Chapter 11

1766 Words
Hinatid ko na si Mama sa kwarto n'ya upang makapag pahinga na s'ya, kanina pa kasi s'ya panay ang iyak. Hindi na iyon maganda para sa kalagayan n'ya. "Matulog ka na po, Ma." Sambit ko habang inaalalayan s'ya sa pag higa sa kama n'ya. Iniayos ko iyong unan n'ya at kinumutan s'ya. "Tawagin mo na lang po ako kung sakaling may kailangan ka po, Mama." Bilin ko pa. "Sige na, hayaan mo na ako. Kaya ko na 'to." Tila walang ganang sambit nito at humiga sa kabilang side at tinalikuran ako. Binuksan ko muna iyong lamp nya sa side table bago ako lumabas ng kwarto n'ya. "Goodnight, Ma. I love you." Sambit ko pa bago isara ang pintuan n'ya. Matapos ay nag tungo na rin ako sa kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at tila parang wala sa sarili na tumulala na lamang sa pader. Masyadong mabigat ang mga pangyayari ngayong araw, napaka bigat. Nakaka stress ng sobra at nakaka pagod ng isip. Napakarami ko nang problema, una ay iyong pagkawala ng trabaho ko, dumagdag pa 'yong kalagayan ng Ama namin na may taning na ang buhay ngayon, pati na iyong alitan nila Mama at Kuya kanina. Pati na rin ang pag aaral ko. Hindi na nga ako naka pasok sa klase ko kanina sa school ng dahil sa nag tagal ako sa ospital. Kanina pa naman ginanap ang meeting para sa nalalapit na graduation namin at next week na iyon. Next week ay makakapag tapos na ako ng senior high school pero bakit kaya wala pa rin akong natatanggap na sulat galing sa Altorre Academy at sa resulta ng entrance exam ko? hindi kaya't hindi ako naka pasa sa kanila? Pero confident ako sa mga naging sagot ko sa entrance exam, naniniwala ako na pasado ako roon. Halos lahat kasi ng mga tanong roon ay na-review ko. Siguro ay na-late lang sila sa pag process o sa pag papadala ng sulat. May 2 weeks pa naman ako para mag antay. Oo, dalawang linggo. Dalawang linggo lang ang meron ako at magsisimula kaagad ang klase ko ng kolehiyo sa Altorre Academy. Ganun sila ka-advance. Iba kasi ang buwan ng pasukan nila at bakasyon kumpara sa mga public school sa bansa at pati na rin sa school na pagtatapusan ko. Pahiga na sana ako upang matulog, ngunit speaking of Altorre Academy, bigla kong naalala iyong nangyari sa akin para lamang makahabol sa entrance exam. Naging desperada talaga ako ng araw na 'yon. Napakalaki ng utang na loob ko sa taong 'yon, bukod sa paghatid upang makaabot ako sa exam ay pinahiram pa n'ya ako ng pamasahe pauwi. S'ya nga pala, hindi ko pa pala naisasauli iyong helmet ng nag hatid sa akin doon at hindi pa rin ako nakakapag bayad sa kaniya. Muli akong napabalik sa pagkakaupo ko. At nang ibaling ko iyong tingin ko sa ibabaw ng cabinet ko kung nasaan naka lagay iyong helmet ay hindi ko ito nakita. Kaagad akong tumayo at hinanap iyon, hindi ako maaari na mag kamali, doon ko lamang iyon nilagay. Halos lahat ng puwedeng iangat ay iniangat ko na para mahanap ang helmet na iyon, pati lahat ng sulok ng maliit na kwarto ko ay sinilip ko na, ngunit wala pa din talaga. Wala rin naman sa cabinet, sa ilalim ng kama at wala rin sa mga drawer ko. Isa lang ang alam kong puwedeng makialam no'n, isa lang naman din ang may motor sa amin dito. Nagmadali ako na pumunta sa kwarto ng tatlong Kuya ko. 8 pm pa lang naman at paniguradong gising pa ang mga 'yon. "Nakita n'yo ba 'yong helmet sa kwarto ko?" Tanong ko ng makapasok sa loob. Naabutan ko pa na naglalaro si Kuya Hash at Kuya Harley ng chess. Wala doon si Kuya Hiro. Kaya't mas lalo akong naniwala sa kutob ko. "Ah, iyong mukhang mamahaling helmet na kulay itim?" Tanong ni Kuya Harley na hindi man lang ako tinitignan, busy kasi ito sa pakikipaglaban kay Kuya Hash sa chess. May pagka competitive pa naman ang Kuya ko na 'yan. "Oo, iyon nga, Kuya. Nasaan na?" "Dala 'yon ni Hiro, kakaalis lang n'ya kani kanina." Sagot ni Kuya Hash. Sabi ko na nga ba! "Ano? san s'ya nag punta, Kuya?" Tignan mo nga naman! napaka hilig talagang makialam ni Kuya Hiro sa kwarto ko. Kailangan na mabawi ko agad iyon sa kaniya, dahil hindi puwede na may mangyaring masama sa helmet na 'yon, di baleng si Kuya Hiro na lang ang madisgrasya, wag lang ang helmet na 'yon! Sa kanila na mismo nanggaling na mukhang mamahalin 'yon, at wala akong ipapambayad doon, lalo na't wala na akong trabaho ngayon. Dadami pa ang utang ko kay Kuyang rider pag nagkataon. "Saan nga ba 'yon, Harley?" Tila di maalala na sambit ni Kuya Hash. "Ah, sa karaoke bar sa third street." Sagot naman ni Kuya Harley. Panigurado ay mag iinom na naman 'yon, lalo na't nagka problema at nagka sagutan sila ni Mama kanina. Nagiging makakalimutin pa naman 'yon pag nakakainom, at isa pa, burara ang tao na 'yon. Kaya't kailangan ko s'yang puntahan, tutal naman ay alam ko ang lugar na 'yon. Nag paalam ako kila Kuya para kung sakali na magising at hanapin ako ni Mama ay alam nila ang isasagot. Ayaw pa nga akong payagan ni Kuya Hash dahil gabi na raw pero nag pumilit ako at ipinaliwanag iyong tungkol sa helmet na 'yon at kailangan na makuha ko kay Kuya Hiro 'yon. Kaagad akong pumara ng tricycle nang makalabas ako ng bahay. Di naman gaano kalayuan sa amin 'yong third street kung saan located ang karaoke bar na tinutukoy nila Kuya. Pamilyar naman ako doon dahil dalawang beses na rin akong naka punta doon. Una ay nung gumraduate si Kuya Hash at pangalawa naman ay noong birthday ni Mama. Kilala rin kasi ang karaoke bar na iyon sa lugar, madalas na ganapan iyon ng mga party at kung ano pang mga celebration dahil sa ganda ng interior no'n at pati na rin ang service nila. "Dito na lang po ako, Kuya." Sambit ko sa tricycle driver ng makarating kami roon. Nasa unahan ng mismong karaoke bar ang parking area nila, at madali kong nahanap ang motor ni Kuya Hiro dahil bukod sa kilalang kilala ko 'yon at tanda ko ang plate number no'n ay nangingibabaw ang tingkad ng pagka-yellow ng kulay no'n. Natanaw ko rin na naka sabit doon 'yong helmet na hinahanap ko. Kita mo talaga ang pagka burara ng Kuya ko. Paano kung mawala 'yon doon?! Psh! Lalapitan ko na sana iyong motor ni Kuya Hiro upang kunin ang helmet doon bago n'ya pa ako makita. Bahala s'yang maghanap ng maghanap at umuwi ng walang helmet. Ngunit bigla na may lumabas sa karaoke bar na grupo ng mga lalaki, siguro ay mga nasa lima sila. Nagtatawanan habang malakas na nag uusap ang mga 'to kaya't napatingin ako. Nanlaki ang mata ko ng makita na kasama doon si Kuya Hiro kaya't agad akong napaupo at napatago sa mga iba pang naka parada na motor. Sa sobrang taranta ko pa ay muntik nang matumba iyong motor na nasandalan ko. Hindi n'ya ako puwede na makita! Sinisilip silip ko si Kuya Hiro at nakita ko pa itong sumubok ng sigarilyo na gamit ng isa n'yang kasama. Ibang iba talaga s'ya kaysa sa dalawa ko pang Kuya, badboy na badboy talaga ang datingan n'ya. "Pre, normal lang ba na mag alala sa taong kinamumuhian mo?" Sa gitna ng tawanan at pagku-kwentuhan ng mga barkada n'ya ay narinig ko iyon na sinabi ni Kuya Hiro. Tila seryoso ang tono ng boses nito. "Ano pre? anong ibig mong sabihin?" "Yung galit na galit ka sa tao na 'yon, pero nung may nangyari na di maganda sa kaniya ay naapektuhan ka, nag worry, nag alala. Anong ibig sabihin no'n?" Kahit di n'ya sabihin ay alam ko kung sino ang tinutukoy nya doon. "Sa pagkakaalam ko, sa mga taong mahal lang naman natin tayo posible na maging ganyan. Iyong kahit galit ka, hindi nun matatabunan iyong pagmamahal mo sa kaniya, kaya't nagagawa mo pa rin na mag alala sa kabila ng lahat." "Psh, imposible." Sambit ni Kuya Hiro. Bahagya akong napa ngiti, hindi ko alam kung bakit. Kahit na ganoon iyong galit nya sa Ama namin ay mayroon pa ring parte sa kaniya na nag aalala sa kalagayan no'n. After all, tatay pa rin namin iyon at normal lang siguro na maramdaman namin 'to. "Tama na nga 'tong drama na 'to, halika na at magsi-kanta na lamang tayo ulit sa loob." Aya ng barkada ni Kuya. Nang sa wakas ay bumalik na sila sa loob ay kaagad akong tumayo, ngalay na ngalay ako sa pwesto ko doon. Lumapit ako sa motor ni Kuya Hiro at lumingon lingon muna ako sa paligid bago ko kunin iyong helmet dahil baka mapag kamalan pa akong magnanakaw rito. Malaking iskandalo pa 'yon kapag nagkataon. Sinuswerte naman ako dahil walang tao kaya't kinuha ko na 'yong helmet para makauwi na ako. Bahagya akong na out of balance noong paatras na ako kaya't nasandalan ko iyong motor na nakaparada sa tabi ng motor ni Kuya Hiro. Bigla itong nag alarm at gumawa ng maingay na tunog na dahilan para ikataranta ko. Nang lingunin ko 'to upang sana ay patayin kung ano man iyong tumutunog doon ay bahagya akong nagulat sa itsura ng motor na 'yon. Hindi ako puwedeng magkamali, iyon ang motor na nasakyan ko noong entrance exam ko sa Altorre Academy. Matte black iyong motor na yo'n na may touch of gold sa mga gulong nito. Katerno nitong helmet na pagmamay ari ng rider na naghatid sa akin noon. At ng tignan ko iyong plate number noon ay mas lalo kong na-confirm na iyon nga talaga 'yon. Sakto, nandito sya at maibibigay ko na iyong utang ko sa kaniya at isasauli ko na rin itong helmet bago tuluyan na mawala pa 'to ni Kuya Hiro. Gusto ko lang din na muling makapag pasalamat sa kaniya. Agad na nilapitan ko iyong guard na nasa entrance ng karaoke bar. "Excuse me po, nasaan po iyong may ari ng motor na 'yon?" Itinuro ko sa kaniya iyong motor. Tumayo ito para masilip kung ano ang itinuturo ko. "Ah iyon po ba?" Sambit nito ng matukoy iyon. "Bakit po, Ma'am?" "Kakilala ko po ang may ari non, isasauli ko lang tong—" "Ahhh.. kayo po pala iyong inaantay nila. Sige po, sa karaoke room number five po sila. Pag pasok n'yo po, kanan lang po kayo, pangatlong kwarto po sa dulo." "Thank you po." Sambit ko at naglakad na papasok ng karaoke bar. Nakakahiya man dahil baka katulad ni Kuya Hiro ay naglilibang din si Kuya rider ngayon rito pero kasi, baka hindi na magtagpo ang landas namin sa pila malapit sa coffee shop. Lalo na't hindi na ako doon nagtatrabaho. Kaya't ngayon na lang ang nakikita kong pagkakataon para maisauli na ito at makapag bayad na sa mga utang ko sa kaniya. Sinunod ko naman iyong guide na binigay ni manong guard, pero bakit ang dilim ata ng hallway? di naman to ganito dati ah? Napahinto ako ng marating iyong pangatlong kwarto sa dulo, pero patay ang ilaw no'n sa loob. Para namang walang tao doon. Antayin ko na lang kaya sya doon mismo sa motor n'ya? kaso baka naman kasi abutin siya ng madaling araw sa pag gimik, kailangan ko ng umuwi. Nagbaka-sakali na ako at kumatok muna bago ko pinihit iyong pinto, baka tinted lang ang salamin no'n sa labas kaya't mukhang madilim. Sa pag apak ko pa lamang sa loob ng kwarto ay biglang bumukas ang mga ilaw, may musika na tumunog kasabay ng mga hiyawan. Napatingin ako sa ilang tao na nasa harap ko. Nakangiti sila ng napaka lawak at sabay sabay na mga pumapalakpak. Naagaw pa ng pansin ko iyong babaeng nakaupo sa wheelchair, nakasuot ito ng makulay na bandana sa kaniyang ulo. Napaka genuine ng ngiti n'ya sa akin at tila parang teary eyed pa ito. Nang bahagyang yumuko ako ay natagpuan kong naka tayo na ako sa gitna ng mga petals na inihugis puso sa sahig. May lalaking naka luhod sa harap ko, may hawak na singsing at dahan dahan ako nito na tinignan. "Will you marry me?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD