"Hay, napakahirap na nbsb ang mapapakasalan ko." Sambit nito at patakbo na lumapit sa akin. "Nbsb?" Nagtatakang tanong ko. Tumango naman ito. "No boyfriend since birth." At inakbayan ako ng makalapit s'ya sa akin. "Parang napaka laking issue naman na wala pa akong nagiging boyfriend sa buong buhay ko." "Hindi naman. Pero teka, pano ba 'yan? edi ako ang first boyfriend mo?" Pang aasar pa nito. "Fake boyfriend kamo." Inirapan ko ito at inialis ang pagkaka-akbay n'ya sa akin pero mas hinigpitan n'ya iyon kaya't napalapit ang mukha namin sa isa't isa. "Huwag kang mailang sa akin, hindi naman kita para pagnasaan, hindi naman kita type." Bulong nito at malakas na siniko ko s'ya kaya't napabitaw ito. "Bakit? hindi rin naman kita tipo 'no. Ni hindi ko nga alam kung bakit pinagkakaguluhan k