13

1426 Words
“Wait lang, natatakot ako.” hinto ko kay Lorenzo na akmang bubuksan na ang pintuan ng kanyang sasakyan. Hindi naman ako sinabihan ni Lorenzo na may mga media pa lang nandito ngayon. I thought this is just a private birthday party, wherein tycoons were invited. Hindi ako informed na medyo marami pa lang tao. This looks like a celebrity party or something… “Are you sure that this is not a public party?” I ask him again. Kinakabahan talaga ako. “Yeah.” “Bakit napakadaming tao sa labas?” “That is Felicio’s birthday, my bestfriend who is an artists and a model. Kaya siguro maraming tao, I wasn’t informed too, okay?” his faces looks guilty but I can say na wala rin siyang alam kung bakit maraming tao ang nandito. Tumaas ang kilay ko at tinignan siya ng masama bago bumuntong hininga at napatingin sa labas. Wala naman na akong magagawa pa kung hindi ang umusad. Ayaw ko namang umuwi pa kaming dalawa dahil nandito na rin kami. Tumango ako kay Lorenzo at nakuha naman niya ang ibig kung sabihin kaya lumabas na iyon ng pintuan. Wala kaming guards or something at talagang sa main door kami dadaan dahil naroroon ang mga bisita at pati na rin ang mga media. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Lorenzo, tinanggap ko ang kanyang kamay bago ngumiti sa kanya. Inayos pa niya ang dami ko bago sinakop ang aking buhok na nasa braso ko at nilagay iyon sa aking likuran. “You have a nice back, ako lang dapat makakakita niyan.” biro pa niya dahilan para kurutin ko ang kanyang braso. Natawa kaming dalawa dahil doon. “Can you check my face please? My eyeshadow is still visible ba? How about my lips? Nag smudge ba ang lipstick or something?” Tanong ko at medyo nilapit ang aking mukha sa kanya para makita ang bawat detalye no’n. Na-istatwa naman siya sa ginawa kong paglapit. Tinignan niya ang bawat sulok ng aking mukha. Mula sa aking noo hanggang sa natigil iyon sa aking labi. Pakiramdam ko tuloy ay umapaw na lipstick sa aking labi. Tinaas ni Lorenzo ang kanyang kamay at dumapo iyon sa aking panga. Slowly, he rub the side of my lips. I guess meron nga. Hindi ko namalayan iyon. “You have light brown eyes. You have a perfect full lips. You have freckles. You have a high-pointed nose. You have thick lashes. You have natural thick eyebrow.” mahinang bulong nito na parang kinakabisado ang aking mukha. He sounded like praying. Sa mapungay niyang mga matang nakatingin sa akin ngayon. Any minute lang ay makakarinig ako ng praise mula sa kanya. Ngunit bago niya pa masabi iyong ay nagsalita ako. “Lorenzo!” tawag ko sa kanya para magising siya sa kung ano man ang nasa utak niya ngayon. “You’re pretty. Wala namang nasira sa make-up mo.” sagot niya nang magising sa katotohanan. Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Inayos pa ni Lorenzo ang buhok ko bago ko inangkla ang aking kamay sa kanya. Ngunit hindi pa man kami naka dalawang baitang ay kinuha nito ang kanyang kamay at pinalupot sa aking beywang. “This is more realistic than that,” bulong niya pa. Sumang-ayon na rin ako at tinungo na naman ang main door. Nang tuluyan na talaga kaming makalapit ay kita ko kung paano umukit ang gulat sa mga mukha ng mga taong naroroon. Nagsitakbuhan kaagad sila at hindi na nakapaghintay na makalapit kami sa kanilang pwesto. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Lorenzo sa aking beywang, kinakabahan din ako dahil paniragurado ay malalaman na ng lahat ang kung ano ang mayroon kami. Napahawak ako sa suot na suit ni Lorenzo nang makalapit na sila. Sunod sunod ang click ng camera sa amin at minsan ay napapapikit na lang ako. My eyes are sentive with lights kaya kapag nasa labas ako ay may sunglasses talaga akong dala, but right now, I don’t have one. Magmumukha naman akong rude kapag pumukit ako ng tuluyan o kaya ay magtago kay Lorenzo. “Please minimize the clicks! She’s not comfortable with it, thanks!” I heard Lorenzo say to everyone. “Is she your girlfriend Mr. Vitale or just another fling like before?” someone asks from nowhere. Hindi naman iyon sinagot ni Lorenzo at tuloy kami sa paglakad. I’m not popular in media. I live my life without it kaya hindi ako kilala ng mga taong narito ngayon. I launch a product before but still hindi iyon nakatulong para palakasin ang pangalan ko. Pero itong si Lorenzo? Kilala na to sa mga magazine, showbiz news, at iba pa. He is one of themost single bachelor tycoon after all. His name is on the billionaire’s too, kaya hindi na talaga nakakapagtaka. “Your fangirls will be crying now, Vitale.” ani pa ng isang reporter. “One of the eligible bachelors were seen with girls? Hindi ako maniniwala, fling lang ‘yan!” kung sino ang may sumigaw. All I could do was listen to everyone's opinion about our relationship. Hell yeah, they are correct about their assumptions about us, pero hindi sila ang pakay ko rito. My goal was for my Mom to stop me from pairing with men that I didn’t want! “Please don’t touch her!” si Lorenzo iyon. Hindi ko na namamalayan ang mga kamay dahil ang buong atensyon ko ay nasa cementong inaapakan namin papasok sa loob ng pintuan. Nang nasa hagdan na kami doon na mayroong security at kaagad silang napigilan. Nang tuluyan kaming nakapasok ay pinahinto ako ni Lorenzo sa pamamagitan nang paghawak niya sa magkabilaang beywang ko. “May I see your body,” at hinalungkat niya ang kabilang kamay ko pati na rin ang likuran ko at maging ang aking mukha. “Magagalit talaga ako kapag may nakita akong sugat sa katawan mo.” bulong pa niya. “It’s okay, wala naman akong naramdamang sakit.” I told him. Sinigurado talaga iyon ni Lorenzo bago kami pumasok sa loob ng hotel. Maraming celebrities talaga ang naroon kaya nahiya ako. “Don’t be shy, I know everyone,” he whispered again. Akmang magsasalita na sana ako nang may biglang tumawag ng pangalan niya. Sabay kaming napalingon. A group of men approaching. Napahawak ako sa braso niyang sa beywang ko, dinig ko ang pagtawa niya dahil doon. “They are my friends.” Nakahinga ako ng lamuwag doon. Those men were hot! Iyon ang unang pumasok sa isip ko nang makita ko sila. Some of them are familiar but some aren’t. “Luh ang gago may dalang babae! End of the world na ba?” sabi ng isa roon, hindi ko naman kilala. Nagtawanan sila dahil sa joke na iyon. Lorenzo laughed too. “Hey you’re pretty and bit familiar to me,” ani ng isa na pamilyar sa akin at kilala ko talaga. “Hi, Carter!” bati ko. We met during a business event too. “Hey hey hey,” awat ni Lorenzo, napaka-oa naman. “We met before, business event.” simpling explinasyon niya sa kaibigan. “You two look good together,” kometo naman ng isa. “Sagot ko mamaya ang alak mo dahil d’yan, Ahmet.” sabay tawa ni Lorenzo at tinapik ang dibdib. Umiling ang lalaki. “Gusto ko gold!” hirit pa niya. “Ilan ba?” Napailing na lang ako dahil sa kanila. Sunod naman akong pinakilala ni Lorenzo sa kanyang mga kaibigan. They were Ahmet, Dwight, Ishmael, Reus, Aydin, and Carter. Medyo marami sila kaya kinabisado ko talaga ang mga pangalan. After that ay pumasok na kami ng tuluyan sa loob. The event just started, nasa pinakagilid kaming nila Lorenzo kasama ang iba niyang kaibigan. Hindi ko pa nakikita ang celebrantent at nakalimutan ko ang aking regalo. I lean closer to Lorenzo. “I didn’t bring anything to him,” bulong ko. “It’s okay, nabigay ko na atin.” tumango ako. Si Lorenzo naman ngayon ang lumapit sa akin at ramdam ko ang hininga niya sa aking tainga. “Move closer to me.” “Why? Nasa tabi mo na ako, anong gusto mo kumandong pa ako sa’yo?” I didn’t mean to react that way, hinihila kasi niya ang upuan ko. “That’s a great idea, kumandong ka.” Siniko ko siya. Natawa lamang hanggang sa naramdaman ko ang kamay niyang nasa hita ko at mahinang hinagod iyon. “Lorenzo...” I whispered his name dahil sa kakaibang dulot no’n sa akin. I could feel the flame.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD