Chapter 10

2071 Words
Naglalakad kami ni Mama pauwi, mula sa kanto patungo sa bahay namin. Nakahawak ako sa braso ni Mama habang ninanamnam ang malamig na simoy ng hangin na pumapalo sa balat ko. "Nasaan po iyong iba n'yang anak? pati iyong kinakasama n'ya?" Hindi ko na naiwasan na maitanong 'yon. Bakit kasi si Mama ang nag aasikaso sa kaniya? nasaan iyong pamilya na pinili n'ya? "Nasa states na, hiwalay na daw sila no'n, matagal na. At nandoon na rin ang mga anak ng Papa mo." "O bakit hindi po sya doon humingi ng tulong ngayon na malala na iyong kalagayan n'ya? hindi ba't pinili nya po ang mga 'yon kaysa sa atin no'n?" "Hindi naman kasi makakauwi ang mga anak ng Papa mo, ilang taon na lang kasi at magiging citizen na sila doon." Napangisi ako sa narinig kong 'yon. "Mas importante pa ba 'yon sa buhay ng Ama nila?" Kung tutuusin, labas na dapat kami sa problema na 'to. Lalo naman si Mama, dahil sapat na sigurong rason iyong nagawa nya noon at ang lahat ng sakit na binigay n'ya sa Mama ko. Samantalang sila? sila 'yong pinili laban sa amin. Pero tila parang isinauli nila samin ng ganon lang ang Ama namin dahil sa may sakit at nanghihina na 'to. Pinabayaan na lang nila ng ganun ganun lamang. Pero katulad nga ng sinabi ko, may natitira pa akong awa. Kahit na pinabayaan n'ya kami, ay hindi ko s'ya matiis na hindi kaawaan, lalo sa kalagayan n'ya ngayon. Kanina ay hindi ko maiwasan na matakot sa nangyari sa kaniya, sa gitna ba naman ng pag uusap namin ay nag seizure ito at nawalan ng malay. Akala ko ay wala na akong pakialam sa kaniya, pero bakit may parte sa akin na natatakot, natatakot na mawala s'ya kahit na matagal naman na s'yang hindi parte ng buhay ko. Mabuti na lamang ay naging stable na s'ya at babalikan na lamang s'ya ni Mama bukas. Hindi ko alam pero, nararamdaman ko na mukhang hindi ito ang huling pag dalaw ko sa kaniya at hindi ito ang huling pagkikita naming dalawa. Nang makarating kami sa labas ng bahay namin ay napa hinto ako. Pinigilan ko si Mama sa pag pihit nito ng doorknob. "Bakit?" Nagtatakang sambit ni Mama. "Paano po sila Kuya?" Nag aalalang tanong ko. "Dapat rin po na malaman nila yung tungkol kay pa—" Bigla akong napatigil, hindi ko s'ya dapat na tawagin na Papa. Sigurado ako na ikagagalit 'to ng mga Kuya ko, pero dapat nila na malaman ang tungkol doon dahil karapatan nila 'yon. Kung tutuusin ay malambot pa kahit paano ang puso ko sa kabila ng galit ko sa Ama namin. Pero ang mga Kuya ko? mas matindi ang galit nila do'n. Iyong tipong marinig pa nga lang nila na banggitin ni Mama iyon noon ay hindi na maipinta ang mga mukha nila. Pero dapat nilang malaman ang kalagayan n'ya, dapat nila malaman na may taning na ang buhay nito at dapat nila malaman na matagal nang nakipag ayos si Mama sa Ama namin. Pamilya kami eh, at dapat naman talaga na wala kaming sinisikreto. "Hahanap ako ng tamang pagkakataon, para masabi sa mga Kuya mo." "Pero, Ma. Bilang na lang po ang oras n'ya, kailangan na po nila rin 'to na malaman hanggat maaari." Baka sa kaka bwelo ni Mama na masabi sa mga Kuya ko ay mahuli na ang lahat. Tumango si Mama at inaya na ako nito papasok sa loob. Naabutan naman namin ang tatlong Kuya ko na nanonood sa sala. As usual ay napaka lakas ng tv, napaka gulo at napaka kalat ng paligid. Kapag sila talaga ang naiiwan, paniguradong delubyo ang buong bahay. "Oh? mag kasama pala kayo?" Sambit ni Kuya Hash at nag mano kay Mama. Ganoon rin naman ang ginawa ng dalawa ko pang Kuya. "Saan kayo galing? ba't hindi n'yo kami inaaya ah?" Tanong ni Kuya Hiro. Nagka-tinginan kami ni Mama at hinayaan ko na s'ya na sumagot kay Kuya Hiro. "Ah m-may nilakad lang kami, nag pasama lang ako kay Hera— teka, kumain na ba kayo?" Pag iiba nito ng usapan. "Hindi pa nga, Ma eh." Sambit ni Kuya Harley. "Pag lutuan mo kami, please?" "Nilutuan ko na kayo ah, i-iinit n'yo na lang 'yong ulam na nasa ref." "Naku, Ma. Baka pag ininit nila 'yon ay dumikit na iyong ulam sa kaldero." Sambit ko. Wala pa namang alam sa pag luluto ang tatlong 'yan. Nag tungo na ako sa kusina upang uminom ng tubig. Kaagad rin naman na sumunod si Mama upang initin iyong ulam na nasa ref at nang sabay sabay kaming makakain ng hapunan. Nakaupo kaming magkakapatid sa kaniya kaniya naming pwesto sa mesa habang inaantay na matapos sa pagluluto si Mama. "Teka, bakit ganiyan yang mukha mo?" Kunot noong napatingin ako ng tanungin ako ni Kuya Hiro. "Ha? b-bakit?" Kinakabahan na tanong ko dahil baka mahalata n'ya na galing ako sa iyak. Hindi ko alam pero umiyak lang ako ng umiyak sa ospital kanina. Ang bigat ng emosyon, tila hindi ko iyon mapigilan. Napaka bilis pa naman na mamaga ng ilong at mga mata ko kapag nasosobrahan ako sa pag iyak. Pag nagkataon ay hindi ko alam kung ano ang isasagot o idadahilan ko. "Ano bang meron sa mukha ko?" Muli ko pang tanong. "Ang pangit eh, parang nanghiram ka ng mukha sa lamok." Sambit nito at nag tawanan naman silang tatlo. Umirap na lamang ako dahil wala ako sa mood na makipag inisan sa kaniya. "O biruan lang ah, baka maiyak ka pa." Dagdag pa nito, ayaw pa rin talaga n'yang tumigil. Matapos na mai-init ni Mama iyong ulam ay nag simula na kaming kumain. Calderatang baka iyon. Paboritong ulam naming apat. Bahagya akong napapa tingin kay Mama sa gitna ng pagkain namin, dahil tila parang may gusto ito sabihin ngunit bigla naman n'yang babawiin. Tila hindi ito mapakali. Aminado akong kinakabahan din ako dahil alam ko kung tungkol saan iyon. Mga ilang minuto na tahimik ang paligid habang kumakain kaming lahat nang mag salita na ng tuluyan si Mama. "Mga anak, may gusto sana ako na sabihin sa inyo." Tila para bang bumara iyong kinakain ko sa lalamunan ko kaya't napa-ubo ako. Napatingin tuloy silang lahat sa akin at inabutan naman ako ni Kuya Harley ng tubig. "Thank you, Kuya." Sambit ko. Mas lalo atang tumindi ang kaba at bumilis ang t***k ng puso ko sa magiging reaksyon nila sa sasabihin ni Mama sa kanila. "Ano iyon, Ma?" Sambit ng panganay naming Kuya na si Kuya Hash. "Wag mo sabihing buntis ka, Ma? ayoko na magkaroon ng kapatid lalo na't magiging kamukha lang rin ni Hera 'no." Tignan mo nga naman si Kuya Hiro, hindi marunong makiramdam na seryoso si Mama ngayon. "May problema po ba, Ma?" Nag aalala naman na tanong ni Kuya Harley. "Yung Papa n'yo..." Sambit ni Mama, alam kong pati s'ya ay kinakabahan. Wala sa mga Kuya ko ang nag salita, tila inaantay nila na matapos si Mama sa sasabihin n'ya. Pero napansin ko na kaagad ang pag iba ng pinta ng mga mukha nila ng marining ang salitang 'Papa' "May sakit ang Papa nyo, may taning na ang buhay n'ya. Hindi na maganda ang kalagayan n'ya." Tinignan ko ang mga reaksyon ng mukha nila, pero wala man lang akong makita na pag aalala o kahit pagka gulat man lang, tila blangko lang ang ekspresyon nilang tatlo. Ilang segundo na tumahimik ang buong paligid, ni wala atang may balak na mag salita. "Ah kasi—" Hindi ko na natuloy ang balak kong sabihin dahil biglang nag salita na si Kuya Hash. "Bakit mo sinasabi samin yan, Ma?" "Papa nyo iyon at natural lang naman siguro na ipaalam ko sa inyo ang sitwasyon n'ya." "Para saan? para puntahan namin s'ya? para dalawin? Ma, hindi mo na kami kailangan i-update sa buhay ng taong hindi naman importante sa 'tin." "Hash, gusto lang naman sana ng Papa n'yo na makita kayo, bago man lang sana s'ya na mawala." "Ma, alam mong imposible na mangyari 'yan. Nakakalimutan mo na ba ang lahat?" "Pero nak—" "Wag na natin ituloy ang usapan na 'to Ma, hindi rin naman uubra." "Pakinggan nyo na muna ako, gusto kong mai-ayos ang lahat, kahit sa huling pagkakataon man lang." "Ma, ano bang mangyayari pag nakita n'ya kami? gagaling ba s'ya? hahaba ba iyong buhay n'ya? nakukunsensya lang naman yan kaya 'yan ganyan eh. Haharapin n'ya kami tapos hihingi yan ng tawad para malinis na ang kunsensya n'ya. Na akala n'ya mapapawi no'n lahat ng sakit na dinulot niya sa 'tin." Sambit naman ni Kuya Hiro. "Wala naman siguro na masama kung makita n'ya kayo, kung makita n'yo s'ya bago s'ya mawala." "Pasensya na po, Ma. Pero hindi po kita mapag bibigyan sa gusto mong 'yan." Magalang na Sambit ni Kuya Harley. "Ako rin, Ma." Pag sang ayon naman ni Kuya Hash. "Hindi mangyayari 'yong gusto mo." "Lalo ako Ma, dahil hindi mababago lahat ng ginawa n'ya ng dahil lang sa nag hihingalo na s'ya. Okay lang naman sa amin kahit mamamatay sya ng di namin s'ya nakikita." Tila galit na sambit ni Kuya Hiro. "Umayos ka sa mga salitang sinasabi mo, Hiro." Madiin na sambit ni Mama at napa ngisi naman si Kuya Hiro. "Ganun ganun lang at naging okay kana sa kaniya, Ma? wag mong sabihin na pati ikaw rin, Hera?" Napalunok ako at napaiwas ng tingin ng ako naman ang binalingan n'ya. "Alam kong mahirap, pero dapat na subukan nyo man lang na patawarin ang Papa n'yo, hayaan nyo s'yang bumawi habang hindi pa nahuhuli ang lahat." "Hindi deserve ng taong iyon ang salitang pagpapatawad, Ma! karma nya 'yan kaya nagka sakit s'ya ng malubha!" "Hiro, wala kana ba talagang galang?!" Padabog naman na tumayo si Kuya Hiro kahit na hindi pa ito tapos na kumain. "Hinding hindi ko mapapatawad ang taong sumira ng buhay ko! ng buhay natin!" "Ikaw ang sumira ng buhay mo, Hiro!" Napahinto si Kuya Hiro at di makapaniwala na tumingin kay Mama. "Ako? Mama talagang ako ang sinisisi mo? bakit?! kasi nag banda ako imbes na mag aral? dahil iyon sa gusto kong maka tulong sa pamilya na 'to!" "Hindi kita inobliga na tumulong, alam mo 'yan. Kahit hirap na hirap na akong itaguyod kayong apat, ay mas pinili ko na ako ang mahirapan na mag trabaho at hindi kayo!" "Na dapat hindi mo naman ginagawa kung hindi ka iniwan ng magaling mong asawa!" Napatayo kaming tatlo ng sampalin ng malakas ni Mama si Kuya Hiro. "Ma, tama na!" Nangingilid na ang luha ko nang inawat ko si Mama. "Hindi dahilan ang pinagdadaanan mo o hinanakit mo para bastusin ako o ang Papa mo." "Hinding hindi ko mapapatawad ang tao na 'yon kahit na mamatay pa s'ya." Madiin at galit na galit na sambit ni Kuya Hiro bago tuluyan na umakyat sa taas. Sumunod naman sa kaniya ang dalawa kong Kuya kaya't kaming dalawa na lamang ni Mama ang naiwan sa baba. Napaupo si Mama at napatakip ng mukha, doon ay nag unahan nang bumagsak ang mga luha n'ya at umiyak na lamang 'to ng umiyak. Inabutan ko s'ya ng tubig dahil madalas pa naman na sumasakit ang dibdib n'ya kapag nasosobrahan s'ya sa pag iyak. "Hayaan mo na muna sila, Ma. Nabigla lang po ang mga 'yon." Sambit ko upang gumaan ang loob ni Mama kahit papaano. Hindi ako nagsasalita bilang tanggap ko na ang Ama ko, o napatawad ko na s'ya o nakalimot na ako sa mga kasalanan n'ya sa amin. Puro awa lamang ang nararamdaman ko, awa na mararamdaman rin naman ng kahit na sino kapag nakakita ng tao na ganoon ang kalagayan. Panigurado ako na ganoon rin ang mararamdaman ng mga Kuya ko kung sakaling makita nila ang Ama namin. "Ang sakit sakit sa akin, bilang ina ninyo, na lumaki kayo sa sama ng loob na ako ang dahilan." Sambit ni Mama sa pagitan ng pag iyak n'ya. "Ma, hindi naman ikaw ang dahilan ng 'yon." "Kasalanan ko 'yon, anak. Nagkamali ako sa pag pili ng asawa kaya't kayong mga anak ko ang nag hirap sa pagkakaroon ng broken family." "Ma, kahit broken family tayo ay hindi namin naramdaman na may kulang, kasi pinunan mo 'yon, at sobra sobra pa nga po." Niyakap ko ng mahigpit si Mama. Napakalaking responsibilidad talaga ng pagmamahal at pagpapakasal, dahil hindi lang dalawang tao ang maaapektuhan, kundi pati iyong mga taong magiging parte ng pamilya n'yo sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD