Chapter 3

2048 Words
Hera's POV Buong byahe ay humihiling lang ako na wag kaming ma-late, na makaabot kami at huwag nawa kaming madisgrasya at suma-kabilang buhay. Napaka bilis naman kasi niyang magpa-takbo, akala ata n'ya ay siyam ang buhay namin. Pero oo nga pala, bakit nga ba ako nag rereklamo? nag-mamadali nga pala kasi kami at may hinahabol na oras. Kaagad din akong bumaba ng sa wakas ay makarating kami sa Altorre Academy. Mabilis akong tumakbo papalapit sa gate, ngunit kaagad akong tinawag ni Kuyang rider. "Wait lang, Miss!" Napahinto ako at na-realize kong hindi pa pala ako nagbabayad kaya't agad akong bumalik palapit sa kaniya. "Sorry po, Kuya. Teka- iyong bayad ko nga po pala." Natatarantang sambit ko at kinapa ko ang wallet ko sa bulsa ko ngunit mas lalo akong nataranta ng wala akong nakapa doon, likod at harap na bulsa ko ay walang laman. Pag minamalas ka nga naman! Sa sobrang pagmamadali ko kasi kanina ay hindi na ako nagtungo sa locker bago umalis, kung nasaan nakalagay ang mga gamit pati na ang wallet ko. Ni hindi na nga ako nakapag palit ng damit ko na kanina pa amoy pawis. Kainis! Nakakahiya man pero wala akong choice, pakapalan na lang talaga ng mukha. "K-kuya, puwede bang utang muna? naiwan ko kasi iyong wallet ko sa trabaho." Naiilang na sambit ko habang sinusubukan na kapain muli ang bulsa ko dahil baka naman mag himala at lumitaw ang wallet ko o di kaya ay bigla na lamang mag labas ng pera ang bulsa ko, malay mo naman. "Tama! hindi ba't doon ka naman nakapila sa gilid ng coffee shop na pinagta-trabahuhan ko pag mamamasada ka? doon na lang po kita babayaran at may libreng kape pa! kahit anong kape po na gusto mo, promise yan, walang halong joke! masasarap pa naman ang kape namin." Pangungumbinsi ko pa na sana ay umubra. Pero mukhang hindi. "Miss, hindi naman iyong bayad-" "Dodoblehin ko iyong bayad, Kuya. O ano deal? hindi po 'to modus o budol, naiwan ko lang po talaga iyong wallet ko." Napa-buntong hininga na lamang ito, sign ba iyon na pumapayag na s'ya? Napatingin ako sa relo ko, 8 minutes na akong lagpas sa oras na nakatakda para sa exam ko. "Kuya ha? bukas ako magbabayad, pangako!" Kahit hindi pa ito umo-oo ay iniwan ko na s'ya at lumapit na ako sa guard na ngayon ay isinasara na ang gate. Di ko naman sya tatakbuhan, hinahabol ko lang naman talaga ang oras ngayon. Hindi ko gawain ang mag 123 'no. "Excuse me, Miss. Saan ka?" Tanong sa akin ng guard. "Mag e-exam po ako, new student po." "Anong pangalan?" "Hera Montejo po." Chineck nito ang papel na listahan na hawak n'ya. "Anong oras na ah, late ka na hija. 4:00 pm ang schedule ng exam mo base sa naka-lagay rito." "Oo nga po, kaya papasukin n'yo na po ako para hindi na ako masyadong ma-late pa." "Pero hindi na kami puwedeng magpapasok, nagsisimula na ang exam sa loob. Alam mo naman siguro na mahigpit na patakaran sa oras ng exam." "Pero, Kuya guard-" "Pasensya kana hija, sumusunod lang ako sa patakaran ng school. 4:08 pm na oh, mapapagalitan ako nito." "Konting minuto pa lang naman po ako late, baka naman po puwede n'yo na ako payagan." Pangungulit ko pa pero ayaw na ako nitong pansinin. Bahagya akong napa-talon sa gulat ng bigla namang bumusina iyong motor mula sa likod ko. Alam kong si Kuyang naghatid sa akin iyon, ba't di pa sya umaalis? wala talaga akong ibabayad sa kaniya ngayon. Pinipigilan ko na lumingon, dahil pag lumingon ka, bayad ka. Nagtaka ako ng bahagyang yumuko si Kuya guard at itinaas ni ang kamay n'ya at nag thumbs up doon kay Kuya na bumusina mula sa likod ko. Ah, baka close sila? "Sige na po Ma'am, pumasok ka na. Hindi ko naman alam, pasensya kana." Sambit nito at pinag buksan ako ng gate. Nagtataka akong tumingin kay Kuya guard dahil ang bilis naman na magbago ng isip niya. "Talaga? thank you po!" Sambit ko at kumaripas ng takbo papasok sa loob ng school dahil baka magbago ulit ang isip n'ya at bawiin ang sinabi n'ya, mahirap na. "Ah Ma'am, patanggal na lang po ng helmet n'yo. Good luck po sa exam!" Habol pa nito. Saglit akong napatigil at kinapa ang ulo ko at nanlaki ang mata ko ng ma-realize na may suot pa nga akong helmet. Kaagad ko iyong hinubad at binitbit na lamang. Nagdadalawang isip ako kung ibabalik ko ba iyon kay Kuya rider na ngayon ay kausap na si Kuya guard. Pero baka kasi kulitin nya pa ako muli sa bayad ko, at baka mapurnada na ng tuluyan ang exam ko. Tama, bukas ko na lang din ito isasauli kasabay ng bayad ko. Pero teka, hindi ko man lang nakita ang mukha n'ya dahil sa helmet n'ya. Pero sa bagay, tanda ko naman iyong itsura ng motor n'ya. "Excuse me? ikaw ba si Miss Hera Montejo?" Agad akong nilapitan ng magandang babae na mukhang professor dito sa school base sa suot n'ya. Siguro ay nasa 30's na s'ya. Paakyat pa lamang sana ako sa building na 'to dahil dito ako itinuro ni Kuyang guard. "Ako nga po, Ma'am." "Just call me Ma'am Bel." Pagpapakilala nito. "Okay po, Ma'am Bel." "Halika sumunod ka sa akin." Nakangiting sambit nito at napaka lambing rin ng boses n'ya. "Hindi na kita puwede na papasukin sa classroom na pinag e-exam-an ng mga kasabay mong magte-take, late na kasi at nagsisimula na sila. So dahil inilapit ka ni Sir Vaun para makahabol sa exam, sa faculty na lang kita papu-pwestuhin." Sambit nito at sumunod naman ako sa kaniya sa faculty nila. Nang maka-pasok kami sa loob ay mas lalo akong namangha. Grabe! para bang sa palabas mo lamang makikita ang ganito ka-gandang opisina. May kanya kanya silang table at computer at napakalamig din dahil nasa lima ata ang aircon nila. Pinaupo ako nito sa isang bakanteng pwesto at maya maya pa ay iniabot na nito ang napaka-kapal na test papers sa akin. Inilapag ko muna iyong bitbit kong helmet sa gilid ng upuan ko. "1-300 iyang exam, strictly no erasures tayo, okay?" "Yes, Ma'am." "May one and a half hour ka para sagutan iyan, good luck." "Thank you po, Ma'am." "If you need anything, puntahan mo lang ako sa table ko." Nang makaalis si Ma'am Bel ay agad ko nang sinagutan iyon. Ang goal ko ay at least makukuha ng 280 points para makapag apply as scholar, di baleng hindi perfect, ang importante ay maabot ko iyong score na hinihingi nila. Naging madali ang mga unang tanong dahil multiple choice naman at isa pa ay kasama iyon sa mga inaral ko at pinag-puyatan ko ng ilang gabi. Ngunit ang mga sumunod na tanong ay puro computation na, walang choices iyon at kailangan pa na ipakita ang solution. Kaya ko naman iyon dahil napag aralan ko naman ang iba doon, ngunit medyo naguguluhan ako dahil medyo maingay na rin ang paligid at nadi-distract ako. Maya't maya rin kasi ang pasok ng ibang mga staff at prof pati mga studyante. "Oh, bakit may nag e-exam rito?" Rinig kong sambit ng kakapasok lamang na lalaki na tingin ko ay professor rin dito. "Ah na-late kasi Sir, kaya dito ko na po pinag exam." "Hindi ba't di tayo tumatanggap ng late? matagal na nating rules iyon." Hindi ko maiwasan na hindi makinig sa usapan nila dahil sa lakas ng boses n'ya. Wag na nya sana kontrahin, nag-eexam na ako ng matiwasay dito oh. "Pero Sir, si Sir Vaun po ang nag lapit sa kaniya rito." Biglang nag-iba iyong reaksyon ng mukha ng lalaking teacher. "Si Sir Vaun?" "Yes Sir, makokontra mo ba iyon?" Biro pa ni Ma'am Bel at bahagyang tumawa. Napatingin ako sa kanila, sino ba iyong Sir Vaun na binanggit na rin n'ya kanina pa? Napansin ako nito ngunit huli na para umiwas pa ako ng tingin. "Pasensya kana sa nasabi ko... Miss???" Sambit nito nang maka-lapit sa akin at tila inaantay na sabihin ko ang pangalan ko. "Hera Montejo po." "Hindi pamilyar ang last name mo, saang pamilya ka nga galing?" "Sa mga Montejo po." Awkward na sagot ko. Bahagya itong tumawa. "Hindi iyon ang ibig sabihin ko, Miss Hera. Anyway hindi na kita i-istorbohin pa. Good luck sa exam, kayang kaya mo yan." Sambit nito at lumabas na din ng faculty. "Pasensya ka na, ganun lang talaga iyon si Sir." Sambit ni Ma'am Bel at marahan na tinapik ako sa braso. Matapos ay nakapag focus na ako sa exam ko, sa wakas ay natahimik na rin ang paligid. May ilan sa computation ko na medyo nag alangan ako kung tama, pero iilan lang naman iyon at the rest ay confident na ako na tamang tama. Mataas ang tiwala ko sarili ko this time at naniniwala akong papasa ako as scholar sa academy na 'to. May twenty minutes pa ako pero ipinasa ko na kaagad iyon dahil natapos ko naman ng maaga. Nagbilin lang si Ma'am Bel na antayin ang results at makakatanggap naman daw ako ng sulat galing sa kanila regarding doon. Matapos noon ay lumabas na rin ako ng faculty. Sa wakas, nakahinga na rin ako ng maluwag. Natapos na ang lahat ng stress na inabot ko dahil sa exam ko na 'to, ngunit alam ko naman na magiging worth it ang lahat ng iyon. Naglalakad na ako palabas sana ngunit napahinto ako dahil ngayon ko lang napag-masdan itong field nila, iyong mga building at ang buong campus. Aligaga kasi ako kanina at tanging nasa isip ko lamang ay ang makapag exam na. Walang duda kung bakit ganoon na lamang pala kahirap at kamahal ang makapasok sa academy na ito, para bang international school ito sa sobrang ganda at sa sobrang laki nito. Mas lalo tuloy akong nasabik sa nalalapit naming graduation na ilang araw na lamang. Makakapag college na ako, sa magandang school, sa pangarap kong academy at sa pangarap kong course, ang engineering. Gusto ko pa sana na ikutin ang buong academy ngunit anong oras na at kailangan ko nang umuwi. Maiikot ko rin naman ito kapag dito na ako nag aaral. Nang makalabas ako ay si Kuyang guard pa rin kanina ang naka duty doon. "Kamusta ang exam, Ma'am?" "Okay naman po, Kuya guard. Thank you nga po pala sa pag-papapasok n'yo sa akin kanina." "Wala iyon, Ma'am. Sumusunod lang po ako sa utos.— S'ya nga pala, pinasuyo po ni Sir kanina, pamasahe n'yo daw po." Sambit nito at iniabot sa akin ang one thousand peso bill. "Po? sino pong Sir?" Kunot noong tanong ko. "Iyong naghatid po sa inyo kanina, si Sir Va—" Di na nito natuloy ang sinasabi n'ya ng biglang tumunog ang radio nya. "Maiwan na po muna kita d'yan, Ma'am." Sakto, wala nga pala akong pamasahe pauwi dahil naiwan ko ang wallet ko. Pero sobrang tulong naman na 'to, hindi ko na nga s'ya nabayaran at binigyan pa n'ya ako ng pamasahe pauwi. Kung sino ka man Kuyang rider, napaka-laki ng utang na loob ko sa 'yo. Napaka-laking tulong ang nagawa mo para sa 'kin ngayong araw. Babawi na lamang ako bukas sa kaniya, katulad nang ipinangako kong dobleng bayad sa pamasahe with free coffee at itong isang libo ngayon na iniwan n'ya at iyong helmet n'ya. Teka— naiwan ko iyong helmet sa faculty! Vaun's POV "Parang maganda ata mood mo ngayon? iba iyong dating ng mukha mo eh." "I just helped someone today and I just feel great about it." "Bro, I know na matulungin ka. But parang iba ata iyong ngayon?" Bahagya akong napatawa ng maalala ang nangyari sa akin ngayong araw. I was disappointed when my date got cancelled, pero dahil sa babaeng iyon? naaliw ako ng sobra ngayong araw. Sobrang nakakatawa s'ya, doon pa lamang sa napagkamalan n'ya akong namamasada, at iyong sobrang taranta n'ya na she even forgot she's wearing a helmet, and when I called her para kunin ang helmet ko? inakala nya pang naniningil ako ng bayad. Kamusta kaya ang exam n'ya? mabuti na lang at namukhaan ako ng guard kanina kaya't pinapasok sya nito at nang makalayo layo sya ay ipina-radio ko sa guard na ipaasikaso ito upang makahabol sa exam. Kaya't narinig ko at nalaman ang pangalan n'ya. Hera Montejo... what a nice name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD