“Wow!” iyon na lang ang nasabi ko nang makita ang isang malaking building na maganda ang disenyo.
Pinasok ni Lorenzo ang sasakyan at mga empleyado siyang sumalubong sa amin. They didn’t look creepy at all dahil may mga ngiti rin sa labi nila. I can’t help but to smile too. Pumasok kami sa loob ng building, agad na tumambad sa aking ang malalaking machines.
I know some of it pero iyong iba ay bago lang sa aking paningin. Lorenzo was discussing about the process. Kung ano ang gagawin nila pagkatapos nilang makuha iyon at kung paano nila minumulda bago iyo ibigay sa mga consumers niya.
Napatakip ako ng labi dahil sa dami ng mga diamonds na naroon. Parang gusto kong kumuha roon at tumakbo paalis sa building.
Hindi ko mapigilang matawa sa iniisip ko.
“Don’t tell me, kukunin mo ‘yan at tatakbo ka.”
Agad akong napatingin kay Lorenzo. Napalitan ng inis ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Parang alam niya at nababasa nito ang kung ano man ang nasa isip ko!
Natawa na lamang siya at naramdaman ko ang kamay nyang pumalupot sa beywang ko. The staffs was looking at us, kaya gusto ko sanang kunin iyon ngunit hindi ko nagawa. Ayaw ko namang piliting kunin iyon at baka ano pang isipin ng mga tao rito.
Muli akong iginaya ni Carter sa isang silid na naroroon.
“Damn, I can get one? I’ll pay,” hindi ko mapigila nang makita ang iba’t ibang kulay ng gemstone.
They are raw. Parang bagong hulma lang talaga ang mga iyon.
“That’s ‘cause a lot,” aniya.
“How much then?”
“I don’t sell by pieces if you know that.”
Ay oo nga pala. Pero gusto ko talaga ang kulay purple, that is Amethyst. Napatingin ako sa paligid, sa bawat cabinet ay nakatingin ako sa kulay. They are shining so bright, I’m so in love with them right now.
“What the hell, you have Painite?!” muli pa akong napamura dahil hindi lang iisa ang naroon.
“Yup,” simple nitong sagot na parang hindi big deal sa kanya.
Agad akong napatingin sa kanya. “Lorenzo, you have Painite, the rare gemstone on the whole planet and it ranges from 50,000 to 60,000 dollars per piece. You have…” napatingin ako sa kabinet, “You have a lot!”
Sobrang saya ko habang sinasabi ko iyon. Iyong huling kita ko pa ng Painite ay noong auction. Gustong gusto ko sanang bilhin ang ring na iyon na may Painite pero hindi ko kinaya ang bidding hanggang sa nanging million dollars na.
Pinilit ko na lang ang sarili ko na h’wag ng pilitin dahil baka mamulubi ako kapag pinilit kong bilhin ngayon. And since that is the rearest gem, hindi gano’n kadali hanapin iyon kaya hindi ako makapaniwala na maraming narito sa kabinet sa loob ng building na pagmamay-ari ni Lorenzo.
“Magkano ang isa?” tanong ko, iyong pinakamaliit ang tinuro ko.
Ayos na iyon para sa singsing na gusto ko. Hindi ko naman kailangan ng sobrang laki, iyong maliit ay okay na sa akin. The important thing is, I have my own Painite. My dream stone. The bloody red will compliment all of my fits with that color gemstone.
“That’s only 9 million.”
Muli akong napatingin Lorenzo. I thought he was just kidding but by judging in his face, mukha siyang seryoso na 9 million iyon.
Meron naman akong ganyang kalaking pera pero kapag pinili ko ‘yan ngayon, bankcrupt ang aabutin ko. Kakasimula ko pa ngalang tapos malulugi lang sa isang Painite na gusto ko!
Napatingin ako sa gemstone. Nakanguso at nagdadasal na sana ay mabili ko iyon kapag nagkapera na ako.
“Pwede bang itago mo ang isa para sa akin? Pag-iipunan ko muna.” medyo nahihiya kong sabi. “Don’t worry, bibilhin ko talaga. You have 100 plus pieces, I just want one.” dagdag ko.
“Sure,” dinig kong sabi niya sa likuran ko.
Hindi na ako tumingin pa roon dahil medyo nasaktan ako na hindi ko nabili iyon. Nilibot pa talaga ko ni Lorenzo para akitin ako na makipagcollaborate sa kanya. And guess what, pumayag ako. Sayang naman kasi, napaganda ng offer at mukhang marami rin siyang mga producto na kaya ang launching kung mangyayari.
Talagang sigurado siya na kakagat ako sa gusto niya dahil may kontratang naroroon. Agad ko naman pinirmahan iyon matapos kong basahin ang kasunduan.
“You can have one Painite.”
Parang binusan ang buo kong katawan nang sabihin niya iyon matapos niyang permahan ang kontrata. His face was on the paper habang sinasabi niya iyon. Hindi na talaga ako nakapagpigil pa at hinawakan ko ang kanyang kamay para mapatingin siya sa akin.
“What? ‘Di kita narinig,” ani ko kahit na narinig ko naman iyon.
Gusto kong sabihin niya ulit iyon sa akin. I’m so excited and happy, na parang hinihiniling ko na lang ngayon ay mamatay na ako dahil sa sobrang tuwa.
“One Painite is enough?” tanong pa niya.
Mas lalo akong ngumiti. “Lorenzo, I can pay. 3 million?” sinubukan kong makipag-negosasyon sa kanya.
Hindi ko kayang libre lang iyon dahil dito. Okay, I was excited at first dahil nga libre lang pero hindi ko talaga kaya. Kaya ko namang magbayad pero hindi gano’n kalaki. Nagsisimula pa lang ako.
“Kaya ko namang ibigay,” aniya at ngumiti.
Parang natauhan ako sa pagngiti niya, binitawan ko ang mukha niya at lumayo. Parang lahat ng gawin niya ay namamanyakan ako sa kanya o hindi ko lang talaga maamin sa sarili ko na gwapo talaga siya tuwing nakangiti. Hindi ko na talaga alam, parang nasisilaw na ako ngayon sa kanyang mga kayamanan!
“3 million nga eh, kaya ko naman iyon. Ang hindi ko kaya iyong 9 million!” saad ko.
“Hindi ko nga kailangan ng pera mo, sasama ka naman sa akin mamaya, ayos na iyon pambayad mo sa akin.” sabay kindat pa niya.
Agad na umikot ang mga mata ko sa banat niya. Hindi naman siguro pumasok sa isip niya ang ganito no? Na dahil sasama ako sa kanya ay bibigyan niya ako ng ganoong bagay. Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa isip ng lalaking ‘to!
“Bulok na ‘yan style mo, Lorenzo.”
“Anong bulok? Di mo pa ‘yan narinig sa iba. I am the only one who can give you Painite, Darling.”
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa kanya. Ayaw kong matukso kaya mas lalo akong lumayo sa kanya. Damn, he was right, he is the only person who can give me that Painite since that gem are rare!
“Hindi mo ako makukuha sa ganyan, Lorenzo.”
“Okay, tara na alis na—”
Nataranta ako at agad na lumapit sa kanya. Hindi ko mapigilang mapahawak sa kanyang sleeves. “I want Painite…” nakanguso sabi ko.
Hindi ko talaga kaya. Gustong gusto ko talaga iyon. ‘Di bale na, babayaran ko naman siya kapag nakaluwag luwag na ako.
Natawa si Lorenzo sa inasal ko. Ramdam ko ang paghawak niya sa beywang ko at mas lalong humigpit ang hawak ko sa braso niya. Ayaw kong kumalas at baka iwan ako rito. Ayaw ko ring kumalas dahil gustong gusto ko talagang bilhin ang Painite.
“You want the gem itself or a ring Painite?” tanong niya habang inaalis ang buhok ko sa aking mukha.
Mas lalo akong na excite.
“May Painite ring ka?!” lumakas ang boses ko.
Tumango siya at parang inangat ako gamit ang isa niyang kamay habang nakayakap na ako ngayon sa kanyang braso. Tang-ina napakalakas!
Dinala niya ako sa isang sulok at muling nilapag. May maliit na vault doon at nilagay niya ang password at nabuksan. It has drawer inside. Isang drawer ang kinuha niya at iyon ay nasa pinakataas. Nilapag niya iyon sa lamesang naroroon at kaagad akong napatapik ng aking labi.
“Nasa auction ‘yan!” hindi ko mapigilang wika.
Iyan iyong sinasabi kong singsing noon sa auction na hindi ko kayang bilhin dahil sa sobrang mahal. Ang akala ko ay isa lang ang ganyan, tatlo pala dahil mayroon si Lorenzo ng gano’n. He loves gems stone too? Or kinukolekta lang talaga niya?
Ganon ba siya kayaman?
“Nasa million dollars ‘yan, Lorenzo!”
“Alam mo?”
Napatango talaga ako. “Naalala ko dati, doon ko nakita ang unang Painite. Gusto ko sanang bilhin iyon kaso lumaki ang amount. Kaya hinayaan ko muna. Don’t tell me ikaw nag nakabili non!”
“Hindi ako nakabili no’n.”
Sabi ko na eh!
“Pero nabili ko ng doble sa nakabili noon sa auction.” habol niya dahil para mas lalo akong nagulat.
Parang gusto kong bumitaw sa braso niya sa kanyang tinapat. Hindi ko na talaga kaya ‘to, hindi ko talaga siya ka-level!
Napakagat ako ng labi. Mabilis ang t***k ng puso ko nasa tingin ko ay ramdam niya dahil ang dibdib ko ay nasa braso lang din niya.
“I don’t think we can continue this plan—”
“Nasa gitna ang nakuha ko sa auction,” putol niya sa sasabihin ko, changing the topic. “The other two was made by Lawrence. Kaya medyo iba ang dalawa sa gitna, pero iyong dalawa ang medyo malaki dahil sinadya niya talaga.” he continue as he grabs the other one on the side.
Kinuha ni Lorenzo ang kamay kong nanginginig na dahil sa mga nalaman ko. Natawa naman siya dahilan para uminit ang buong pisngi ko. Hindi ko dapat nararamdaman diba? Dapat nga ay hate ko ang lalaking ‘to!
“I don’t think I can accept that,” sabat bawi ko sa aking kamay.
Ayaw kong isipin niya na kaya ako lumapit sa kanya dahil sa pera niya. Ayaw ko ring tanggapin iyon dahil baka isipin niya ay gusto ko lang ay iyong mga pagmamay-ari niya.
I’m not like that. Kakayanin kong bumili ng ganoon, hindi ako aasa sa kanya.
“Ibigay mo na lang ‘yan sa babaeng gusto mo o sa babaeng gusto mong samahan buong buhay mo kapag natapos na ang lahat ng ito.” mahinang sabi ko at dahan-dahan na kumalas sa kanya.
“That is why I’m giving this to you, Cassia.”
Umangat ang tingin ko dahil doon. Kita ko kung paano niya basain ang kanyang pang-ibabang labi bago ulit nagsalita.
“I mean, this could help us. Kapag nakita nila ito ay iisipin nilang sa akin nang galing, ako ang nagbigay. Iisipin ng lahat na may tayo, this can be part of the plan, Baby.”