“Where are you going?” tanong ni Kia nang makita akong nagliligpit ng gamit.
“Do I have guest for today? Meetings? Appointment?” tanong ko pabalik at hindi na sinagot ang tanong niya.
Agad naman niyang tinignan ang dala niyang iPad para matignan ang mga hinihingi ko. Nang malamang wala akong meeting sa oras na iyon ay mas lalo akong nagmadali. Tinignan ko ang oras sa aking cellphone at nakitang malapit na mag alas dos.
“Wait! Saan ka pupunta?” habol ni Kia sa akin.
“Meeting someone, kapag may naghanap sa akin pakisabi na umalis muna ako. If someone ask for appointment grab it immediately, especially when it from Cara.” bilin ko.
Dinig ko naman ang pagsang-ayon ni Kia sa mga sinabi ko. Dala ang baguette na bag ay lumabas ako ng aking opisina at bumaba papunta sa parking area. I check myself at the mirror above. I am wearing a formal clothes today, my usual working clothes.
Pinaharurot ko ang sasakyan dahil pupunta ako ngayon sa opisina ni Lorenzo. Alam ko, I should decline his offer. Dapat hindi ko naman talaga siya haharapin ngayon but my Mom was bugging me about Lawrence.
Mukhang hindi naman intresado si Lawrence sa akin at kaibigan lang talaga ang turing namin sa isa’t isa, hindi iyong mahigit pa roon.
Kagabi ay umuwi ako sa bahay para doon na rin matulog. I miss our home. Huling tulog pa roon ay hindi pa kasal ang ate ko at halos ilang taon na rin. I miss and hate that place sometimes. Kaya wala ako rin ako interest na bumalik doon dahil maraming masasamang memories ang naroon ay ayaw ko ng balikan pa.
Ang pagtulog ko pa lang iyon ang maghuhudyak sa akin na ituloy ko ang plano kay Lorenzo. Lorenzo was bugging me the whole night during the event that I should yes. Ako nga dapat ang kumulit sa kanya dahil ako ang may kailangan pero mukhang baliktan dahil siya iyong sunod nang sunod sa akin.
And guess what, nandito ako ngayon para puntahan siya sa opisina niya para sa sabihin na ituloy namin.
My Mom was joking when she says she would pair me. Habang naroroon ako sa bahay iyon lang ata ang pinag-usapan naming tatlo ni Daddy. My Dad was a very person, pero kapag si Mommy na ang naghanap sa kanya ay uuwi talaga iyon para hindi magalit sa kanya.
Dinig ko pa dati noong bata ako ay si Mommy daw ang dahilan kung bakit naging successful sila buhay and my Dad was repaying everything. Kaya halos lahat ng gusto ni Mommy ay iyong nasusunod.
Ilang beses ako nagmakawa kay Daddy na kung pwede ay h’wag na ako magaya kay Ate, pero maging siya ay hindi rin ako pinayagan. Dapat daw ay sundin ko na lang si Mommy.
Maraming napiling lalaki si Mommy sa buong industriya ng negosyo para sa akin. Ni hindi ko narinig ang pangalan ni Lorenzo. Lorenzo was fit in her likings. Gusto niya lang din naman ng kagaya ko o higit pa sa akin. At sa tingin ko ay mas mahigit pa sa akin si Lorenzo.
Ngayon ay si Lawrence ang gusto niya at isang pang lalaki na hindi ko na maalala pa ang pangalan. I wanted to end her dreams for me because I have my own dreams. I build my own dreams and I want to accomplish it with my own too.
I park my car at the parking area of Lorenzo’s building. This is my first time in here. Nagresearch din ako kaninang umaga tungkol sa kanya pero walang lumalabas doon maliban sa kanyang mga negosyo at mga na accomplish din sa larangan nito.
I want to know more about his personal life. I want to know about his ex’s, his girls, and many more. Pero walang lumabas doon. Ni dating scandal ay wala siya. Ni paparazzi na nakita siyang may kasamang babae ay wala rin.
There is no negative feedback about his in the love industry. Siguro iyong sa negosyo niya lang. Lorenzo own a shipping line too at isang bodega niya ay nasunog. Wala na akong impormasyon pa na nakuha roon dahil mabilis na ma settle ang issue at malaki malaki rin ang ibinayad niyang danyos sa mga nasunog na bagay.
“Lorenzo Vitale’s office please,” sabi ko sa isang babae.
“Did you have any appointment, Ma’am?” she asks with a smile.
I bit my lower lips. Hindi ko talaga alam kung sinabi niya ba rito o hindi. I heard him correct last night right?
“I don’t know… but can you check if he is available right now? Or his schedule, nasa meeting ba siya or what.”
Agad naman tumango ang babae at tinignan ang pinapahanap ko. Mabilis lang iyon at muli niya rin akong hinarap.
“Mr. Vitale doesn’t have any meeting right now, Ma’am. But can you state your name?”
“Cassia Amalia Lozano,” sagot ko.
Tumango tango siya ay parang may ginagawa ulit.
“You are the C.L in here, Ma’am. Yes, you are in his schedule.”
Nakahinga kaagad ako nang maluwag sa sinabi niya. Though, I can wait naman kung hindi talaga siya pwede ngayon oras. Alam kong napaka-busy niyang tao.
Nagtanong ako sa babae kung saan ang opisina niya. She was so good in explaining kaya kaagad akong nakuha iyon. Tinungo ko ang elevator at pumasok ako sa loob. Ako lang mag-isa ang naroon.
Nasa pinaka-ibabaw ang opisina ni Lorenzo, halos lahat naman ata ng may ari ay nasa ganoon ang floor ng opisina.
Nang makarating sa tamang floor ay hinanap ko na ang way. Hindi naman mahirap dahil hindi naman complicated ang building niya. Nasa harapan na ako ng opisina ni Lorenzo ay napansin ko na bukas iyong pinto.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Wala kasing tao sa floor na ‘to at parang para sa kanya lamang.
I should knock or not?
I pressed my lips and slowly push the door. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon ginawa. Sinilip ko ang loob ng opisina nagbabakasali kung naroon sa loob si Lorenzo. Pero ngunit iba ang nakita ko.
Kaagad akong napasinghap at hindi ko sadya na mas lalong mabuksan ang pintuan kaya silang dalawa ay napatingin sa akin.
“Oh my god! Sorry, sorry, sorry!” sabi ko at nagmadali nalumabas.
Sinirado ko pa ang pintuan at kaagad na tinungo ang elevator. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa ginawa kong iyon. I should knock the door!
Damn it!
I can’t believe it.
Wala siyang dating scandal sa ilang taon niya sa industriya. He was seen with some fine ladies and models but he always decline the dating allegation. Hindi rin kasi siya nagpapa-interview kaya malamang walang nakakaalam sa buhay pag-ibig niya!
But why is that girl on his desk then?!
Dang!
Iba ba iyong nakita o ano?!
“Hey, Cassia!” dinig kong pagtawag sa akin ni Lorenzo.
Agad akong kinabahan kaya hindi ko siya nilingon. Parang gusto ko na ring sipain ang elevator na ‘to kasi ambagal niya at nasa pinakataas pa akong palapag.
“Cassia,” ani ulit ni Lorenzo, ramdam ko na nasa tabi ko na siya.
I press my lips into thin. Hinarap ko siya.
“Sorry, I didn’t mean to ruin your moment. I though–”
“Let’s go, inside.” pinutol niya ang sasabihin ko at inaya na ako sa opisina niya.
Umiling kaagad ako. “No, no, no. Ayos lang naman, ayusin niyo muna ang pinag-uusapan niyo. Baka sa susunod na lang natin pag-usapan ang–”
“It’s fine, aalis na ‘yon. She is my client.”
Client?!
Nasa lamesa mo na halos bumukaka na sa’yo?
Tangina ‘yan.
Should I continue my motive? Should I continue the plot?
“Baka–”
Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil hinila na niya ako pabalik sa loob ng opisina niya. Agad kong kinagat ang labi ko nang makita ulit ang babae. Naka-upo na iyon ngayon sa upuan na nasa harap ng table ni Lorenzo.
“Leave now, Ammy!”
“Really, Lorenzo?” ani ng babae.
“I won’t invest in your company anymore, please LEAVE.”
Parang nanonood lang ako ng drama sa kanilang dalawa. Medyo natakot rin ako kay Lorenzo dahil sa tono ng boses niya.
Tumayo na ang babae at kinuha ang kanyang dalang bag. Parang pinakita pa sa akin ang bag niya.
Girl, I have that piece.
Gusto kong sabihin iyon dahil parang minamaliit niya ako sa harapan ni Lorenzo.
Nang tuluyan siyang lumabas ay muli akong hinila ni Lorenzo at pinaupo sa sofa, sa gilid na parte ng opisina niya.
“I thought you wouldn’t come,” he said.
“Hindi talaga, kung wala lang akong nalaman.” sabay ikot ng mata ko sa kanya.