01 - MBFG

1202 Words
“I should tell her or not?” naka ilang tanong na ako kay Kia, hindi ko alam ang gagawin ko. I’m already old enough to stand for myself pero pagdating talaga kay Mommy ay nanghihina ako, masyado talaga akong takot sa kanya pero may mga pagkakataon din namang nakakaligtas ang mga alibi ko sa kanya. “You should, you should. Alam mo naman ang gagawin no’n sa’yo. She will pair you with someone na hindi mo naman kilala. Kilala mo naman ang dragonitang iyon.” sulsol pa ni Kia sa akin. Yup, she’s a dragon. Dragonita talaga iyon kapag hindi nasusunod ang gusto niya. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko hinarap si Kia. Good mood kanina si Mommy at may possibility na good mood din siya hanggang ngayon. Unless when one of our maids made mistake, doon na naman iyon bubuga ng apoy. Good thing that I can tamed her despite that I always taking behind her back, how cruel she is. Kinuha ko ang cellphone, tumikhim, bago ko pinindot ang pangalan ni Mommy. Mas lalong dumikit si Kia sa akin kahit naka loud speaker naman iyon. “Mom…” nag-aalangan kong tawag sa kanya. “Yes, hija, you want something?” she asks, yep she’s in a good mood. Napatingin ako kay Kia bago ako nagsalita. “Can I tell you something, h’wag po sana kayong magagalit sa akin…” mahinahon kong ani. “Of course, Darling. What is it?” She’s calling me Darling! She sounded happy too. F-ck, I might ruin it because of my alibi but I don’t wanna be on that dinner. I don’t want to be fixed with someone. Ako mismo ang pipili sa lalaking gusto kong pakasalan, hindi siya, hindi sila. Ako. Ako. “Mom, I have a very important event to attend this evening. I think, hindi ako makakadalo ng dinner tonight.” My heard pumping so loud that I can feel it touching my ribcage. Nang marinig ko ang halakhak niya ay sabay kaming napa ‘yes’ ni Kia. That means that she is fine with my alibi. Which means papayagan niya ako hindi makadalo sa pagsasalong iyon! “It’s okay, Darling. Our guest had an emergency, tatawagan na rin sana kita. They will rescheule the dinner, I’ll inform you na lang.” Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Ibig sabihin no’n tuloy pa rin talaga at hindi lang ngayon dahil nagka-emergency ang pamilyang iyon! F-ck, kailangan ko na naman ng panibagong alibi para sa susunod na dinner na iyon! Pot-angina talaga, gusto ko ng makawala! “Anak, are you still there?” her sweet voice filled my ears. “Yup, Mom. Okay, just inform me right a head so I can clear my schedule.” sabay ikot ko ng aking paningin dahil hindi ko naman gusto ang sinabi ko. Pagkatapos niyang magpaalam ay kaagad kong binaba ang tawag niya. Napatayo ako sa aking kinauupuan bago akong muling napatingin kay Kia. Kailangan kong makaisip ng gagawin ko para hindi ako masali sa fixed marriage na iyon. I saw my sister happy with Fred, but I won’t. Hindi ko talaga iyon kahit na pilitin kong mahalin ang isang taong hindi ko mahal ay hindi ko talaga kaya iyon. Hindi ako kagaya ni Ate, hindi niya ako kagaya na magiging sunod-sunuran sa lahat ng gusto ng magulang namin. “What’s the plan?” Kia asks. Napakagat ako ng aking bibig. Kailangan ko talagang makapag isip bago ako lumabas ng kompanyang ito. Any time soon, tatawag na naman si Mommy para sabihin ang susunod na schedule at kapag nagkataong clear ang schedule ko, malamang sa malamang magagawa talaga niya ang binabalak niya! Pabalik balik ako sa loob ng aking opisina habang nag iisip. Napatili ako at napahawak sa sariling buhok dahil wala talagang pumapasok sa isip ko. Lahat ng posibling alibi ay nasabi ko na kay Mommy, hindi ko alam kung paniniwalaan pa ba niya ako sa susunod. “I have an idea!” si Kia sabay taas pa ng kamay niya. God, good thing she’s here. “What is it?” kaagad kong tanong. Lumapit siya sa akin dala ang ipad na may lamang schedule ko at tinignan iyon isa isa. “You have a lot of fine looking college batchmates, Cassia. Ang iba ay na-stalk ko na sa mga social medias all I can say they are all successful and have a good reputation.” Kumunot ang noo ko. Tama siya, halos lahat ng mga classmate at batchmates ko ay halos lahat sucessfull sa buhay pero hindi naman sila ang gusto ko. I knew some of them, their reputation in business must be clean but in girls? They are dirty as f-ck! “What’s your point, Kia? Pwede bang tirahin mo na lang ang gusto mong tirahin.” inis kong sabi. Frustrated na frustrated na ako sa araw na to dahil sa ina ko tapos dinadagdagan niya pa. “What if, you’ll find one boy inside Club Inferno to be as your fake boyfriend para sa gano’n ay tinigilan ka ng Mommy mo ipares sa mga lalaki ayaw mo naman talaga.” Napahinto ako at nag isip ng kung sino man sa kilala kong lalaki ang matino at kayang sakyan ang suhesyon ni Kia. “You can act as his fake girlfriend and he can act as your fake boyfriend.” Napahinto ako at napaupo pabalik sa sarili kong upuan. That’s a brilliant idea. Pero papaano ko naman gagawin iyon? Paano ako makakahanap ng lalaki matino sa loob ng club na iyon. Knowing na halos lahat ng umiinom doon ay kung hindi mga kabataan ay mga bilyonaryong may malalaking kompanya, mas malaki pa sa kung ano ang mayroon ako ngayon! “Alam mo naman ang umiinom doon, Kia,” ani ko. Umikot ang mata niya. “Kaya nga, mga taong naroon ay mga taong hindi naman talaga mahilig sa seryosong relasyon. Makakabingwit ka ng isang lalaki na kayang sakyan lahat ng gusto mo dahil hindi naman lahat ng naroroon ay stick to one!” pangaral pa niya. “Iba roon ay anak ng politiko o ‘di kaya ay bilyonaryo, milyonaryo—” “Gaga, alpha woman ka naman ah. Kaya mo silang higitan sa totoo lang. Kayang kaya mo sila. Piliin mo lang iyon taong hindi hayok!” gigil na gigil nitong sinabi, kitang kita ko na ang ugat sa leeg niya. “Hayok?” litong tanong ko naman. “Hayok sa se--x, Cassia! Some of them offered no string attachment. Iba roon binubomba ka lang tapos after no’n iiwan ka rin naman. Iyong iba naman magaling sa kama—” “Stop it!” awat ko. “Alam ko naman iyon, alam ko ang lahat.” “Kaya nga pipili ka ng matino. Iyong maayos na ihaharap mo at kaya kang sabayan kapag nasa harapan na ng parents mo!” Bumuga ako ng hangin. May punto rin naman siya. Men inside that club didn’t really believe in love. Ayos na siguro iyon para mas lalong gumanda ang planong ito. “Ilabas mo ang cleavage mo mamaya, iksi—” I covered her mouth. “I can handle it, kaya kong makahanap ng lalaking sasakay sa plano ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD