Maya't maya ko siyang sinusulyapan. Hindi ako nag sasawa sa magandang mukha n'ya kahit na sa tuwing nagtatagpo ang mga tingin namin na dalawa ay sasamaan nya ako ng tingin o di kaya ay iirapan. Tila anghel pa rin ang pananaw ko sa kaniya kahit na busangot ang mukha n'ya. Maganda pa rin s'ya, kahit na galit. "Nude pink ang theme, pero sa soon to be bride, of course cream ang kulay ng gown n'ya sa soon to be groom naman— Ikaw Vaun? ano ang mas gusto mo? white suit or ung typical na black na lang?" Sambit nito sa designer at bumaling naman ito ng tingin sa kapatid n'ya. "Black na lang sa akin, Ate. Sa kasal na lang siguro ako mag susuot ng white suit." Sagot nito na ngayon ay katabi sa sofa si Hera. May mali talaga akong napapansin sa pagitan nilang dalawa. Hindi sila bagay, napaka pangi