Tila natataranta at aligaga na bumalik si Mama sa table namin. "Ma, okay ka lang?" Tanong ni Kuya Hash nang mapansin si Mama. "A-ang Papa n'yo.." Sambit nito kasabay ng malalim n'yang pag hinga. Bigla akong natakot at kinabahan. Ayokong marinig ang mga susunod na sasabihin ni Mama dahil alam kong hindi magandang balita iyon. Sa kabila ng ginawa nya sa amin, hindi ko pa rin maiwasan na hindi masaktan, matakot at hindi mag alala para sa kalagayan niya. "Kailangan na natin s'yang puntahan sa ospital." Sambit ni Mama at nag mamadali na kinuha iyong wallet n'ya. "Why Heidi? what happened? is your husband okay?" Nag aalalang tanong ng Mommy ni Vaun. "I'm sorry, Veron. Ayoko man sirain ang dinner na inihanda n'yo para sa amin, pero kailangan na talaga namin na umalis." "It's okay, I under