"Wala ka pa rin bang napipili?" "Wala pa, gusto ko iyong pinaka magandang bulaklak para kay Papa." Sambit ko at tumingin ng bulaklak sa ibang tindahan. Para bang pare pareho lamang ang mga design ng bulaklak nila rito. "Napapagod ka na ba dahil kanina pa tayo paikot ikot? sinabi ko na kasing wag mo na akong samahan, kaya ko naman na mag isa." "Hindi naman sa napapagod, baka kasi gabihin tayo pag inabutan tayo ng rush hour. At isa pa, si Dad ang nag sabi na samahan kita, sa tingin mo ay hindi sila mag tataka kapag hinayaan na lang kitang bumyahe rito mag isa na sa pagkakaalam nila ay girlfriend at fiancee kita?" "Tsk, ano ba kasi 'tong pinasok natin." Inis na reklamo ko. Pumunta ako rito upang bumili ng bulaklak para kay Papa. Iyon ang ilalagay sa puwesto n'ya kapag naiuwi ang abo n'y