Hiro's POV Nagulat ako ng banggitin ni Victoria kay Kuya Hash ang address ng bar na tinutukoy nila na pagma may-ari daw ng Uncle nila. Iyon kasi ang bar na tambayan namin ng buong tropa. Doon nga rin ako nag tungo noong unang gabi na nag tagpo ang landas namin ni Victoria, tanda ko pa na napakanta pa nga ako noon dahil sa kakaibang nararamdaman ko noong gabing iyon. "Sa inyo pala ang bar na 'to?" Tanong ko ng makarating kami doon at makababa sa sasakyan. "Hindi naman po sa amin ito, Kuya Hiro. Kay Uncle Vlad, sa kapatid po ni Mommy. Bakit po?" "Madalas kasi ako rito na tumambay at mag inom. Dati na rin kaming naka tugtog rito. Pa extra extra nga lang." "Talaga? tumutugtog ka pala, Kuya?" Tila namamanghang tanong ni Vaun sa akin. "Oo, guitarista 'yan si Kuya Hiro at kumakanta rin s