10

1404 Words
Hindi pa ako nagpaawat sa usapan namin at pinaki-alam ko ang kanyang laptop at kanyang printer. I printed our agreement. Our do’s and dont’s, and how we act in front or everyone. Hindi naman siya nagreklamo dahil wala naman siyang sinabi pa at pumirma na lang din. “Kailan ito matatapos?” tanong niya sa akin matapos makaperma. Napahinto ako roon. Hindi ko rin kasi alam kung kailan matatapos iyon. Ang gusto ko lang ay tantanan na ako ni Mommy sa mga ginagawa niyang pagpili sa lalaking mapapangasawa ko at sa mga gusto niya sa buhay ko. Napalunok ako bago sumagot. “Kapag tinantanan na ako ni Mommy o…” humigpit ang hawak ko sa ballpen. “Kung kailan natin gusto… I will decide or… you can decide as long as we both want it. Kapag may umayaw na, e ‘di ayaw na.” simple kong explinasyon. “That would be great,” he responded with a smile on his lips. Agad na umikot ang mata ko dahil sa pagngiti niya. Bumalik ang tingin ko sa papel at pinirmahan na iyon. Wala na rin naman akong sasabihin pa sa kanya at wala na akong balak pang mamalagi sa opisina niya kaya nagpaalam na ako. “I’ll leave now, thanks,” sabi ko. Pinasok ko ang agreement paper namin sa loob ng dala kong bag. At akmang lalakad na ako ay muli niyang hinawakan ang kamay ko. Agad ko namang binawi iyon. Nakakailan na siya ha! Hindi ibig sabihin na ganito ay hahawakan na niya ako! At hello, kaming dalawa lang ang nandito at baka kung ano pa ang mangyari na hindi ko kayang pigilan. “What?” maldita kong tanong. “You will leave that fast?” Tanong niya na parang wala na siyang gagawin. Damn, he owned an empire. Malamang busy siyang tao at marami pa siyang gagawin! “Bakit wala ka na bang gagawin?” napatanong na lang ako. “I don’t have meetings today, I don’t have a plan—” napahinto siya sa pagsasalita dahil tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw ng kanyang office table. Nagkatinginan kami. “H’wag kang aalis, kausapin ko lang.” bilin niya sa akin bago kinuha iyong cellphone niya. Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan siyang sagutin ang tawag. Nakatingin lamang ako sa kanya habang seryoso siyang nakakinig sa katawagan. Is that an investors right? Business partners? Hindi naman siguro babae ‘yan! “Tell Keira I’m currently busy, did I tell you to clear all my meetings for today?” puno ng awtoridad nitong sinabi. Nanlaki ang mata ko. Keira? Clear all his meetings for today? Ano ba ang pumapasok sa utak ng lalaking ito?! I wanted to butt in and tell him that I should go. Pero nang akmang magsasalita na ako ay tinaas niya ang kanyang kamay para ipahiwatig sa akin na tumahimik ako. Wala akong nagawa kung ‘di ang bumuntong hininga at irapan siya. It took more seconds before he finally finish talking. “I should leave. I will call you if I need you but right now, I am not.” hindi na ako nagpaligoygoy pa. “You need my phone number?” he asks sexily. I can sense something about it. “Yup.” A smile formed on his lips. “Hindi ko bibigay kung hindi mo susundin ang gusto ko.” Sabi ko na eh! May gagawin to! Should I invade his privacy? Maghihire na lang ba ako ng hacker para makuha ang number niya? He looks so dangerous with that smile on his face. Parang ayaw kong kagatin iyon at baka ako pa iyong malason. “What do you want?” Since I’m already despirate wala na akong nagawa pa. I will do everything he want basta ay h’wag siyang umatras sa gusto ko. Gagawin ko naman ang lahat, h’wag lang iyong se-x. “Join me tonight,” Umuwang ang labi ko at nanlaki ang aking mga mata. Parang gusto kong hampasin siya ng dala kong bag dahil doon. Tan-ginang lalaki talaga ‘to! “I don’t want to have se-x with you excuse me!” masyadong defensive kung sagot dahilan parang gusto kong sampalin ang sarili ko. Umalingasaw ang tawa ni Lorenzo sa loob ng opisina niya. Dahan dahan itong lumapit sa akin. Tinaas ang kanyang kamay hanggang sa maglevel ito sa aking pisngi. He slowly remove the hair that blocking my face from his eyes. I flinched when I felt his warm hand wrapped on my cheeks. Should I slap him right? Or shout at him? Put-angina pero bakit hindi ko kaya? “Your hair is covering your pretty face, baby,” he said sensually almost making me bite my lips. “I want to kiss you right now,” aniyang nakatingin sa aking labi. “But you said you don’t want to have a se-x with me. I want your consent in everything.” Parang nanginig ang buong katawan ko. Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lamang sa kanyang mukha habang siya naman ay nakatingin sa aking labi. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, hindi ko alam kung tama ba talaga ang pinasok ko. “Pero hindi rin iyan ang gusto ko. It would help if you didn’t leave because I want you to be with me. Isasama kita sa planta, where the things that you love located.” Umiba ang ihip ng hangin at umiba rin ang expresyon ng aking mukha. Don’t tell me, he will bring the gold to me?! Hindi pa namin tuluyang napag-usapan ang lahat ng ito. Ni hindi ko pa nga nakausap si Cara kung matutuloy ba talaga iyon o hindi dahil wala pa akong natanggap na tawag mula sa kanya. “Really?” hindi ko mapigilang ma excite. “Yeah. Ano gusto mo pa ring umalis?” Agad akong umiling ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang palad niya sa pisngi ko. I want him to remove it but I don’t want to ruin everything… and somehow… I like his touch… “No, no, sasama ako sa ‘yo please! Sasama ako!” Umalis kami ng opisina ni Lorenzo. Gusto ko sanang hindi kami sabay para walang makahalata sa aming dalawa ngunit ang lalaking ‘to ay napakakulit. Gustong gusto niya talagang ma issue-han siya ng panibagong rumor tungkol sa kanya. Ayaw ko rin naman ng gano’n pero wala namang news na tungkol sa akin. My name is not making noise in that field kaya bahala na kung ano pa ang isipin nila. Kung masasapubliko man, sana ay makarating iyon kay Mommy. “Dinala mo sasakyan mo?” tanong niya habang nasa elevator kami. Exclusive siguro ito dahil naka lagay ang pangalan niya roon na siya lang dapat ang makakasakay. Damn, para talaga siyang hari sa kanyang ari-arian. “Yup,” “Iwan mo muna rito, sakin ka sasakay.” sabi niya at ngumisi. Agad namang umikot ang mata ko at hinampas na talaga siya ng dala kong bag. Natawa lamang siya sa ginawa ko. Sarap na sarap talaga siya kapag iniinis ako sa mga green jokes niya. Sumama ako sa sasakyan niya. His car smells like him. He owned a BMW car, this is the latest car, I guess. It screams million of money. Ano pa bang ine-expect ko? Siya na ‘yan eh. Sinuot ko ang seatbelt dahil parang siya pa iyong magsusuot sa akin. Dinig ko ang tawa niya dahil doon. Hindi talaga niya ako tatantanan. “Don’t have plans this evening?” he asks while driving. “Ano na naman? Dami mong request!” inis kong saad. “I have a party to attend, you are coming with me.” I face him. I don’t have a plan this evening but I want to stay at my condo and sleep because I want to have enough sleep this evening. “What?” gulantang na tanong ko. “Yeah, let’s start the plan. Bakit gusto mong patagalin na nagkikita tayo ng patago? I’m fine with that, I will visit you everyday until they found us dating.” Dating? But then, that’s a great idea. Going with him in a party, napakaraming tao ang naroroon at kapag nakita kami. Iingay ang lahat at sympre, they will post it on social media! That’s a good plan. “I will go with you, no need to visit me every day.” “I’ll still visit you, Baby.” Muling umikot ang mata ko. Kulit!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD