Inayos ko ang strap ng suot kong fitted dress habang nakatingin sa malapad na salamin sa loob ng aking silid. Masyado ko talagang hinandaan ang gabing ito dahil sa plano ko. Ayaw ko namang magmukhang hindi kaaya-aya roon at baka wala akong makuhang lalaki at walang maiharap sa pamilya ko.
Ayaw kong matuloy ang plano ni Mama na ipares ako sa mga lalaking hindi ko gusto. Wala rin sa isip ko ang mag-asawa lalo na’t ang atensyon ko ay nasa kompanya. Kailangan kong planuhin ang lahat ng ito.
“Ayos na ba ang suot ko?” tanong ko Kia.
She is here too. Kanina pang hapon at maraming binilin sa akin. Hindi kasi siya makakapunta dahil marami raw siyang gagawin at uuwi rin sa magulang niya mamayang gabi. Buong linggo ay kasama ko si Kia, gusto rin naman siyang bigyan ng malayang buhay na malayo sa akin.
At isa pa, ayaw ko rin siyang makasama roon dahil baka ano pang magawa ko. Mahilig kasi akong sumunod kay Kia, kaya hindi ako nakakawala sa mga kahihiyaan dahil sa kanya na akala ko naman ay magandang plano.
But this one, is the best one. Maganda ang naisip ni Kia sa planong ito, nasa tingin ko naman ay uubra.
“Keri na ‘yan, kaya lang masyadong mataas. Ipakita mo cleavage mo! Ibaba mo ng kaunti, paano ka makakahanap ng lalaki doon?” agad niyang sabi sa akin, tumayo mula sa pagkakaupo at inayos ang harapan ng damit ko.
Agad ko namang tinabig ang kamay niya at umikot ang aking mata dahil sa ginawa niya. Wala siyang sinabi mula kanina kundi ay ang magpa-sexy ako o magmukhang seduc-tive. Kaya ko naman talaga eh.
This is a fitted dress. My curve and cleavage are showing! Hindi ko na kailangan pang itaas ang dibdib ko dahil maayos na iyon!
“Maayos na to eh!” inis ko sabi.
Natawa lamang siya at parang inaasar lang talaga ako. Muli akong humarap sa salamin at inayos naman ang aking buhok. Nang tuluyang matapos ay sabay kaming lumabas ng condo ko. She drove me until the club Inferno.
The clubs name is already scary, ano pa kaya ang nasa loob no’n? Pero hindi naman ako gano’n katakot dahil kilala ko naman ang may ari ng club at nakakasalamuha ko naman sa iba’t ibang events kaya hindi na iyon bago sa akin.
“Just call me if you need anything, okay? Iyon plano mo ang nasa isip mo at hindi ka pumunta rito para uminom ng todo at hindi ma kauwi! Pero kung gusto mong sumaya, go lang basta mag taxi ka pauwi at hwag ka nang magnahino pa.” bilin ni Kia.
Tumango ako sa kanya bago nagsalita. “Yes, call me too kapag naka-uwi ka na.”
Hinintay ko munang makasakay ng taxi si Kia bago ako tuluyang pumasok sa loob. Medyo may kalakihan ang club at hindi naman ito ang unang pasok ko rito. Nanibago lang ako sa dami ng tao. Hindi naman na ako late at masyado pang maaga para sa ganitong kadaming tao.
Habang papasok ay doon ko lang din napagtanto na friday night pala, dagsa ang tao tuwing friday night dito dahil walang trabaho at pasok kinabukasan.
Hinanap ko ang table ng mga college batchmates ko, hindi naman ako nahirapan dahil may kung sinong sumigaw ng pangalan ko at paglingon ko ay may nakita akong mga pamilyar na mukha. Mabuti nalang talaga at nasa pinakatabing parte sila.
Personally, I don’t like the ground floor. Nandito kasi ang dance floor at maraming tao ang narito kumpara sa itaas pero dahil nasa pinakagilid iyon, maayos lang iyon sa akin.
Ngumiti ako bago ako tuluyang lumapit sa kanila. Agad akong niyakap ni Pamela. I remember her, siya lang iyong medyo close ko siya noong college dahil siya palagi ang nakakasama ko. Halos ng narito talaga ay kakilala ko, pero may iba naman na hindi ko na natatandaan pa.
“Good to see you again, Cassidy! Damn girl, you are so hot!” puri niya sa akin nang makarating ako sa pwesto nila.
May kung sinong tumayo para makaupo ako sa sofa. Mabuti na lang talaga at hindi pa gano’n masyadong maingay dahil wala pang dj na tumutugtog. Hinihintay pa nila na madami na talagang tao bago magsayahan.
“Naalala mo pa ba kami, Cassidy?!”
Hindi na ako nakasagot kay Pamela dahil may kung sinong nagtanong. Paglinong ko si Rico iyon, or I must say Rica. She is now a girl! Naalala ko pa dati sila iyong maingay sa likuran tuwing klase namin at mas busy pa sa pagpapaganda keysa makinig sa prof namin.
Ngimiti ako. “Oo naman, hindi kita makakalimutan.” ani ko sa kanya.
Isa-isa kaming nagpakilala sa lahat dahil may mga taong naroon na sa kabilang block. Malaki ang campus namin dati pero kaunti lang sa kurso namin dahil medyo malaki talaga ang tuition doon.
“May pamilya ka na ba, Cassidy? Dinig ko ang success ng bago mong jewelry brand, I would like to buy one of your collection!” masayang wika ni Pamela.
This is the reason why I love hanging out with her. Nababasag niya ang tahimik at nakakapagod kong buhay dati dahil sa daldal niya.
“Wala pa akong pamilya, wala pa akong balak. Bibigyan kita ng discount kung bibili ka.” sabay ngiti ko sa kanya. “Ikaw may pamilya ka na ba?”
Hindi agad siya nakapagsalita dahil may kung sinong umabot sa kanya ng inomin at kahit maging sa akin.
“I don’t have. Busy pa ako sa work, kakadating ko lang din galing ibang bansa.”
Pamela is from a great family with a good reputation in business. I remember those day na nagmamadali siyang umuwi dahil papagalitan daw siya ng Kuya niya at mayroon silang pupuntang business party.
Masyadong napaganda ang usapan namin ng mga kakilala ko roon at kanya kanya kaming lagok ng iniinom naming. I don’t know, if I have high tolerance in alcohol pero hindi ko pa talaga ramdam iyon sa buong katawan ko kahit nakailang baso na ako.
Tumayo kami ni Pamela at nakisama sa ibang mga kilala namin at doon nakisaya. I was an introvert during college kaya maraming nagulat sa pagsama ko sa kanila.
Nang lumakas na ang tunog at may dj na rin doon na nagsigawan ang lahat. It was really fun, nakalimutan ko lahat sa labas ng Club Inferno at gusto ko lang ay sumaya. Isama pa ang tawa ni Pamela na nakakadala talaga.
Gumanda ang music ng DJ at kanya-kanya na kaming hatak sa isa’t isa para tumungo sa gitna. Hinatak ako ni Pamela kasama ni Shairra at doon na sumayaw. I saw Jerry, iyon super hate ko dati dahil masyadong gwapo sa sarili kahit hindi naman talaga.
Lumapit siya sa amin at doon na rin sumayaw. I was really to avoid him when I feel his hand around my waist. I tried to remove it and It was success. Marami ng mga kalalakihan doon sa gitna ng dance floor.
Pagkadilat ko ay wala na si Pamela at Shairra doon. I was about to remove myself from the crowd when a lot of youths joined the dance floor. Hindi na ako makalabas roon mabuti na lang at may natira pang mga kakilala ko roon. Binigyan nila ako ng alak at kaagad ko naman kinuha iyon.
It was good at first, ngunit hindi ko na talaga naintindihan pa kinalaunan dahil sa iba’t ibang taong humahawak na sa akin katawan. I was trying to remove it. Pero kapag natanggal naman ay may bumabalik rin.
“Stop touching me!” singhal ko ulit kay Jerry.
Hinampas ko pa ang dibdib niya dahil sa ginawa niya ngunit natawa lang ang gago.
“Fuc-k you! I said don’t fuc-king touch me!” singhal ko ulit sa kanya ng hindi niya ako sinunod.
I was about to punch him again when someone hold my arm. Naiwang nasa ere ang kamay ko dahil sa pangyayaring iyon. Sinubukan kong kunin ang kamay ko pero hindi nagawa iyon dahil sa pagkakahawak niya.
Umirap ako at napalingon dahil sa inis. Agad na nagdugtong ang kilay ko nang tuluyang makita kung sino ang nagtigil sa akin.
Hindi ko naman to kilala bakit nakikialam!
“Bitiwan mo ‘ko!” sabi ko at tuluyang nakawala roon.
Kahit mahirap makaalis doon ay pinilit ko talaga hanggang sa nakabalik ako ng upuan namin. Nilapitan kaagad ako ni Pam ng makita ako.
“Hala, sorry. Hindi kita mahanap kanina masyadong maraming tao.” aniya na ikinailing ko na lang.
Dahil sa inis sa nangyari, sunod sunod ang pag inom. Maging sila Pamela ay nagulat din sa ginawa ko. Wala na akong pakialam pa doon at tuloy ako sa pag inom. Ako pa ang nagyaya sa lahat na pumunta sa dance floor dahil medyo kakaunti na lang ang karoon.
We danced and had fun. It’s been a while since I drank a lot like this.
Habang nagsisiyahan ay paunti na kami nang paunti hanggang tuluyang umuwi sila Pamela. Doon ko na ginawa ang plano ko. Kahit na medyo naguguluhan na sa nangyayari ay tumingin ako sa paligid nang maayos na tao.
In our circle, I already knew the boys. Walang maayos doon kaya ekis silang lahat.
Muli kong inikot ang mata ko hanggang sa nakita ko ang may ari ng club at lumapit ako sa kanya. Pa-ekis-ekis na ang lakad ko pero wala akong pake.
Paano kaya kung siya na lang? I never heard him with girls before and he looks good naman.
Aydin looks fresh with his suit and well-styled hair. Nang tuluyan na akong makalapit ay may nakita akong pamilyar na mukha. Kagaya niya, naka suit din ang lalaki at mukhang kakagaling lang din sa trabaho. They are both holding a glass of whiskey, seriously talking something deep, and I want to ruin that.
“Aydin!” sigaw ko para makita kaagad ako.
Sabay silang napalingon sa akin.
I smiled sweetly. This is it!