"Nandiyan ka pala, Hera." Sambit nito ng mapansin ako. "Si Mommy ang nag luto nitong baked mac na 'to. And I am one hundred percent sure na magugustuhan ito ng mga bisita." Kinuha nito ang isang tray ng pagkain na 'yon at dadalhin sana iyon palabas ngunit inawat ko s'ya. "Teka, san ka pupunta?" Sambit ko. "Sa labas? at ilalabas itong pagkain?" Nagtatakang sagot nito. "Ako na. Ako na ang mag lalabas n'yan." Inagaw ko iyon sa kaniya ngunit kaagad n'ya na nailayo ito sa akin. "Hindi na, ako na. Kaya ko naman na." "Ako na nga sabi, bisita ka at hindi ka dapat na kumikilos rito." "Huwag mo akong alalahanin. Hindi na ako iba sa inyo, Hera. Kaya ako na. Maraming tao at kailangan kong tumulong sa pag aasikaso." Pag pupumilit nito. Hindi pa nga kami kasal pero kung umasta s'ya ay para bang