3:30 pm na at 4:00 pm ang exam ko, wala na talagang pag asa.
Hindi na ako makaka-abot, hindi na ako makakapag-exam at hindi na ako makakapasok pa kahit kailan sa pangarap kong paaralan, ang Altorre Academy.
Strict kasi sila pagdating sa entrance exam, bawal ang late, bawal ang hindi sumipot at bawal ang mag re-schedule, lalo na't mag a-apply pa ako ng scholarship sa kanila.
Kapag di ka pumunta sa araw at oras ng schedule ng entrance exam mo ay maba-ban ka na sa school nila.
Sobrang nakakapang-hinayang, nasayang ang pangarap ko ng ganun ganun lang.
"Additional order daw sa table 2, Isang caramel macchiato, isang espresso, dalawang strawberry cookie frappe at one blueberry cheesecake— Huy, Hera." Bahagya akong kinalabit ni Maureen kaya't napabalik ako sa ulirat. Kanina pa ako panay ang bantay sa kada segundo at minutong lumilipas sa orasan.
"Okay ka lang? kanina ka pa tulala ah?" Nag aalalang tanong ni Maureen.
"Di na ako makaka-abot sa exam ko." Malungkot na sambit ko, feeling ko ay pinag bagsakan ako ng langit at lupa
"Teka, iyong sa Altorre Academy? oo nga pala. Ngayon iyon ha? di ba't nagpaalam ka nang mag half day? oh anong nangyari?"
"Si Ella ang nag half day ngayon at ako ang papalit sa kanya sa trabaho n'ya ngayong araw."
"Iyong bruhang 'yon? talagang itinaon n'ya pa sa araw ng entrance exam mo? Pero nauna ka nang mag-paalam hindi ba?"
"Emergency ba naman ang dinahilan n'ya at isa pa, mainit ako kay Ma'am Grace dahil sa sunod sunod kong late."
"Pero kahit na."
"Hayaan mo na, baka hindi lang iyon para sa akin, kaya 'to nangyari."
Mahirap mamili kung pag aaral ba o trabaho. Kapag nag-pumilit ako na mag half day, mawawalan ako ng trabaho, ano ngayon ang ipang aaral ko?
"Hays best friend, wag ka nang malungkot, marami pa namang ibang magandang school d'yan." Sambit nito at napa buntong hininga na lamang ako.
Nanghingi ito ng scratch paper sa akin at isinulat iyong order na binanggit n'ya kanina sa akin na hindi ko naman naintindihan dahil wala ako sa sarili.
"At iyong si Ella? hayaan mo at nakapila na kaluluwa non sa impyerno sa daming kasamaan na pinag gagagawa no'n." Dagdag pa nito at iniabot ang papel sa akin at agad ko rin naman na ipinunch iyong additional orders.
Medyo kakaunti lang ang customers ngayon, hindi katulad ng inaasahan namin na dami ng tao tuwing biyernes. Siguro ay dahil sa biglang maulan ngayong araw, pero mas masarap ngang mag-kape kapag umuulan.
"Bye guys! Mauna na ako." Pareho kaming napatingin ni Maureen kay Ella na kakalabas lamang ng locker room dala ang gamit niya.
"Speaking of the witch." Sambit ni Maureen at alam kong napairap sya kahit nakatago ang mga mata n'ya dahil sa sunglasses na suot. Kabisado ko na kaya s'ya.
"Excuse me, okay na ba iyong additional order namin?" Tawag ng customer kay Maureen.
"Yes Ma'am! ito po at ihahatid ko na po." Ngumiti ito sa customer. Iyong ngiti ni Maureen talaga ang asset n'ya, kaya halos lahat ng regular customer namin ay gustong gusto s'ya. Nakakahawa daw kasi iyong magandang ngiti n'ya.
"O sya, mamaya na ulit tayo mag-kwentuhan." Bulong pa nito at inasikaso na iyong customer n'ya.
Nang makaalis si Maureen ay nakita ko naman na papalapit sa akin si Hudas este si Ella.
"Oh? ikaw pala ang magha-half day ngayon? akala ko si Hera?" Tanong pa ng kasamahan namin na nadaanan nito.
"Yes, ako kasi iyong pinayagan at hindi si Hera." Madiin na sambit nito na tila para bang pina-mumukha sa akin iyon.
Nang maka-lapit ito sa akin ay ngumiti ito at naghawi pa ng buhok. Walang gana ko naman s'yang tinignan, kung alam n'ya lang na gusto ko nang ipalo iyong ulo nya dito sa monitor sa harap ko.
"Paorder ako, Hera. Iuuwi ko lang sa Lola ko." Sarkastikong sambit nito at bahagyang tumawa. "Dalawang glazed doughnut at isang sausage roll."
"Ayun lang?"
"Oo, pero kung may gusto kang idagdag or kainin sige, go. I'll pay."
"Wag na, baka ika-hirap mo pa kapag nilibre mo ako. No thanks." Irap ko sa kaniya.
Kaagad kong inayos ang order nya at ipinunch. Para makaalis na sya dahil nabibwisit ako sa mukha n'ya.
"346 pesos lahat." Sambit ko at nag abot s'ya ng 500 pesos. Ngunit nang kukunin ko na ang pera sa kamay n'ya ay pinaglaruan nya pa ako at inilayo layo iyon.
Namumuro na talaga sa akin ang babaeng 'to.
Sa inis ko ay kumuha ako ng kape sa likuran ko, iyong mainit na mainit at ibinuhos ko ito sa kanya at yung doughnut at sausage roll na order nya naman ay ipinukol ko sa mukha n'ya.
Ngunit hindi pa ako nakuntento, kulang pa iyon kaya't kinuha ko ang order ng customer ni Maureen at ibinuhos iyon ng sabay sabay kay Ella.
Tumawa ako ng tumawa habang basang basa s'ya ng halo halong drinks. Ayan, bagay lang 'yan sa kaniya!
"Huy, Hera. Ito na nga yung bayad ko." Pero syempre ay imagination ko lang iyon at hindi ko iyon pwedeng gawin. Mahal ko pa ang trabaho ko. Kailangan ko pa ng mahabang pagtitimpi.
Padabog kong iniabot sa kaniya ang sukli n'ya.
"Okay lang yan, puwede ka pa namang mag half day sa ibang araw. Wag ka nang ma-badtrip d'yan."
"Di ka pa ba aalis?" Cold na tanong ko.
"Hindi pa, gusto ko pang makipag kwentuhan sa 'yo."
"Pwes ako hindi ko gusto, kaya umalis kana."
"Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, Hera. At least dahil sa 'kin, di na masasayang ang pagod mo na pumunta sa university na iyon dahil hindi ka rin naman papasa kapag nag take ka ng exam doon, masyadong mataas ang ambisyon mo eh. Altorre Academy iyon, school ng mayayaman at mga matatalino. Hindi ka bagay doon."
Napangisi ako sa sinabi niyang iyon, kakaiba talaga ang ugali ng babaeng 'to. "Naaalala mo pa ba kung paano kita tinalo sa mga contest? sa mga exam and quizzes? at iyong pag agaw ko sa pagiging top 1 mo sa mga nakaraang grading, tandang tanda mo pa ba? kung nagawa ko ang mga iyon, mas lalong magagawa ko na maka-pasa sa Altorre Academy."
"Anong sabi mo?" Biglang nag iba ang reaksyon ng mukha nito. Siya itong nag simula at sinabayan ko lang naman s'ya sa gusto n'ya.
"Hindi mo ba narinig? uulitin ko pa ba?"
"Tsamba lang naman na maungusan mo ako sa mga 'yon, at huwag ka masyadong magpaka-panatag, Hera. Hindi pa naia-announce ang top 1 para sa huling grading, hindi pa tapos ang laban."
Hindi na ako nakipag-talo pa sa kaniya dahil napaka-laki ng issue n'ya sa buhay. Wala akong oras makipag kumpitensya sa taong marumi makipag-laban.
"Ella, what are you still doing in here? bakit hindi ka pa nag out?" Sa gitna ng pagtatalo namin ay di namin napansin ang papalapit na ngayon na si Ma'am Grace.
Biglang nag iba ang anyo ni Ella na kanina ay bruha, ngayon naman ay tila para bang napaka-among tupa. Ugh, kairita.
"Ah Ma'am, umorder lang po ako ng pasalubong pero pauwi na rin naman po ako."
"Oh I see— Anyway Hera, magha-half day ka pa ba? aabot ka pa ba sa exam mo?" Biglang bumaling ng tingin sa akin si Ma'am Grace.
"Po?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo ba ako narinig? I'm asking you if gusto mo pa ba na mag half day."
"Pero bakit Ma'am? hindi ba't sya ang mag aassist doon sa vip customer natin sa rooftop area?" Singit ni Ella sa usapan.
"Nag cancel yung vip customer natin— at napansin ko na konti lamang ang tao ngayon kaya't pwede ka nang mag half day para sa exam mo, Hera. Kung aabot ka pa."
Napatingin ako sa orasan at 3:48 pm na. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko na humabol at isa pa, hindi naman gaanong kalayuan ang Altorre Academy dito sa coffee shop na pinagta-trabahuhan ko.
It's now or never.
"Pero Ma'am, sinong magca-cashier?" Ayaw pa rin talagang magpatalo ni Ella.
"Ako." Nakangiting sambit ni Maureen na lumapit sa amin. "May problema ba, Ella?"
"Kinausap ko na si Maureen at pwede mo nang iwan ang trabaho mo sa kanya, Hera.— Oh and Maureen, please wear a smaller sunglasses next time." Bilin pa ni Ma'am Grace at iniwan na kaming tatlo doon.
"Thank you Ma'am!" Habol ko pa ng sigaw habang naglalakad na ito pabalik ng office n'ya. "Thank you po talaga!"
Yung lungkot at panghihinayang ko kanina ay mabilis na napalitan ngayon ng excitement at tuwa.
"Sige na umalis ka na, bawat segundo ngayon ay mahalaga, Hera." Sambit pa ni Maureen at tinulungan ako na tanggalin ang buhol sa likod ng apron ko.
"Paano ba yan? sabay pala tayong mag-a-out." Sambit ko kay Ella. Malawak akong nakangiti habang s'ya naman ay hindi na maipinta ang mukha.
Bigla naman nitong hinawakan ng mahigpit ang braso ko. "Teka lang!"
"Ano? pipigilan mo ko? Bitawan mo ko, Ella. Pinalampas ko na iyong kanina, baka hindi ko na mapalampas 'yang gagawin mo ngayon." Seryosong sambit ko at agad naman itong napabitaw.
"Hinding hindi ka makakapasa doon, Hera. Tandaan mo yan!" Sambit pa nito at tinalikuran ko na s'ya.
Grabe, saksakan na talaga ng sama ang ugali n'ya.
"Good luck best friend! kaya mo yan! I-perfect mo ang exam ha?" Excited na sigaw pa ni Maureen.
Nagmadali akong lumabas ng coffee shop, hindi na ako pumunta pa ng locker area upang mag palit ng damit o kumuha man lang ng gamit dahil kulang na kulang na talaga ako sa oras.
Kung sasakay ako ng jeep o taxi ay di ako aabot, kaya't nagpunta ako sa pila ng mga habal habal na motor at buti na lamang ay may isa pang naka-park doon.
Nag aayos ito ng jacket nya at helmet na suot dahil medyo umaambon ngunit hindi naman iyon ganoong kalakasan.
"Kuya sakay po." Hingal na hingal na sambit ko nang maka-lapit sa kanya.
"Sorry?"
"Sa Altorre Academy po, please Kuya nagmamadali na po ako."
"Pero Miss—"
"Kung may pasahero na pong nakapag book sa inyo baka puwede naman pong i-cancel n'yo nalang? parang awa mo na Kuya, pangarap ko ang nakasalalay dito."
Bahagya itong natawa at may binulong pero hindi ko naintindihan dahil sa full face ang helmet nito.
Ano kaya ang nakakatawa sa sinabi ko?
"Please kuya? kailangan ko lang talaga na maka-abot sa entrance exam ko."
"Ah, engineering student ka?" Tanong nito.
"Opo." Napatingin ako sa relo ko, eight minutes na lamang ang nalalabi.
"New student?" Tanong nya pang muli. Para saan ba iyon? required bang interview-hin nya ako bago pasakayin?
"Opo, incoming first year student—
pero pwede po ba na mamaya na po tayo mag tsismisan? baka hindi na po ako makaabot."
"Please Kuya, tatanawin ko talaga itong malaking utang na loob, habang buhay. Promise!" Humawak muna ako sa bandang puso ko bago itaas ang kamay ko. Ibig sabihin no'n ay sincere ang pangako ko na iyon, ganoon kasi ang turo sa akin ni Mama bata pa lamang ako.
Sa wakas ay iniabot nito sa akin ang extra helmet nya at kaagad rin akong umangkas sa likuran.
"Kapit ka mabuti, I'll make sure na makakapag exam ka, no matter what."
Vaun's POV
Kung kailan ko na-tripan na mag motor, tsaka naman na hindi maganda ang panahon. Sana pala ay nag kotse na lamang ako.
Nandito ako sa gilid ng coffee shop na pinag-reserve-an ko para sana sa date namin but I already cancelled the reservation.
Something came up with my date and it's okay, naulan rin naman at hindi magandang idea ang rooftop date.
Paalis na sana ako nang biglang umambon, hindi naman iyon ganoong kalakasan. Inayos ko ang helmet at iniayos ang zipper ng jacket ko upang hindi ako masyadong mabasa.
"Kuya sakay po." May lumapit sa aking babae na tila hingal na hingal. Napakunot ang noo ko, baka namali lang ako ng rinig dahil sa suot kong helmet.
"Sorry?" Sambit ko at tinignan sya. Pamilyar iyong uniporme na suot nya. Ganoon ang suot ng mga employee sa coffee shop kanina.
"Sa Altorre Academy po, please Kuya nagmamadali na po ako."
"Pero Miss—" Hindi niya man lang ako pinatapos.
"Kung may pasahero na pong nakapag book sa inyo baka puwede naman pong i-cancel n'yo nalang? parang awa mo na Kuya, pangarap ko ang nakasalalay dito."
Di ko na napigilan at bahagya akong natawa. "Nag park lang naman ako saglit dito at nagkaroon na ako ng pasahero." Natatawang bulong ko sa sarili ko.
"Please kuya? kailangan ko lang talaga na maka-abot sa entrance exam ko."
"Ah, engineering student ka?" Tanong ko. Mga engineering student kasi ang naka schedule na mag exam ngayon ayon sa pagkaka-alam ko.
"Opo." Napatingin ito sa relo n'ya at mukhang mas lalo itong nataranta.
"New student?" Tanong ko pa.
"Opo, incoming first year student—
pero pwede po ba na mamaya na po tayo mag tsismisan? baka hindi na po ako makaabot."
"Please Kuya, tatanawin ko talaga itong malaking utang na loob, habang buhay. Promise!" Humawak pa ito sa bandang puso nya tsaka itinaas iyong kamay nya na para bang batang nangangako.
Okay sige, I'm convinced. For the sake of her entrance exam.
Iniabot ko sa kanya ang extrang helmet ko, mabuti na lamang ay may dala ako. Para iyon sana sa date ko.
Wala namang mawawala kung mag mukha man akong driver ng isang stranger, ang importante ay nakatulong ako, valid naman iyong reason n'ya.
"Kapit ka mabuti, I'll make sure na makakapag exam ka, no matter what." Sambit ko sa kaniya.
Hindi dahil sa bibilisan ko mag-drive, kundi magagawan ko naman ng paraan na makapag exam pa rin s'ya kahit na ma-late kami ng dating.
It's because anak ako ng may ari ng Altorre Academy.