12

1134 Words
“What the fu-cking fu-ck! Painite! Saan mo nakuha ‘yan?!” pasigaw na tanong ni Kia matapos makita niya iyon sa kamay ko. Ngumiti ako at tinukso siya gamit ang aking paglabas ng aking dila. Agad namang umikot ang kanyang mata at muling nagtanong sa akin bago ako hinampas ng unan na nasa sofa kung saan siya naka-upo. Talagang tinaas ko iyon at pinakita sa kanya pagkadating ko galing sa building na pagmamay-ari ni Lorenzo. Kasalukuyan kaming narito ngayon sa loob ng condo ko. Hindi na ako kabalik sa aking opisina dahil wala na man na akong gagawin. All I have to do is to get ready for the event this evening. May kaunting oras pa naman ako para mag ayos, pero itong si Kia ay parang ayaw pa akong bigyan dahil sa pagpipilit niyang pagtanong. “Secret nga,” sabi ko. “Eh? Anong secret? Buong buhay mo sa akin mo lahat sinasabi lahat ng bagay, Cassia. Ngayon pa talaga?” “Someone gave this to me,” simpleng sagot ko. Muling umikot ang kanyang mata. “Sinong someone ba ‘yan? Don’t tell me may lalaki ng nagpapatibok ng puso mo? Your standards are so high! Ano meron na ba? Siya na ba iyong ihaharap mo sa mga magulang mo?” sunod sunod niyang tanong. Napahawak naman ako sa aking buhok para sabunutan iyon. Sana talaga ay hindi ko na lang pinakita sa kanya. Sa sobrang saya ko kanina ay hindi ko na napigilan pa iyon at binunyag ko kaagad ang tungkol sa singsing. “Do you think I am capable to love? Ni hindi ko nga naramdaman iyon sa mga magulang ko. Hindi ako marunong no’n,” sabi ko. “Gaga may puso ka pa rin. Sabi nga nila, natutuo daw tayong mahal. Malay matuto ka rin. Kanino ba kasi ‘yan galing!” pagpipilit pa niya. Bumuntong hininga ako. Tama siya, wala talaga akong sikretong hindi ko nasasabi sa kanya dahil lahat ng mga nararamdaman ko ay sinasabi ko kaagad iyon sa kanya. “Hindi na nga impo—” “Anong hindi na importante?! Someone gave you a Painite, the rarest and the most expensive gem the entire world, tapos sasabihin mong hindi na importante? Pinupurmahan ka niya, ang nagbigay sa ‘yo pinupurmahan ka. Kaya—” “This is from Lorenzo,” Napahinto siya sa ere dahil sa sinabi ko. Nawala ang excitement at napabalik sa inuupuan. Para bang lahat ng iniimagine niya ay nawala dahil sa sinabi kong pangalan. She pressed her lips into thin at napa-iling na lang. “Akala ko totoong pag ibig na,” sabay simangot niya. “At talagang nagkita pa kayo after no’ng sa club.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinuwento ko na lang sa kanya ang lahat ng nangyari. Kailangan ko talagang sabihin sa kanya iyon para hindi na ako kulitin pa. Nag excited naman si Kia sa lahat ng kinuwento ko lalo na iyong pagpunta ko sa builing kung saan naroroon ang mga gems niya. Sinabi ko na rin kung paano ko nakuha ang singsing na suot ko sa kanya. Agad naman siyang kinilig na hindi ko naintidihan. Wala naman kasing nakakilig doon. Para natural lang din ang expression ko. “The fu-ck, parang pinupurmahan ka talaga ni Lorenzo!” Agad na umikot ang mga mata ko at tinungo ang aking silid. Akala ko ay hahayaan na ako ni Kia ngunit sinundan niya ako at doon kinilig sa loob ng silid ko. “Ano, saan ka pupunta?! May pupuntahan ka?” Napahinto ako sa paghahanap ng masusuot ko at napatingin sa kanya. I really wanted her out dahil hindi na ako maka focus sa ginagawa niya. “May pupuntahan ako event,” sagot ko. “Don’t tell me, kasama na naman si…” sabay tukso pa niya sa akin. “Lorenzo…” Tumango na lamang ako bilang pagsang ayos sa kanya. Agad naman siyang lumundag sa kama ko bago ulit tumayo at lumabas. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Agad akong naligo at nagbihis. I applied light make up since ayaw ko naman talaga kumabog doon at maka mabonggahan ko pa ang may birthday. Iyong beige na fitted dress lang din ang suot ko. Backless din iyon at halter top but this one looks very simple. Hinayan ko lang din ang buhok ko para medyo matakpan ang aking likuran. Tamang tama namang natapos na ako sa aking pag-aayos nang makatanggap ako ng tawag mula kay Lorenzo. Yeah, after that talk we exchange number para easy na rin kung may kailangan kami sa isa’t isa. “Are you done?” tanong niya sa kabilang linya. “Yeah, katatapos lang. I’m living. Hm…” napakagat ako ng aking labi. Hindi ko alam kung saang hotel iyon kaya. “Can you send me the location please? Iyon ata ang nakalimutan kong tanungin sa ‘yo bago ako umalis…” hiya kong tanong. “I’m already outside your condo building, I’m waiting.” Napatayo ako sa aking kinauupuan. Agad kong kinuha ang aking strap heels sa aking closet at nagmadali lumabas. “I’m coming, hindi ka kaagad nagsabi sana minadali kong mag-ayos.” at nanisi pa talaga sa oras na iyon. Dinig ko ang pagtawa niya. Kita ko namang napatayo si Kia sa inuupuan niya. Pumasok iyon sa loob ng silid ko at pagkalabas at dala na ang isang maliit ko na bag. Kilalang kilala na talaga ako. Tinapon niya sa akin iyon at tamang tama naman na nakuha ko. Sinuot ko ang isang strap hells ko bago tumayo at inayos ulit ang sarili. “Pababa na ako,” anunsyo ko at pinatay na ang tawag. Hinarap ko si Kia at nagpaalam sa kanya. “Please, ikalma ang kipa-y!” tukso niya pa sa akin. Parang gusto ko tuloy ibato sa kanya pabalik ang bag na dala ko. Tinungo ko palabas ng building, nahagilap ko kaagad ang sasakyan ni Lorenzo. Lumabas naman siya roon at pinagbuksan ako. “Thanks,” awkward kong sinabi. Pagkapasok niya ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. May mali ba sa suot ko o ano? Kinabahan tuloy ako at baka hindi fit ang suot ko sa event na pupuntahan namin. Aniya kasi ay beige daw iyong theme ng event kaya iyon ang napili kong suot. Base na rin sa suot niyang necktie na kulay beige ay sa tingin ko tama naman ang nasuot ko. “You look stunning, as always.” halos hindi ko na narinig iyon dahil parang bulong lang. “What?” pag-uulit ko sa kanya. Kumunot ang sa bandang ilong niya. “Huwag na kaya tayong tumuloy at sa ibang na lang tayo—” “Isampal ko sa kayo ang bag na ‘to eh!” banta ko sa kanya dahil sa ngisi niyang may kakaiba ang meaning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD