Hiro's POV Biglang tumayo at lumabas si Hera kaya naman napatingin kaming tatlo sa kaniya hanggang sa maisara nito ang pinto. Si Mama naman ay naihiga na namin sa sofa dahil naka tulog na rin ito dahil na rin sa kakaiyak. "Masakit din pala, akala ko ay wala akong mararamdaman na kahit ano, akala ko ay wala lang sa akin kapag nangyari ang bagay na 'to." Biglang sambit ni Kuya Hash habang nakaupo at nakayuko sa tabi ng Papa namin. "Tanda ko pa lahat ng sakit, lahat ng sama ng loob, lahat ng hirap na dinanas ko noong iniwan n'ya tayo. Bilang panganay, napunta sa akin lahat ng pressure noon. Na dapat ay maalagaan ko si Mama, maalagaan ko kayong mga kapatid ko. Na dapat ay ako ang sumalo sa responsibilidad ng Papa natin dahil wala s'ya ng mga panahon na 'yon." Sambit ni Kuya Hash na tila