Episode 5: Ambush

1107 Words
TUMAYO si Princess, na hindi tinulungan ng bodyguard at nakaramdam ito ng konting hiya sa sarili. "Don't do that again, ma'am. Dahil hindi ka rin makalusot sa akin," nakangiting turan ni Doyzkie. Hindi kumibo ang malditang amo at matulin itong naglakad palabas ng mall. "I hate this life!" Nagmamaktol siya Sumakay ito ng kotse na hindi hinihintay na buksan ni Doyzkie ang pinto. Pailing-iling naman na sumakay ng driver bodyguard niya. "Maldita talaga!" bulong niya. "What?!" bulyaw nitong tanong. "Nothing, ma'am," seryoso niyang tugon. Umismid si Yellah, at sabay tingin sa labas. Hanggang sa makarating sila sa bahay at wala pa rin sa mood ang dalaga na pumasok sa bahay nila. "Dude, kumusta ang unang araw mo?" Nakangising tanong ni Clyde na kakalabas lang nito mula sa loob ng bahay. "Mukhang mahihirapan ako sa kapatid mo, dude," tugon niya at napailing pa ito. "Bakit, dude?" pagtataka na tanong nito. "Muntik akong matakasan sa mall." Humagapak ng tawa si Clyde. "Ano bang ginawa niya, dude?" "Parang snake, magaling gumapang," nakangising turan nito. Ikinuwento ni Doyzkie ang ginawa ng kapatid nito at tawang-tawa naman si Clyde. "Kaya mo 'yan, dude!" turan ni Clyde na tinatapik-tapik pa ang balikat ng kaibigan. "Kakayanin ko, dude. Para kasing mapalaban ako dito sa kapatid mo masyadong sutil," aniya. "Okay lang iyan, dude. I know matiis mo 'yan kasi mahal mo," tugon ni Clyde, nakangiti pa rin ito at sabay kindat. "Oist! Huwag kang maingay, baka marinig ka ng kapatid mo!" At nagpalingon-lingon ito sa paligid. "Tara, kape tayo!" yaya ni Clyde, sabay akbay sa kaibigan. Samantala sa loob ng kuwarto ni Yellah ay halos nagdabog na ito sa sobrang inis. "I hate him! I hate him! I hate him!" Gigil na gigil siya at halos mapunit ang unan sa kakahampas nito. "Hmm… maybe even better if I just go back to the States," she whispered Nagpasya si Yellah na after Christmas ay agad na siyang babalik sa Amerika. Sapagkat gusto niyang iwasan ang buhay na may laging naka buntot sa kaniya. Kinabukasan ay nagpaalam si Yellah sa mommy niya na may kikitain siya na kaibigan. Para sa isang wedding gown design, pumayag naman ang ina niya. At maya-maya pa ay mayroong tinawagan general. "Hello." "Hello, general. Good morning!" bati ni Doyzkie, at kasalukuyan pa siyang nakahiga. "Good morning too," tugon nito sa kabilang linya. "Albarracin, I want to inform you na may lakad si Yellah ngayon." "Okay, general, noted!" "Mag-almusal ka muna bago kayo umalis," bilin nito. "Okay, general. Thank you." Pagkatapos mag-usap ay agad na siyang bumangon upang maligo at makapag-almusal. Kasalukuyan nag-almusal si Doyzkie, nang makita siya ni Princess Yella. Kababa lang nito mula sa itaas, dali-dali itong lumabas na halos takbuhin niya ang sasakyan. "s**t!" bulalas ni Doyzkie, at patakbo itong humabol sa kanyang amo at bitbit ang sandwich. Halos nabilaukan pa ito sa pagkabigla niya. Agad pinindot ni Doyzkie ang remote para ma-lock ang pito ng mga sasakyan. "Damn!" Mura ni Yellah, nang hindi niya maabutang bukas ang pinto ng kotse at sinipa niya ang sasakyan. "Maldita ka talaga!" bulyaw ni Doyzkie. "What?!" tanong niya, dahil hindi niya maintindihan ang sinabi ni Doyzkie. Sapagkat nagsasalita itong punong-puno ang bibig. "Hindi na muling nagsalita ang bodyguard dahil naiinis siya sa dalaga. Pagkatapos niyang mabuksan ang pinto ay pumasok si Princess at pabagsak niya itong isinara Napailing naman si General sa kaniyang nakita mula sa bintana ng master bedroom. "Kaya mo 'yan Albarracin," she whispered. Hanggang sa umalis na ang dalawa at nagpatuloy namang kumain si Doyzkie sa kaniyang bitbit na sandwich. Mula sa center mirror ay na sulyapan ni Doyzkie ang amo na panay ang takip nito sa ilong niya, sapagkat ayaw na ayaw nito ang amoy ng sibuyas. Doyzkie laughed. "Sige, magtakip ka pa," nakangiting bulong ni Doyzkie sa sarili. Para makaganti siya sa dalaga ay nilakasan niya ng aircon at doon niya itinapat ang sandwich na kaniyang hawak. "Hey!" she shouted. "What?" ganting bulyaw ni Doyzkie sa maldita. "Itapon mo nga iyang kinakain mo!" "Kung itatapon ko ito ano ang aking kakainin? Ikaw?" Pang-aasar niya. "s**t!" Tumukaka si Yellah at nagbabanta na susuka. "Gosh!" bulalas ni Doyzkie, at bigla niyang natapakan ang break. Sapagkat ayaw niyang susuka ang babae sa loob ng sasakyan. Dahil hindi nakahawak si Yellah, at wala ring suot na seatbelt, kaya lumusot ang katawan nito sa harapan at nakasubsob ang mukha niya sa gilid ni Doyzkie. "Ouch! What the f*ck are you doing?!" sigaw ni Yellah. "Puro ka f*ck, f*ck! Hindi ko sinasadya! Pasensiya na, ma'am. Nabigla lang ako at ayaw kong sumuka ka dito sa loob ng sasakyan. Ngayon puwede ka ng bumaba at doon ka sa labas magkalat!" utos niya. "Nawala na!" tugon nito. Dahil sa kanyang nerbiyos ay bumalik ang kaniyang isusuka. "Mabuti naman!" Hanggang sa makarating sila ng restawran at kampante si Yellah sa paglalakad niya. Sa pag-aakala na ligtas na siya mula sa panganib. Ngunit hindi niya alam na may mata pa lang nakasunod sa kanila. Subalit si Doyzkie ay kanina pa niya napansin ang lalaking panay ang nakaw tingin sa amo niya. BIGLANG hinila ni Doyzkie ang mantel ng lamesa at agad tinapon sa lalaking bumunot ng baril at bumunot na rin siya. Dalawang putok mula sa baril ni Doyzkie ang umalingawngaw. Naasigaw si Yellah nang bigla siyang yakapin ni Doyzkie, at sabay silang bumagsak sa sahig. "What happened?" Puno sa pagkabigla ang mga mata ng dalaga. Lalo na't narinig niya ang mga putok. "May enemy kang naka sunod!" tugon ng bodyguard. "What? But how?" "Ewan!' Ang akala ni Doyzkie ay isa lang ang kalaban. Ngunit nabigla siya nang may nagpaputok na naman. At buti na lang ay hindi natamaan ang kaniyang Princess. Sunod-sunod na putok mula sa kalaban. She's screaming, nang marinig na naman niya ang mga putok, namimilipit ang katawan ni Princess sa sobrang nerbiyos Gumanti sa pagpuntok si Doyzkie at natamaan niya ang pangalawang kalaban. Nang matanto ni Doyzkie, na wala ng kalaban ay tumayo ito upang tingnan ang paligid. "Hoy! Huwag mo akong iwan!" bulyaw ni Yellah, na maagap ring tumayo at sabay kapit sa balikat ng lalaki. Parang tuko ang dalaga na kumapit sa katawan ni Doyzkie. Sapagkat sobrang kapit nito na halos ayaw ng tanggalin ang kamay niya. Kahit na pilit pang inaalis ng bodyguard. "Wait lang, Ma'am Yellah. Hindi ako makagalaw," reklamo ni Doyzkie, dahil kukunin sana niya ang phone na nasa bulsa upang tawagan ang ina nito. Halos lahat ng tao sa loob ng restaurant ay nagsipag takbuhan palabas ng restaurant matapos ang putukan. "Ma'am, wala na po ang kalaban!" turan ni Doyzkie at dinidilatan niya ang babae, sapagkat ayaw pa rin niyang kumalas sa pagkapit sa katawan ng bodyguard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD