07

1552 Words
Tuwing may mga ganitong event. I usually busy talking with other guests to explore more about the business world, tycoons, or about the jewelries. Pero ngayon, nandito ako sa isang sulok at halos hindi makagalaw dahil pakiramdam ko ay suffocated na suffocated ako sa presinsya ni Mommy. Sinubukan ko namang tumayo at makihalubilo sa iba. Sinubukan ko pa nga iyong tanyag na mga personalidad na kausapin baka makaisip ako ng ideya na collaboration o ano man. Pero sa tuwing nakakalayo ako ay palagi namang buntot nang buntot sa akin si Mommy. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung buong oras ay ganito siya sa akin. My Dad was busy talking with his business partners while my mother was busy stalking me every minute! Napalunok ako at tumingin tingin sa paligid. Isa pa itong si Lorenzo! Hindi rin maalis ang mata sa akin. Alam ko naman na gusto niya akong lapitan at kausapin eh, ramdam ko sa galaw niya kanina. Ngunit hindi niya magawa iyon dahil bantay sarado ako ni Mommy! “OMG, you’re Cassia Amalia Lozano, right?!” agad akong napalingon sa babaeng nagtanong. Kaagad akong napatayo at yumuko para magbigay galang. Halos ramdam ko ang kalabog ng puso ko dahil pakiramdam ko ay nasa cloud nine na ako ngayon sa sobrang ganda ng pakiramdam ko. Nananaginip lang ba ako o ano?! Sh-it! One of Asia's most highly paid-models is now in front of me! F-ck, pwede na akong mamatay! “Oh my gosh, Cara!” I cover my face with my hand because of excitement. She smiles. “Finally, I saw you in person! I was eyeing you since I was here but was told I would only find you in your chair.” “Oh, sorry. I didn’t know…” I gave her an apologetic smile. She held my shoulder. “That’s okay, hindi ka naman aware na pupuntahan kita.” Sobrang sosyal ng tagalog niya. Halos malusaw na ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil doon. “I saw your flower collection. I wore your tulip earrings actually,” aniya at pinakita pa sa akin ang kulay purple sapphire tulip shape sa kanyang tainga. That earring was one of my favorites. I’m glad she chose that. “You look so pretty,” puri ko. Natawa siya at nagpasalamat bago muli nagsalita. “I have your whole collection to be honest.” Halos malaglag sa sahig ang baba ko dahil sa sinabi niya. Damn, that is worth a billion in peso! Hindi ko inakala na may bibili ng buong piece na iyon at iyon ang kauna unahan collection ko. Bagohan lang din ako! “You should told me—-” She cut my words. “Nah, kaya ko namang bilhin but I would like to work with you.” Agad-agad akong tumango. “I would love that!” sang-ayon ko. Napa-upo kaming dalawa sa table namin ni Mommy. Umalis naman si Mommy at nakipag-usap na rin sa wakas sa ibang tao. Madaldal si Cara at may kanya kanya kaming ideyang dalawa. Mukhang alam na niya talaga ang gusto niya at dinadagdag ko na lang iyon. Habang nag-uusap kaming dalawa ay may dalawang sumulpot sa likuran ni Cara. Umikot kaagad ang mata ko at tumalikod naman si Cara. Binati niya ang dalawang lalaki na umupo sumama sa table namin. Lawrence and Lorenzo was joining the table! Hindi ko kaya iyon lalo na’t magkakompetensya kaming dalawa ni Lawrence. Well, ngayon kompetensya na talaga ang paningin ko sa kanya at sa tingin ko ay nag-sspy na ngayon para kunin ang pinaka-unang collaboration ko sa isang sikat na model na si Cara! “You’re not proposing a collaboration, aren’t you?” nakangiting tanong ni Lawrence sabay kindat sa akin. I found him hot a while ago but right now? I don’t like him at all. Mukhang kukunin niya pa tong si Cara eh! “Am I! You are not as good as her, sorry Lawrence.” She patted Lawrence's shoulder. Napangisi ako roon dahilan para mapatingin sila sa akin. Halos gustuhin ko ng mamatay sa mga oras na iyon dahil sa kakahiyang ginawa ko. I cleared my throat at napaayos ako ng upo. Fu-ck, hindi dapat ako natawa roon! What if magback-out si Cara dahil sa ginawa ko? No! “I would like to collaborate with her too, she’s good.” pagsang-ayon ni Lorenzo dahil para mapatingin ako sa kanya. Saang larangan ba to ng negosyo bakit nandito ito ngayon? “I would give her the whole pearl with a half discount,” aniya pa ni Lorenzo. “What the f-ck? I am your friend, idoit!” si Lawrence at siniko sa tyan ang kaibigan. “Can you please both leave? May pinag-uusapan kami.” maldita na saad ni Cara. Kita ko kaagad ang pag-iling ni Lorenzo pero tumayo naman siya sa kinauupuan. Ang akala ko ay aalis na iyon ngunit nagulat na lang ako nang bigla niyang kunin ang isang silya na nasa tabi ko at doon umupo. “Gusto kong marinig ang pinag-uusapan niyo. I can join the collaboration.” Kulit! Napatingin ako sa kanya. “Ano bang magiging ambag mo sa collaboration?” tumaas ang kilay ko na siya lang ang nakakita. “Finally, you talk to me,” he whispered. “I could provide the pearls, gemstones, and golds,” aniyang may pagmamalaki sa boses niya. That’s tempting. Iyon kasi ang hinahanap ngayon ng kompanya ko. I already have producers of that pero alam kung hindi sapat iyon kaya minsan na-shoshort ang mga collections dahil sa materials mismo ay kulang din. Pero ayaw ko naman siyang isali sa kung anong mundo ang mayroon ako. Pwede niya namang ibigay iyon kay Lawrence tutal magkaibigan naman sila. Hindi dahil nag-se-x kami ay magiging mabait na kami sa isa’t isa! Ni isang gabi nga lang iyon! He is still a stranger to me! Napabuga ako ng hangin. He was looking at me, naghihintay sa sasabihin ko ngunit hindi na ako nagsalita at muling hinarap si Cara. Sa paglingon ko ay muling nagsalita si Cara sa gusto niya sa collaboration namin habang ang dalawang lalaki naman ay nakikinig sa amin. Halos isang oras din ang usapan namin ni Cara at nakikisabay naman itong dalawa nang tuluyan itong natapos. Halos lahat ng ideya namin ay pasok sa gusto namin para sa isa’t isa. “Hey, hindi mo naman ako pinapansin.” dinig kong sabi ni Lorenzo sa likuran ko. “Sino ka ba ulit?” pagkukunwari ko. Tuluyan ng naka-alis si Cara habang si Lawrence naman ay nasa kabilang table lang ay may kausap. Itong si Lorenzo naman ay parang walang balak na umalis. Agad ko naman inikot ang mata ko sa buong paligid at baka ay nandito na naman si Mommy. Good thing dahil parang wala siya roon at mukhang nasa malayo. “Hindi ako makapaniwala, after that rough night nakalimutan mo ‘ko.” biro niya pa na hindi ko naman ikinatuwa. “Can we forget that night? We were both drunk.” “How can I forget that? I was your first, Cassia.” Inayos ko ang suot kong damit at hinarap siyang muli. “And so? Big deal na iyon sa ‘yo ngayon? Sa tipo mo parang hindi ka naman ganyang lalaki.” “What am I then?” He tilted his head on the left. “Fu-ck boy. Fu-ck and leave.” diretsahan kong sagot. He smirked. Tinago pa talaga ang ego niyang nasaktan sa kanyang pagngisi. “Hindi ko alam na judgmental ka pala.” “Everyone is judgmental.” Tumango tango siya. “Yeah you’re right.” Umikot ang mata ko. Parang pinapahaba niya lang itong usapan naming dalawa. Tuwid akong umupo sa upuan. Kinuha ang glass wine ko at uminom doon habang ang mga mata ay nasa stage. May isang taong tumutugtog ng saxophone roon. Nakaka-kalma sana ang music na nagmumula roon pero ang kaba ko ay sobra-sobra na dahil sa lalaking nasa tabi ko ngayon. Ang akala ko ay kaya ko na siyang harapin. Akala ko kaya ko ulit sabihin sa kanya na gusto kong ipagpatuloy ang gusto ko ng gabing iyon pero hindi ko talaga kaya. Parang nasasayangan ako sa pagiging playboy niya. Baka takot pa naman itong maging stick to one! I mean sympre, kapag nasa ganoong sitwasyon na bawal na ang side chick o other woman no! “What about your proposal?” biglaan niyang sabi dahilan para agad kong malunok ang iniinom kong wine. Naaalala pa ba talaga niya? “What about that?” I ask in my formal voice. “I thought you need someone? To act infront of parents as your boyfriend? Mukhang ikaw iyong nakalimutan sa ating dalawa.” hinimay-himay niya ang mga sinabi ko noong gabing iyon. I’m still desperate because I could feel that there is someone that my Mom would pair with me. I want to stop it bago pa mangyari iyon. And she hates this man! Baka mas lalo ko siyang mainis at tuluyan na akong lubayan. “Are you in? Faking a relationship?” “Am I in?” balik niyang tanong sa akin. Iniinis talaga ako ng lalaking ‘to. Galit ko na siyang hinarap. Magsasalita na sana ako ngunit inunahan na niya ako. “Pag-usapan natin ‘yan sa susunod na araw. 2 pm, in my office.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD