Chapter 5

2082 Words
Eight thirty na ng umaga at nine am ang pasok ko sa coffee shop ngayong araw. Nang makapag-bihis ako at makapag-ayos ay kaagad akong bumaba at nag tungo sa kusina namin upang makapag almusal man lamang bago ako pumasok, ngunit imbes na si Mama ang abutan kong nagluluto roon ay nandoon ang tatlo kong Kuya na nagkakagulo. Lumapit ako roon at naupo sa pwesto ko sa mesa, inilapag ko muna iyong helmet na isasauli ko at iyong bag ko sa ilalim ng upuan at pinagmasdan sila sa kung anong kalokohan na ginagawa nilang tatlo. "Luto na ba 'to?" Tanong ni Kuya Harley na s'yang nagluluto, naka apron pa 'to na akala mo talaga ay marunong at may alam sa pagluluto. "Ewan ko bro, parang hilaw pa ata 'yan eh." Sambit naman ni Kuya Hiro na nasa kanan nito at naka silip sa ginagawa ni Kuya Harley. "Oo, medyo lutuin mo pa kaya ng kaunti." Sambit naman ni Kuya Hash na nasa kaliwa ni Kuya Harley at nakikihalo sa kawali ng kung ano man ang ine-experiment nila. Ilang minuto pa akong nag antay ngunit parang walang nangyayari sa niluluto nila— teka, parang ang gara na ng amoy noon. "Ano ba 'yan? tignan ko nga." Sambit ko at lumapit sa kanila. Napaka tagal naman kasi nila, kanina pa ako nagugutom at baka ma-late na naman ako sa ka-aantay na matapos sila sa pagluluto. Pinaraan naman ako at binigyang daan ni Kuya Harley, iniabot pa nito sa akin iyong tinidor na ginagamit niyang panluto. "Tingin mo?" Sambit nito. Hindi maka paniwalang tinignan ko silang tatlo nang makita ang halos itim ng kulay ng hotdog na iniluluto nila. Seryoso ba talaga sila?! "Hilaw pa ba?" Tanong ni Kuya Harley. "Oo hilaw pa! lutuin n'yo pa hanggang sa masunog itong buong bahay." Sarkastikong sambit ko. Nakakaloka ang magkaroon ng tatlong lalaking kapatid na para bang sila pa 'tong mas nakababata sa akin. Para bang wala silang ka-muwang muwang sa mga bagay bagay. "O sabi ko sa 'yo eh, ang kulit mo." Napairap na lamang talaga ako sa sagot ni Kuya Hiro. "Nasaan ba kasi si Mama?!" Inis na sambit ko at sabay sabay naman na nagkibit balikat ang tatlo kong Kuya. Ibinalik ko iyong tinidor kay Kuya Harley at kinuha ko na ang helmet at bag ko upang maka alis na, bago pa ako tuluyan na masiraan ng bait nang dahil sa kanila. "Saan ka pupunta? aalis ka na? hindi ka man lang ba mag aalmusal?" Tanong ni Kuya Hash. "Hindi na, sa coffee shop na lang ako mag aalmusal at isa pa, hindi ako kumakain ng hotdog na halos pa-abo na." Sambit ko at tuluyan ng umalis. Ngayon naiintindihan ko na ang hirap ng pagpapalaki ni Mama sa aming mga anak n'ya, at lalo naman sa tatlo kong Kuya! Nasaan ba kasi talaga si Mama? napansin ko lang na napapadalas ata ang pag alis niya ng hindi man lamang namin alam kung saan s'ya nag pupunta. Madalas kasi kapag aalis ito o may raket s'ya ay nagsasabi ito sa amin, kapag wala naman kami o mga tulog pa ay mag iiwan naman ito ng note sa ref at mag iiwan rin ito ng pagkain namin para sa mga oras na wala s'ya sa bahay. - Maaga akong nakarating sa coffee shop, safe ako sa sermon at pagalit ngayon ng manager ko at safe rin na mananatili sa akin ang trabaho ko sa coffee shop na 'to. Itinabi ko muna iyong gamit ko pati na rin ang helmet sa locker namin. Mamayang lunch break ko na lamang isasauli iyon kasabay ng bayad ko at pinangakong libreng kape kay Kuya rider, sana ay maabutan ko s'ya sa pila nila. "Good morning best friend! anong balita sa entrance exam mo sa Altorre Academy? naka habol ka ba?" Masiglang salubong kaagad sa akin ni Maureen nang makarating ako sa counter area, sya nga pala ang magca-cashier ngayon at ako naman ang waitress. "Oo, sa kabutihang palad ay pinahabol naman nila ako sa exam. Ilang minutes lang naman kasi akong na late." "Mabuti naman, eh yung result? meron na ba?" "Wala pa nga akong narereceive na sulat galing sa kanila eh, pero medyo confident naman ako sa magiging resulta ng exam. Feeling ko ay pasado naman ako." Sambit ko at tinulungan s'ya sa pag aayos ng mga gamit at pagdi-display ng mga bread at pastries. "Ikaw pa ba? alam ko rin naman na makaka-pasa ka doon, sisiw na sisiw na lang sa iyo 'yon 'no." Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Maureen, isa siya sa mga taong malaki ang tiwala at bilib sa akin bukod sa Mama ko at sa mga Kuya ko. Lagi rin siyang naka suporta sa lahat ng ginagawa at mga pangarap ko sa buhay. Ganoon rin naman ako sa kaniya, pag dating sa pag aaral at kurso na gusto niyang kunin. Nasa likod n'ya lamang ako palagi, sa lahat ng daan na tatahakin n'ya. Pero hindi sa katangahan n'ya sa boyfriend n'ya. Hindi ko ito-tolerate iyong panloloko ng lalaking 'yon sa best friend ko. Speaking of lalaki na iyon, ano na kayang ginawa n'ya kay Maureen? "Eh kayo? ano nang balita sa lalaking iyon?" Pang uusisa ko. "Nino? ni Jake? okay na kami." Tukoy nito sa boyfriend n'ya. "Sinabi ko kasi sa kaniya na nalaman mo na nag loko na naman s'ya at iyon, lumuhod at humingi s'ya ng tawad." Nakangiting sambit nito. "Nangako s'ya na hindi na n'ya 'yon uulitin." "At syempre, nag padala ka na naman sa mga salita ng lokong 'yon." "Hindi yan, maniwala ka! takot lang sayo no'n, kita mo nga at napa luhod pa s'ya para lang mag sorry? hindi n'ya kaya iyon ginagawa." Napairap na lamang ako, pangako, puro na lamang pangako. At itong best friend ko naman ay walang ka-dala dala, kailan ba matututo ang isang 'to? Sa gitna ng pag uusap namin na dalawa ay nakita kong papalapit si Ma'am Grace sa amin. Agad naman kaming nag good morning sa kaniya. "Ah Maureen, nasaan iyong sales report kahapon?" "Ma'am, inilapag ko po doon sa table n'yo bago po ako mag out." "Sa table ko? wala naman akong nakita roon." "Doon ko lang po iyon inilagay, Ma'am. Sa tabi noong envelope na green po na may mga papeles." Napakunot ang noo ni Ma'am Grace. Mag ready na ba ako para sa galit at sigaw n'ya? Hindi pa naman kumpleto ang araw ni Ma'am kapag hindi ito nagagalit. May sasabihin pa sana ito kay Maureen ngunit hindi na n'ya naituloy dahil sa tumunog iyong bell sa pintuan ng entrance. Pero teka, hindi pa kami open ah. Lahat kami ay naka tingin sa kung sinong pumasok. Tila nataranta at kaagad naman silang nilapitan ni Ma'am Grace. Hindi ko na narinig kung anong sinasabi nito sa customer, pero may something eh. Ngiting ngiti kasi si Ma'am Grace at parang hindi s'ya iyon, buong buhay n'ya kasi ay naka simangot s'ya. Sino kaya iyong customer na 'yon at bakit ibang iba ang trato sa kanila ng Manager namin? Ngayon ko lang ito nakita na sobra kung maka-welcome sa tao eh. "Ang gwapo n'ya talaga 'no? parang s'yang fictional character sa sobrang perfect n'ya." Napatingin naman ako kay Maureen na ngayon ay naka-pangalumbaba sa counter at titig na titig sa lalaking customer na kausap ni Ma'am Grace. Kulang na lang ata ay mag hugis puso ang mata nitong si Maureen. "Sino ba 'yan?" Nagtatakang tanong ko. "Hindi mo ba s'ya naabutan kahapon?" Tanong ni Maureen at umiling ako, umayos naman ito ng tayo at humarap sa akin. "S'ya iyong vip customer na nag book sa roofop area natin. Muntik na nga s'yang pagka-guluhan ng ilang customers kahapon eh, akala ata artista. Well, di mo naman sila masisisi." "Ah, iyong nag cancel ng reservation?teka, gaano ba sya ka-vip at parang ibang iba si Ma'am Grace sa kaniya?" "Base sa narinig kong balita ay inaanak daw 'yan ng may ari nitong coffee shop natin." Hindi ko pa nakikita ng personal ang may ari ng coffee shop na 'to na pinagta-trabahuhan ko, basta ang alam ko lang ay nasa 40's na sya, magandang babae daw ngunit walang asawa at walang anak. "Kaya naman pala." "At sa pagkaka-alam ko rin ay tagapag mana s'ya ng..." Tila iniisip nito ang susunod na sasabihin, makakalimutin nga talaga s'ya. "Nakalimutan ko iyong pamilya na pinang galingan n'ya, basta mayaman na mayaman daw 'yan, sobrang yaman at take note, halos ka-edaran lang natin s'ya. Napakunot ang noo ko. "Ano naman ngayon kung ka-edaran natin s'ya? "Wala lang, sinasabi ko lang. Pero alam mo, ang swerte ng girlfriend nya 'no? kung meron man." "For sure may girlfriend 'yan, boyfriend mo nga apat girlfriend eh, yan pa kaya?" Pambabasag ko kay Maureen. Bigla naman itong sumimangot at medyo malakas na hinampas ang braso ko. "Paepal ka." Irap nito sa akin. At speaking of girlfriend ng vip customer, may pumasok na babae sa loob ng shop. Nakuha n'ya ang atensyon ng lahat, katulad na lamang noong pagpasok ng lalaking iyon kanina. Tila para itong diwata, artista at modelo. Para bang kumikinang ang mga mata nito, napaka tangos ng ilong at napaka puti nya at tila napaka kinis ng balat at iyong mahabang itim niyang buhok ay tila napaka kintab at napaka lambot. Agad itong pumulupot sa braso ng vip customer namin ng maka-lapit sya roon. Walang duda na kasintahan nga n'ya iyon. Sa utos ni Ma'am Grace ay inihatid na sila ng isa sa mga waiter namin patungo sa rooftop area. Matapos ay kaagad naman ako na tinawag nito at pinalapit. "Hera, tutal waitress ka ngayong araw, ikaw na lamang ang mag assist sa kanila." Bilin ng manager ko sa 'kin. "Okay po, Ma'am." Sambit ko at tumango. "Ingatan mo ang customer na 'yon, hindi iyon basta bastang customer lamang, Hera. Pagsilbihan mo iyon ng ayos, at siguraduhin mo na hindi ka papalpak." "Makaka-asa po kayo, Ma'am." Paakyat na sana ako upang i-take ang order at asikasuhin sila sa rooftop area ngunit napahinto ako ng muli pang mag salita si Ma'am Grace. "Sakto at nandito ka na rin pala, Ella." Sambit nito at napatingin ako kay Ella na kakapasok pa lamang. "Bakit po Ma'am?" Sambit nito at lumapit sa amin. "Tama, kayong dalawa na lamang ni Hera ang mag assist sa vip customer natin sa rooftop area. Tutal ay pareho kayong nag half day kahapon, kaya't bumawi naman kayo ngayon." Nagka-tinginan kaming dalawa, ngunit kaagad din kaming nag iwasan ng tingin at umirap sa isa't isa. "Siguraduhin nyo na masa-satisfy sila sa food, drinks at lalo sa service natin dito sa coffee shop.— At s'ya nga pala, dalhan n'yo sila ng pinaka mahal na wine natin, for free iyon, naiintindihan n'yo?" "Yes Ma'am." Sabay na sagot naming dalawa. Nagbilin pa ng paulit ulit si Ma'am Grace bago kami tuluyan na iwan nito. Bawat utos n'ya ay sampung beses nya atang ipinaliwanag at inulit sa amin. "Teka, Hera. Ako ang mag-take ng order, ikaw ang mag serve." Pangunguna kaagad ni Ella. "Ikaw ang mag take ng order, ako ang mag se-serve." "Oh bakit ako?" "Oh bakit rin ako?" Syempre ay hindi naman ako mag-papatalo. Bakit kasi sa dami rami ng coffee shop ay dito 'to nag trabaho? at bakit sa dami rami ng pwedeng maka trabaho, bakit itong babae pa na 'to? Kapag talaga iniiwasan mo ay mas lalo kayong pinaglalapit. Kailan ba mahihiwalay ang landas ko sa babaeng 'to? "Mag oorder na raw iyong vip customer." Banggit ng waiter sa amin na naghatid at kakagaling lang roon. Nagka-tinginan kami ni Ella at mabilis na nag unahan paakyat, kung sino ang maka unang mag-take ng order sa vip customer ay hindi s'ya ang magse-serve ng mga pagkain. Mas matrabaho kasi ang pagse-serve dahil iaakyat mo pa iyon paisa isa sa nakaka hingal na hagdan ng rooftop, kaya't ganoon na lamang kami mag agawan at mag turuan. Sa gitna ng pag uunahan naming dalawa ay nakarinig ako ng marahang kalabog. "Ouch! teka—" Bigla naman akong napalingon kay Ella na nasa likuran ko at naka salampak na sa hagdan. "Bakit? anong nangyari—" Bigla naman akong hinila nito kaya't ako naman ang napasalampak sa sahig ngayon. Mabilis itong tumayo na para bang walang nangyari sa kaniya at s'ya tuloy iyong nauna sa pagpasok sa rooftop area. Napapikit na lang ako sa inis at padabog na tumayo. "Sorry!" Nakangising sambit nito na sinilip pa ako. Kaya't wala na akong nagawa kundi ang muling bumaba at antayin ang order na tinake ni Ella sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD