Chapter 6

1611 Words
Ilang minuto na ang naka lipas ngunit hindi pa rin bumababa si Ella. Nandito ako sa counter area ngayon habang nag aantay at nag ba-bantay dahil saglit na nag cr si Maureen na s'yang naka-assign rito. Napatingin ako sa entrance nang coffee shop dahil may customer na pumasok, binati at i-winelcome ito ng mga kasamahan ko, ganun rin naman ang ginawa ako. Pero mas naagaw ng pansin ko ang babaeng nasa labas ng coffee shop, nasa kabilang tawid ito ng kalsada. Tanaw naman iyon mula sa loob dahil clear glass ang pintuan at wall nitong shop namin. Hindi ako puwedeng mag kamali, kahit na naka talikod ay kilalang kilala ko ang taong iyon at kabisado ko ultimo lahat ata ng parte ng katawan nya. Siyang siya talaga iyon eh, sure ako. "Huy, sinong tinitignan mo?" Sambit naman ni Maureen na naka balik na pala sa tabi ko. Di ko siya namalayan at naramdaman dahil sa may tinitignan kasi ako sa labas. "Saglit lang, may titignan lang ako sa labas." Sambit ko nang hindi man lang sinasagot ang tanong niya. Tumango naman ito bilang sagot. Nag madali akong nag lakad palabas at ganoon na rin sa pag tawid papunta sa kabilang kalsada. Kaagad na nilapitan ko s'ya, naka talikod at may hawak itong fruit basket at dala nya iyong bag na bihira n'yang gamitin, as in ginagamit nya lang 'yon kapag importante ang lakad n'ya. "Mama?" Sambit ko ngunit hindi naman ito humarap. Kaya't medyo nag dalawang isip ako na baka hindi si Mama iyon. "Ma?" Ulit ko pa at bahagyang tinapik ito sa balikat n'ya. Bahagya na napa angat ang balikat n'ya na tila ba medyo nagulat 'to at humarap ito sa akin. "Ma, anong ginagawa mo po rito?" At mas lalong gulat at tila para bang takang taka ang reaksyon ng mukha nito ngayon. "Bakit po nandito ka? saan ka po pupunta Ma?" "I-ikaw ang bakit nandito? hindi ba't rest day mo ngayon?" "Ma, sabado pa lang po. Nakalimutan n'yo po bang may trabaho po ako ng weekends?" "Sabado lang ba?" Tanong pa nito at tumango ako. "Hindi ko na namamalayan ang araw sa dami kong ginagawa." "Ano po bang pinagkaka-abalahan mo nitong mga nakaraang araw, Ma? parang napapa dalas po ata na wala ka sa bahay." Sambit ko at niyakap ang braso ni Mama, ganito kasi ako na mag lambing sa kaniya. "Lagi po tuloy akong naiiwan kila Kuya eh, alam mo naman po ang tatlong 'yon." Reklamo ko pa. Baka sa ibang araw na maabutan kong nagluluto ang mga 'yon ay sunog na ang buong kusina, o mas malala ay kung ang buong bahay ang masunog. Wala talaga silang ka-alam alam sa gawaing bahay eh. Hindi talaga kami makaka survive ng wala si Mama. Naku! naalala ko na naman tuloy iyong hotdog kaninang umaga, hindi tuloy ako nakapag almusal dahil doon. Kainis. "Wala, may inaasikaso lang akong importanteng bagay." Sagot nito. "Eh para san po 'yan?" Tukoy ko sa fruit basket na dala nito. "A-ah ito? para sayo 'to." Sambit nito at mabilis na iniabot sa akin 'yon. Nagtataka ko naman na kinuha ang fruit basket na dala n'ya. "Para sa 'kin? bakit po sa akin? wala naman po akong sakit ah?" "Kahit wala kang sakit, kailangan mo na kumain niyan. Lalo na't napapagod at napupuyat ka sa pag aaral at pati sa pagta-trabaho mo. Para hindi ka magka-sakit." "Pero Ma, sana sa bahay mo na lang po dinala." "Hindi, ayos lang yan, para ma-hatian mo rin si Maureen. Magtataka naman kasi ang mga kasamahan ko na may fruit basket akong dala pag balik ko. Pero mas nagtataka rin talaga ako. Mula kasi na nag trabaho ako ay hindi ako pinuntahan ni Mama, ni kahit isang beses rito, bukod sa busy sya minsan sa mga raket n'ya ay busy rin kasi s'ya sa bahay, dahil s'ya lahat ang nag aasikaso roon. Pero ang pinaka dahilan rin n'ya talaga ay ayaw n'ya na makitang nagta-trabaho ako. Dapat raw kasi ay nag aaral lamang ako sa edad kong 'to at dahil hindi pa kasi ako nakakatapos. Sa una ay ayaw naman talaga n'ya na mag trabaho ako dahil obligasyon raw n'ya na pag aralin ako. Ngunit mapilit ako at wala na rin naman siyang nagawa. Obligasyon ko rin naman kasi na tulungan s'ya bilang anak n'ya ako, at isa pa, wala naman kasi kaming Ama para makatuwang ni Mama. Kaya't kaming mag kakapatid na lamang ang magpupuna ng pagkukulang na 'yon. "O s'ya, sige na at baka kailangan ka na sa trabaho mo." "Halika muna Ma, ililibre po kita ng kape sa loob." "Wag na, ayos lang ako." Tanggi pa nito. "Sige Ma, mag iingat ka po ah." Di ko naman kasi sya mapipilit. Para s'yang si Kuya Hiro, pag ayaw nila, paninidigan nila 'yon at wala kang magagawa. "Ikaw rin, anak. Huwag kang mag palipas ng kain, at yang uniporme mo, kapag pawis ay mag palit ka kaagad. May extrang uniporme ka bang dala?" Napangiti ako dahil tila parang bata pa rin ako sa pag aasikaso ng Mama ko sa akin. Sabi nga n'ya ay habang buhay nya akong baby, iyon ang perks ng pagiging bunso. "Wag mo na akong alalahanin, Ma. Kaya ko na po." Humalik muna ako kay Mama bago tuluyan na mag paalam. Pag balik ko sa coffee shop ay ipinatago ko muna kay Maureen sa counter area iyong fruit basket. Bawal kasi kami pumasok sa locker area unless break time or uwian na. Kaya't bago ako lumabas sa locker area ay talagang sinisigurado ko na dala ko na lahat ng kakailanganin ko, medyo mahigpit din kasi talaga ang manager namin. "Saan galing 'to?" Tanong nito. Napaka tsismosa talaga n'ya. "Kay Mama, hati raw tayo d'yan." "Kay Tita? nag punta s'ya rito?" Pati si Maureen ay nagtaka rin, alam n'ya kasi ang tungkol sa dahilan ni Mama sa hindi nito pag punta rito. "Oo, nakita ko sya sa kabilang kalsada. Ewan ko nga rin kung bakit naligaw iyon rito eh." Sambit ko. "Baka naman namiss ka lang." Dagdag pa nito. Lumapit naman kaagad sa amin si Ella na halos kakababa lang galing sa rooftop, grabe naman? tumagal s'ya ng ganoon sa pag take ng order ng dalawang tao lang? "Bwisit." Inis na sambit nito at inilapag sa counter ang papel na pinagsusulatan namin ng order, pero wala namang sulat kahit isa doon. Akala ko ba ay nag take order s'ya? "Napaka arte ng babaeng iyon, oorder nalang nag iinarte pa." Reklamo nito. "O anong order nila?" Tanong ko. "Oorderin raw nila lahat ng nasa breakfast menu natin." "Ano?!" Medyo napa lakas na sambit ko kaya't nag tinginan ang ilan sa mga katrabaho ko. Aba, ako lang naman mag se-serve ng lahat ng order nila sa rooftop area. At hello? napakarami ng breakfast menu namin, ilang akyat at baba ang gagawin ko para lang do'n. "Eh hindi makapag decide iyong babae sa kakainin n'ya, kaya nga't nag tagal ako doon. Tapos iyong gwapong boyfriend n'ya, inorder na lang lahat para raw hindi na s'ya mahirapan na mamili ng oorderin." "Talaga? ginawa n'ya 'yon?" Pag uusisa ni Maureen. "Oo, di ba? ang gwapo na tapos ganun pa ka-sweet sa girlfriend n'ya." Sambit naman ni Ella. Akala mo ay napaka close nilang dalawa sa pag tsi-tsismisan nila. Matapos i-punch ni Maureen ang napaka-raming order ng vip customer ay pina asikaso na namin iyon sa kitchen. Nauna nilang ipa-serve iyong mga bread at pastries, iyong mga pasta ay isusunod ko na lamang. "Di mo talaga ako tutulungan, Ella?" Inis na sambit ko kay Ella, napaka daya kasi talaga ng ginawa n'ya. "Aba, usapan ay usapan." Irap pa nito. "Ako na lang, Hera. Tulungan kita, para makita ko rin iyong poging vip customer ng malapitan. Panigurado ay mas pogi iyon kapag close up." Sambit ni Maureen. Akala ko ba naman ay concern na s'ya sa akin, iyon pala ay may ibang balak ang gaga. "Ay talaga, sinabi mo pa." Singit naman ni Ella "Grabe 'yong kinis ng mukha n'ya, parang walang pores. Tapos 'yong labi n'ya? mas napaka pula pala sa malapitan, at ang tangos talaga ng ilong n'ya." "Oh?" Kinikilig na sambit pa ni Maureen kaya't napailing na lamang ako. Itong mga 'to, puro harot ang iniisip, nagta-trabaho kaya kami 'no. At di naman kaya masyadong gwapo yun, mas pogi pa nga ang mga Kuya ko eh. Iniayos ko na 'yong mga order nila, pero sa dami noon ay hindi ko kakayanin iyon lahat ng sabay sabay kaya't inuna ko muna na i-akyat iyong mga pastries. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan dahil pag nahulog iyon ay mas malaking abala pa. Kumatok muna ako bago pumasok. Naabutan ko pa silang nagku-kwentuhan at bahagyang nagtatawanan. Ang awkward tuloy. Inilapag ko na sa table nila iyong mga order nila. "Isusunod ko na lang po iyong ibang order n'yo." Sambit ko ng hindi sila tinitignan. "Okay, thank you." Sambit noong babaeng customer. Ang lambing ng boses n'ya. Tila para bang napaka bait n'ya. Hindi ko na sila masyado tinignan, mas nag madali pa nga ako sa pag lapag ng mga orders nila hanggat maaari dahil baka nakaka istorbo ako sa lambingan nila. "Ah Miss, puwede bang pag balik mo, paki una na 'yong caramel macchiato at cafe latte? para makapag coffee na kami. If okay lang ha? Thank you." Sambit noong lalaki. Medyo nabigla ako sa boses n'ya, para kasing pamilyar. Parang narinig ko na 'yon kung saan pero hindi ko mawari at matandaan kung saan ba. Kaya't napa tingin ako sa kaniya at napa tingin rin naman ito sa akin. "Oh wait— it's you." Di makapaniwala at nakangiting sambit nito. "Po?" Nagtataka at kunot noong tanong ko naman. Magkakilala ba kami?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD