Hera's POV Hindi ko alam kung anong nangyayari sa Kuya Hiro ko, at kanina pa rin inis na inis si Ate Victoria sa kaniya. Mukhang hindi nga ata maganda ang unang pag kikita nilang dalawa. Pero sa bagay, nakakainis naman kasi talaga si Kuya Hiro. Ako nga na kapatid n'ya ay bwisit na bwisit sa kaniya. "Please excuse us." Sambit ni Vaun at marahan na hinila ako patayo. Kahit na hindi pa ako tapos kumain at ni hindi pa nga ako nakakakain ng dessert! "Bakit? ano bang problema mo?" Inis na tanong ko sa kaniya. "We need to talk." Bulong nito at hinila ako nito palayo doon sa hapag kainan. Kung saan nag babangayan sila Ate Victoria at Kuya Hiro. At tahimik naman na kumakain si Kuya Hash at Kuya Harley na para bang walang nangyayari sa paligid nila. "Talagang ngayon? hindi ba puwedeng mamaya