Hera's POV Kakagising ko lang at tila ramdam na ramdam ko ang sakit ng ulo ko. Siguro at dahil ito sa kakaiyak kagabi, tila ang bigat bigat rin kasi ng mga mata ko. Idagdag pa iyong panlalata ko, para bang wala akong gana na kumilos o kahit gumalaw man lang. Para bang ang bigat bigat kasi ng katawan ko, pati na rin ng dibdib at puso ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Saglit na nag muni muni muna ako sa kama at tumulala sa kisame. Hinayaan ko na lang muna na sinagan ako ng araw na mula sa bintana ko. Tila walang epekto sa akin ang kahit na ano. Tila napaka lalim ng iniisip ko. Totoo ba ang lahat ng 'to? hindi ba ito masamang panaginip lang? Makalipas ang ilang minuto ay tamad na tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko. Kaagad na rin akong bumaba at dumiretso sa banyo