Inayos ko pa ang buhok ko bago ako sumampa sa high chair para maabot si Aydin. I looked at the man beside him, kaagad na umikot ang mata ko nang magtampo ang aming mga mata.
Damn, I hate him already kahit kakakita lang namin.
Muli akong tumingin kay Aydin.
“You look so nice today,” I tried to flirt.
Pero mukhang ibang expression ang binigay sa akin ni Aydin.
Tangina naman.
Gusto ko na lang masaksak sa mga oras na iyon. Mabuti na lang talaga at may kung sinong dumaan at kinuha ko ang isang iinumin doon. Aangal pa sana ang waitress pero nang makita si Aydin ay yumuko na lang at kumuha ng panibagong alak para sa customer nila.
“You don’t have work, Cassia?” tanong niya sa akin.
Hanggang diba ba naman trabaho pa rin?
I am trying to find a good man to face my family, especially my mom!
“I don’t have. Wala rin bukas, bakit?” My voice was so girly that I couldn’t imagine I own that.
Dinig ko ang pagtawa ng lalaking nasa gilid niya kaya napatingin ako roon. Hindi ko nga ‘to kilala pero nakikisali sa usapan namin at talagang may balak pang sirain ang plano ko kay Aydin.
“Can you please leave us alone?” maldita kong sabi.
Napahinto ang lalaki at tumaas ang isang kilay. “Ikaw ang umalis, istorbo ka sa pinag-uusapan namin.” aniya pabalik na ikinagulat ko.
His aura is different. He has dangerous kind of face…and his eyes… kulay blue iyon na kakaiba dahil masyadong light. At ang kilid ay parang may gray. Kung hindi lang talaga madilim dito ay kitang kita ang ganda no’n.
“I know I’m handsome.”
Agad akong naubo at ininom ang tequila’ng nakuha ko kanina. I heard Aydin chuckled.
Fu-ck wait, he chuckled?!
“Hindi ikaw ang gusto ko,” ani ko sa lalaking iyon.
“You are already drunk, Cassidy. Where’s your car? Sino ang kasama mo?” sabay tingin niya sa paligid.
“My batchmates are already gone and they left me here but I’m fine. You are not flirting back with me, I guess you are interested in someone else.” I said with a hint of a hurting voice before I jumped from the high chair.
Aydin tried to stop me but I was hard headed. Bumalik ako sa kinauupuan namin kanina at tinuloy ko ang paghahanap ng lalaki. It was fun watching boys and judging them on my mind when someone blocked my sight.
Iyong gitna niya ang kita ko kaya naiinis kaagad akong. Pagkataas ko ng tingin ay mas lalo akong nainis.
“Ayaw mo ba akong tantanan?!” singhal ko halos lumabas na ugat sa leeg ko.
“Are you looking for someone?” he asked back and sat beside me.
I smelled his expensive perfume. Dahil doon ay umusog ako nang sumusog hanggang sa pinakagilid na ako ng upuan. I saw him smirking because of what I did. Baka iniisip na ng lalaking ito na baliw ako.
Gosh, I am too pretty to be like that.
“Can you please leave me alone? Sinira mo na ang sa pagitan namin ni Aydin, h’wag naman sa iba!” sigaw ko dahil malayo kami sa isa’t isa at sobrang lakas ng music.
Hindi niya siguro narinig iyon kaya lumapit sa akin. One of his hand was still holding a glass of whiskey while the other one was inside his pocket. Nilapag niya ang baso sa mesa at kinuha ko naman ang akin at kaagad nilagok iyon hanggang sa maubos.
Fu-ck, I will regret this tomorrow.
“What did you say?” medyo lumapit pa siya sa akin, lumebel ang kanyang tenga sa akin labi.
The male scent was directed into my nose. His expensive perfume and the whiskey occupied my scent, which even made me dizzy for a second.
Tinulak ko siya ng kaunti.
“I won’t repeat what I said. Leave me alone!” I said with full of annoyance in my voice.
Hindi siya nakinig sa sinabi ko. Kinuha niya ang whiskey na nasa lamesa at iyon ang ininom habang na ka sandal sa inuupuan namin. Masyado rin siyang malapit sa akin at gustong gusto ko na talagang umalis doon pero kaagad na bumalik sa isip ko ang pinunta ko rito.
Hinawakan ko ang suot niyang polo’ng puti na lang ngayon. Nakatupi iyon hanggang sa siko niya. Mahina kong hinila iyon at kaagad ko namang nakuha ang atensyon niya.
“Babaero ka ba?” diretsahan kong tanong.
Agad na kumunot ang noo niya. Hindi niya siguro na rinig iyon kaya mas lalo akong lumapit. Lumebel na ngayon ang aking labi sa kanyang tenga. I am not kneeling in the sofa as I tried to reach him.
“Babaero ka, tanong ko!” sigaw ko.
Napapikit siya dahil sa sigaw ko at nasa tenga niya pa mismo. Hindi ko mapigilang matawa roon at umupo ng maayos. I am wearing a dress for pete’s sake at baka ano pang isipin ng mga tao rito.
“Why?”
Tumaas ang kilay ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko.
“Then, leave,” I said.
Nagtinginan lang kaming dalawa at mukhang wala siyang balak na umalis. Dahil doon ako na ang tumayo. Akmang aalis na sana ako nang hinawakan niya ang kamay ko at binalik ulit ako sa pagkakaupo.
Bumakas ulit ang galit at inis sa mukha ko.
“You are so annoying!” pagalit kong wika.
“I don’t have any girls, hindi ako babaero.” ngayon ay sinagot na niya ang tanong ko.
That is good to hear. Tumango ako at umuorder pa talaga ang alak kahit na ramdam ko ay hindi ko na kaya.
“Aydin was right, you are drunk, you should stop drinking. Umuwi ka na.” I heard him say.
“I am not done here, I need someone. It was supposed to be Aydin, pero dahil panira ka hindi ko na lang nagawa ang plano ko.” sabay hablot ko sa panibagong tequila.
“You are not even good at flirting,” he fired back.
“Excuse me?!” halos umusok na ulong ko. “I am good, watch and learn.” sabay lapag ko ng baso.
Muli akong tumayo at aalis na sana nang muli niya akong pigilan at binalik sa pagkakaupo.
“What?! Hindi ko pa nga nagagawa!”
I cannot believe I am dealing with this man.
Ni ilang oras pa lang kaming nagkita. I didn’t even know his name! Malamang sa malamang alam na niya ang akin dahil narinig na niya iyon kay Aydin kanina.
“Flirt with me then, show me your skills.”
“Sino ka ba?”
Hindi ito ang gusto kong mangyari. I already planned this out and it turned into a disaster because of this man. He looked so unreachable, his face screamed danger, his aura slapped me with how rich he was, and the way he approached me right now showed how he could easily get his girl.
Hindi ako naniniwala na hindi siya babaero, na walang babaeng lalapit sa kanya na kakandong ng walang saplot. Kaibigan niya rin si Aydin, dinig ko rin ang babaeng nakakalamuha no’n.
“Lorenzo…Lorenzo Vitale,” he said his name.
Napakagat ako ng labi. That name screams wealth!
I already heard his surname somewhere pero hindi lang ako sigurado kung saan ko iyon narinig. It sounded so familiar that I couldn’t even remember where I heard that from.
Inabot niya ang kanyang kamay sa akin. Nagdadalawang isip pa ako bago ko tinggap iyon. Wala na akong nakitang maayos dito kundi siya lang, kahit na babaero siya ay ayos lang iyon basta’t hindi niya naman ipapakita in public.
Wait– what?! Bakit iyan na ang nasa isip ko?! For sure hindi naman ito papayag si Lorenzo!
“I’m Cassia, Cassia Lozano.”
I saw a smirk on his lips.
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin no’n pero wala na akong pakialam. Hinablot ko ang aking kamay sa kanya at muling uminom. He tried to stop me but I didn’t let him. Maging siya ay uminom na rin.
I was so drunk for a few more hours, nakaramdam na rin ako ng antok. I can feel that Lorenzo was drunk too or not… dahil mukhang hindi siya natablan ng mga iniinom niya. He cold blue eyes was directed on mine, mukhang galit na ewan.
“You know I’m trying to find a boy,” daldal ko.
I am trying to make a conversation.
Nang sabihin ko iyon ay mas lalo siyang lumapit sa akin para mas lalo niya akong marinig.
“Why?”
“‘Cause I need one, h’wag ka ng maraming tanong kung ayaw mo rin naman.” ani ko at kinuha na ang bag sa sofa.
“Are you leaving?”
“Yup, I will try that spot baka may mahanap ako.” sabay tayo ko sa kanya.
This time, he let me leave the please. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong hawakan sa beywang at hinatak na niya ako papalabas ng club. Damn! Hindi pa ako nakakahanap!
Sigaw ako nang sigaw na bitawan niya ako ngunit hindi niya iyon ginagawa. Wala siyang karapatan para pigilan at hawakan ako ng ganito!
Put-angina naman!
“I’m interested, tell me everything tomorrow.”
Napahinto ako sa sinabi niya. Nilapag niya ako mula sa pagkakahawak ng masiguradong hindi na ako aangal pa. I face him. Mas lalo kong nakita ang kabubuoan ng kanyang mukha.
He is fre-aking handsome!
Hindi ko masyadong makita kanina dahil madilim ngayon, kitang kita ko na ang kagwapohan niya.
Dahil siguro sa dami ng alak na ininom ko ay hindi ko napigilan ang sunod kong ginawa. I wrapped my arms around his neck. Tumingkayad ako at inabot ang kanyang labi.
Sa lambot ng labi niya ay mas lalo ko pang diniinan iyon. Ramdam ko ang papigilan niya sa halik ko ngunit hindi ako nagpatinang at mas lalo siyang hinalikan hanggang sa naramdaman ko ang paghawak niya sa aking beywang.
I know, I might regret this tomorrow but I don’t really care. Bahala na bukas.
I wanted to kiss Lorenzo. I wanted him.