00 - MBFG
“Cassia! Cassia! Cassia!” sunod sunod na tawag ni Kia sa akin pagkalabas ko ng conference room.
I’m trying to avoid her because I know that my mom is currently inside my fu-cking office and I’m tired of pretending that I always welcome her every time she wanted to see me.
“Cassia naman!” sabay hablot ni Kia sa kamay ko.
Because I am wearing my high heels, I could not run that fast. Kaya ko naman talaga pero dahil sa tiles na sobrang kintab pa sa dyamante ay baka ma aksidente pa ako at sa hospital ang tuluyan ko kakataboy sa Mommy ko.
“Cassia, she’s waiting for you.” mariing sabi ni Kia.
“Sabihin mong busy pa ako at may meeting pa ako. I could not face her right now, maraming problema ang nasa isip ko at baka tuluyan pa kaming mag away sa mga sasabihin niya sa akin.”
In a world full of good mothers, I ended up with a cruel one. Growing up with a lot of pressure, success, and no room for mistakes made me a strong yet fragile woman. Living with a well-known surname made me untouchable the reason why I don’t have a lot of close friends, except Kia.
“Cassia, ilang beses ko nang sinabi sa kanya. You know your mother, hindi aalis iyon nang hindi nakukuha ang gusto niya.” halos maiyak na ang kaibigan ko.
Parang alam ko na kaagad kung ano ang mga salitang binitawan niya roon. Kia is not just a friend of mine, she is also my secretary the reason why siya iyong palaging nasasabihan ni Mommy sa mga ginagawa ko. Kia is a strong girl, pero kapag si Mommy na rin ang kaharap niya ay parang natutunaw na yelo na kaagad siya.
“Dam-n, Mommy,” sabi ko at tuluyan ng pumunta sa opisina ko.
Pagkabukas ko ay bumungad kaagad siya sa akin. Naka upo siya sa couch, sa harap ng swivel chair ko. Kumikintab ang leeg niya at isama mo na rin ang hikaw niyang nakakasilaw dahil sa kintab at laki.
Nang makita ako ay kaagad siyang ngumiti. I gave her a smile too, a fake one. Kapag nasa harapan niya ako ay mabait ako. I was known for being a good girl, kaya halos sa buong angkan namin ay ipagmalaki nila ako ni Daddy. Kaya ito ako ngayon, lahat ng pressure pasan pasan ko sa balikat ko.
“Mommy! Anong ginagawa mo rito? Hindi mo naman sinabi sa akin na pupunta ka pala rito?” I said, cheerfully.
Kita ko ang pag-close ng pintuan at paglabas ni Kia ng opisina ko para bigyan kami ng pagkakataon ni Mommy na makapag usap. Wala akong ideya kung bakit siya naririto at hindi ko alam kung ano na namang panibagong kwento ang sasabihin niya sa akin.
“I visit your Dad a while ago, wala naman akong gagawin kaya binisita rin kita.” aniya.
“Sorry, I let you wait for so long. I was busy, Mom. May mga hinarap akong klyente kanina.” I told her.
She smiled like she won a lotto. I know, ipagmamalaki na naman niya ito sa mga amiga niya na may marami kaming investor at maraming klyente ang anak niya. But I can’t deny the fact that I made it. Totoong marami akong hinarap na klyente dahil masyadong sucessful ang mga new designs na ni-launch namin noong naraang linggo para sa isang jewelry collection na ako mismo ang nagdesinyo.
“You’re so good, anak. H’wag kang gumaya sa iba mong pinsan na palaging sakit ng ulo ang binibigay sa mga Auntie mo.” aniyang nakangiti at inayos pa ang buhok ko
Pilit akong ngumiti sa sinabi niya. I don’t know, it was so off saying that in front of your child. Pero kahit gano’n ay sanay na rin naman ako sa kanya, na palagi kaming kinukumpara sa isa’t isa.
“Thank you, Mom.” tipid kong ani.
Tumikhim siya at ulit bumalik sa pagkakaupo bago siya nagsalita ulit. “By the way, we have a dinner this friday. I want you to clear your schedule on that day.” sabi niyang may pormalidad.
Ramdam ko na naman ang kalabog ng puso ko. Sa tuwing sinabi niyang may dinner kami ay kakaiba iyong nasa isip ko. My sister just got engaged and they are now in the process of knowing each other.
Akalain mo iyon, ikakasal ka na sa mga susunod na buwan pero ngayon pa lang kayo magkakilala ng fiancee mo?
Ayaw ko mang tanggapin pero parang gano’n na rin ang kapalaran ko. Oo, nasa kasalukuyang taon na tayo na hindi na uso ang fixed marriage pero sa pamilya namin ay tradisyon na iyon. Simula sa mga pinsan ko papunta sa kapatid ko at mukhang ako na nga ang isusunod ni Mommy.
“I’ll try, Mom. May isang malaking kompanya kasing gusto kumausap sa akin sa araw na iyon, susubukan ko siyang kausapin ng maaga para maayos ang schedule ko sa araw na ‘yon.” alibi ko kahit ang totoo ay hindi ko alam ang schedule ko dahil na kay Kia pa iyon.
At sana hindi pa iyon nakita ni Mommy para makalusot pa ako sa kanya. Sa tuwing dinner kasi ang pinag uusapan natatakot ako.
“Sure, Anak. Just call me ahead of time,” aniya sa malambing na boses.
No, I won’t do that.
Napakagat ako ng labi dahil sa takot na baka masabi ko nga iyon. Nasa harap pa naman ako ni Mommy at nakakatakot talaga siya pag galit. Lalo na iyong si Ate, iyong ayaw niya sa lalaking unang pinakasundo sa kanya at sinubukan niyang tumakas. Halos hindi ko na makilala ang ina namin dahil ibang iba talaga siya magalit.
She may have a face of an angel but behind that, she’s a de-vil.
Though, I’m still thankful that she brought me into this earth. That I am able to experience all of the things that not all people experience. I am born wealthy, walang problema sa pera, kaya kahit gano’n ay thankful pa rin sa kanila ni Daddy.
“I’m leaving, Darling. I’ll call your sister about him and Fred.”
Hindi na ako nagsalita at tumango na lamang sa kanyang sinabi bago lumapit sa kanya para mahalikan sa labi. Sinamahan ko siya hanggang sa makalabas ng opisina ko at hindi pa ako kuntento roon dahil sinamahan ko talaga siya hanggang sa labas ng building.
My father’s building is on the other side lang din naman pero ayaw kong bumalik pa siya roon sa opisina ko at baka marinig pa ang pag uusapan namin ni Kia.
I waved my hand and let her walk papunta sa building na kung nasaan si Daddy. Bumalik ako sa loob ng building at kaagad na tinungo ang opisina ko. Pagkapasok ko pa lang kita ko na kaagad si Kia at inaayos ang schedule ko.
Tumakbo ako papunta sa kanya at tinignan ang ipad na may laman ng mga gagawin ko sa susunod na araw. Two remaining days before friday, I don’t think I can move the dinner. Mukhang wala na nga akong kawala roon.
“What is my schedule this coming Friday?” I ask Kia.
Ginalaw niya ang ipad at tinignan ang friday. Sabay kaming napatinging dalawa nang makita ang nakalagay doon.
College Reunion at Club Infern-o (7 pm)