“Anong nalaman mo?” usisa pa niya.
Agad akong umiling. Hindi naman iyon ang pinunta ko rito. I am here for a deal. Ayaw ko nang humaba pa ang usapan naming dalawa rito. Na bad trip na ako sa nakita ko.
“Are you sure that you don’t have any side girls or what?” diretsahan kong tanong, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.
I want this smooth like how I imagine it. Hindi iyong maiipit ako dahil sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Hindi niya man aminin sa iba, alam kong marami siyang babae, at maraming babae ang umaaligid sa kanya. Naghihintay na mapansin niya.
Every girl wanted him!
Kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Hindi siguro inasahan ang magiging tanong ko. Akala niya siguro ay nakalimutan ko na iyon.
Akmang tatayo na sana ako paalis nang hinawakan niya ang aking kamay at muli akong pinabalik sa aking inuupuan. Dinig ko ang pagtawa niya na animo’y nasisiyahan sa nangyayari. Dapat talaga hindi ko na hinarap pa ang lalaking ito.
Kung hindi lang sa painag-usapan nila Mommy kagabi ay hinding hindi ako haharap sa kanya at pupunta sa sarili niyang pang opisina.
I rolled my eyes as I seat back. ‘Di na lang sagutin ang tanong ko para tapos na eh.
“I don’t have girls, okay?” kumbinsi niya sa akin.
I want to dig more about his love life kaya tuwid akong umupo sa harapan niya. Gusto ko muna siyang usisain ang buhay pag-ibig niya. If he will not going to answer it, then its fine. Hindi ko naman siya pipilitin, the only thing that I want to know is walang sabit sa amin. Hindi papalpak ang plano.
“Can I ask a few questions?” panimula ko.
He was still smirking. I can’t read what’s inside his mind and its kinda annoying!
“I won’t answer your questions,” he answered simply, mas lalo akong nainis kaya muli akong napatayo.
This man was teasing me. I can’t believe I waste precious time with him.
“Napaka-seryoso mo naman. Okay, I’ll answer your questions but please don’t sell it to the press or media,” aniya pang natatawa.
Pinigilan niya ako sa pag-alis at muli akong pinaupo at hinarap. I crossed my arms and rolled my eyes at him. Pinapahirapan pa talaga ako, hindi na nga ako mapakali rito!
“Hindi ko gagawin ‘yon!” maldita kong pabalik sa kanya. “I want to know you more that is why I’m asking a few questions. Kung ayaw mo ay ayos lang naman sa akin. There is a lot of men that are welling to help me.” I lied, there none.
I’m not that sociable. I am more focused on myself and my work. I rarely talk to boys except when it's all about work.
The only boys I knew were my cousins. Fu-ck this life.
“I’m willing to help too.”
“Kaya sumeryoso ko! I don’t want to enter your life when you are already with someone. Ayaw ko ng gulo.”
He is now serious. Thank God. Akala ko kailangan ko pa talagang magmakaawa sa kanya apra lang sumeryoso siya.
“I am not with someone,” he said with finality and he was serious about it kaya nakahinga ako ng maluwag.
Tumango na lamang ako. Gustuhin ko mang paaminin siya ay wala rin naman akong magagawa dahil seryoso naman talaga siya.
Umupo ako na parang nakikipag-deal lang sa mga klyente ko. Inayos ko ang aking suot na damit bago nagsalita.
“Since we are still strangers to each other. Magpakilala muna tayo. I know, it sounded so cheesy but I want to start it formally. Alam kong kakakilala lang natin at…. s-something happened… that was the reason why I want to push the deal.”
Tumango tango lang siya at seryosong nakatingin sa akin. I stuttered at when I remember the night we had s-ex. Hindi naman iyon big deal sa kanya dahil hindi naman siya kumibo. And I guess that is a good thing kasi hindi siya gano’n ka sentimental.
If I want to end this, mabilis lang iyon dahil hindi siya madaling ma attach and same with me…
“Honestly, you are new to me. I never heard your name in this industry. Kaya gusto kitang makilala. I want to know the man that I’m dealing with.”
Umiwas ako nang tingin dahil masyadong matagal na pala kaming nagtitigan. He extended his arm to me.
“Nicholas Lorenzo Vitale, I started my business back in Dubai but I moved here for good. My Mom is a Spanish Filipino and my Dad is an Italian. I own a shipping line, and mining, and an investor with different tycoons. H’wag ko nang isa-isahin baka magabihan tayo rito. I graduated in business and architecture. I’m 28…” he pauses before he licks his lips, parang nag-iisip pa siya ng mga sasabihin niya.
“You’ve never been into a relationship? You’re old.” komento ko.
Masama niya akong tinignan. “I’m only 28, darling. Pero kasama pa ba ‘yan?”
Masama ko rin siyang tinignan, hindi nagpatalo. “Bakit di mo na lang sagutin?”
Muli akong nainis sa kanya.
“I’ve been with girls before,” he finally answered.
“Longest relationship?” muli kong tanong.
“Seriously?”
Tumango ako, hindi nagsalita.
“Are you in a magazine or something? Are you spying on me now?”
Umikot ang mata ko sa pag-iinarte niya. Mahirap bang sagutin iyon? Hindi ako sumagot at nakatingin lamang sa kanya. Bumuga siya ng hangin at parang wala ng magawa kung ‘di ay sabihin na lamang ang totoo.
“Four years.”
Dang, matagal na ‘yan. Sa generation ngayon wala ng tumatagal na ganoon. Rare na lang talaga kung makaabot ng taon.
“Baka tanungin mo pa ako kung paano kami nagbreak.” sabay ikot ng kanyang mata.
“I won’t.”
“Thank God,” I heard him whisper.
Muli akong nagtanong sa kanya sa bagay bagay. This time was about his business. I’m interested too with his proposal about the gold and such. I will buy it with the original price, hindi iyong presyo na sinabi niya kagabi.
“Okay last question,” I let out a breath. “Why haven’t you been in an interview if you could answer the questions seriously?”
A smile formed in his lips. He leaned forward towards me kaya napaatras ako. I already tasted that lips, it was tempting to kiss him again. Agad ko namang pinikot ang sarili ko dahil sa mga pumapasok sa isip ko.
Damn it. Hindi ito okay, right?
“Nagresearch ka ba tungkol sa akin?”
I wanted to lie, pero mukhang hindi na iyon uubra sa kanya. Sa mga tanong ko sa negosyo niya, sa buhay pag-ibig niya. Lahat ng iyon ay konektado sa mga nalaman ko kanina at kagabi. I nodded my head and I bit my tongue to stop myself from speaking.
“You are that curious about me, huh?”
Napakahangin!
Tinulak ko siya pabalik sa kanyang inuupuan at inayos ang buhok ko.
“Kailangan ko ng background check para malaman kung suitable ka ba sa gusto ko. At ayaw ko namang pumunta ng gyera na walang alam ‘no! Napakahangin mo!” I sounded so defensive but I don’t really care.
“I don’t do interviews ‘cause I don’t want them to invade my privacy. Just like you, hindi ka rin napapa-interview diba? Kahit iyong bagong launch mong collection. You just drop an article on how you came up with the designs, on how you chose the field of being a Jeweler.”
I guess, hindi lang ako ang nagreseach background sa aming dalawa. We both curious with each other. Sympre, we are just checking kung tama ba itong pinapasok naming dalawa.
I get his point at tumango tango na lang ako. Bumalik kami sa totoong pakay ko. Mabuti naman at nakikipag-cooperate naman itong si Lorenzo at hindi complicated kausap. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoong dahilan, sinabi ko lang ay kailangan ko siya dahil kay Mommy. He didn’t ask for me, baka nakuha niya rin iyon dahil mayaman din naman siya and arrange marriage is really existing in our field.
“I do have do’s and dont’s while we are fooling… or pretending in front of everyone. I do believed that you have a good manner, kahit na sa ilang clips mo sa social media ay masyado kang snobber!” panunutya ko na ikinatawa lang naman niya. “Again, do’s and dont’s.” paalala ko.
“Okay, spill,”
“Do’s – you can touch me in front of everyone but in a respective way. We can be sweet in front of everyone. We can act like a couple in front of everyone. Dont’s – Stop being clingy when we are together. Kapag tayo na lang pwedeng hindi na tayo magtabi o kahit ano. We will stop acting when we are together.”
“How about the kiss?” he inserted.
Nanlilisik na tinignan ko siya. We already kissed, ayaw ko naman sabihin na nahihiya ako o ano. Wala ng lugar iyon ngayon, masyado na akong desperada.
“No kiss when we are together. No cuddles when we are together… No se=x.” dugtong ko.
“No se-x?” tumaas ang kilay niya at naninigurado pa talaga baka sakali ay pumayag pa ako.
“No se-x.”
“No se-x, but we can kiss?”
Agad na umikot ang mata ko sa kanya. “No se-x, but we can kiss… when in front of everyone.”