Inawat ko si Maureen. "Mamaya na muna tayo pumasok sa bahay." "Bakit?" Nagtataka naman itong tumingin sa akin, matapos ay tinignan nito kung saan naka baling ang mga mata ko. Nasa bandang tapat kasi ng bahay si Vaun at iyong babaeng driver ng kotseng kulay pink kanina. Ayoko naman na umeksena kami ni Maureen at maka istorbo sa usapan nilang dalawa. Hihilahin ko sana si Maureen palayo bahagya doon ngunit huli na at nakita na kami ni Vaun. "Hera!" Sambit nito at kumaway pa, kaya at napatingin din sa amin iyong babaeng kausap n'ya. Awkward na ngumiti ako sa kanila at lumapit naman kami ni Maureen. Hindi naman puwede na tumayo lang kami dito at titigan sila. "Hi." Sambit ko at bahagyang iniangat ang kamay ko. "Kamusta po?" Sambit ko kahit hindi ko naman s'ya kilala. Pero nasanay na ri