Kanina ay ang ex n'ya ang usapan namin, ngayon ay bumalik muli tungkol sa amin na dalawa. "Bukas na ang engagement party, kaya't dapat na matandaan mo ang lahat ng ituturo ko sa 'yo, kung ayaw mo na mag kamali at mabuko tayong dalawa." Bilin ni Vaun. Bukas na rin ang graduation ko, at kinagabihan naman ang engagement party. Hindi na nga ako naka pasok sa mga huling araw ko sa school, dahil sa mga nangyari. Mabuti na lamang at mabait ang adviser ko. Tapos na din naman kasi ang lahat ng exams namin. At hindi sa pag yayabang, pero kahit na hindi ako pumasok at maka attend sa mga lesson ay kaya ko na sagutan iyon. Stock knowledge lang ang labanan. Ang mga damit naman namin para bukas sa party ay ihahatid na lang daw sa bahay, kung hindi mamayang gabi ay bukas ng umaga. Ganoon kabilis, d