? sa yaman ni Sir ay paano ko magiging kapitbahay iyon? panigurado ay sa exclusive na subdivision iyon nakatira. Lalo naman na kamag anak, wala kaming kamag anak na sobrang mayaman. Jusko Hera! ano bang pinagsasasabi mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD