Episode 6: Argumento

1435 Words
"Wala na ba?" sabay alis ng kaniyang kamay. Agad tinawagan ni Doyzkie si General Robinson at maagap naman itong dumating. Napag-alaman nila na ang nagtangka sa buhay ni Yellah ay mga gangster, at tauhan ni Mr. Mel. Ang tsinong nakakulong. "Talagang hindi titigil ang mga ito hanggat hindi siya makaganti," turan ni general. "Sigurado akong marami pa siyang tauhan, general," tugon ni Doyzkie. "Malamang, pero tutugisin natin sila hanggang mahuli silang lahat," turan ni general. "Okay ka lang ba, Yellah?" pag-alala niya sa anak. "Yes, Mom. I'm okay." "Good job, Albarracin." "Thank you, general." "Partner, thank you for saving my sister's life," pahayag ni Clyde. "It's my job to protect her, partner," tugon niya, sabay tapik nito sa balikat ng kaibigan. Dahil sa nangyari ay pinagsabihan si Yellah ng ina na iwas-iwasan muna ang paglabas ng bahay. Dahil mainit pa ang panahon para sa kaniya. Kahit labag sa kaniyang loob ay sinunod niya ang utos ng ina. Sapagkat kapakanan lang naman niya ang iniisip nito. Nakahinga naman nang maluwag si Doyzkie, dahil makainga siya sa maldita niyang amo. Bago magpasko ay nagpaalam si Princess Yellah sa mommy na pupunta muna ng mall. Dahil may bibilhin itong pang-regalo kaya agad namang tinawagan ni general si Doyzkie. Nagpaalam rin ang bodyguard kay General Robinson, na uuwi siya pagkatapos niyang mauwi si Princess. Sapagkat nais niyang doon siya sa kanilang bahay mag-pasko. Gusto sana ni General Robinson, na sasabay siya sa kanilang kasiyahan. Ngunit tinanggihan niya ito dahil nangako na siya sa kaniyang mga magulang na uuwi siya. Wala namang nagawa si General kung 'di pagbigyan ito lalo na't araw ng pasko. Nasa loob na si Doyzkie ng kotse at naghihintay sa kaniyang Princess. Nang makita niya na papalabas na ito ay agad naman siyang lumabas at may bitbit siyang isang paper bag. "Good morning, ma'am. Para sa 'yo," aniya, at inabot ang kaniyang bitbit. Bahagya namang ngumiti si Princess, dahil ang akala niya ay christmas gift ito ni Doyzkie sa kaniya. "Thank you!" she replied with a smiled. Tiningnan niya ito. "What is this?" tanong niya na biglang sumimangot ang mukha. "Bulletproof, ma'am. Pakisuot muna bago tayo umalis," tugon ng bodyguard. "Kailangan pa ba ito?" "Yes, Ma'am Princess." nakangiting tugon nito. Bumalik sa loob ng bahay si Yellah at halatang galit na galit ito sapagkat ibinagsak niya ang pito. Ang buong akala niya na ang inabot ni Doyzkie sa kaniya ay isang christmas gift. But she was wrong. "Mom!" pabagsak niyang sabit sa ina. "Come in!" Agad naman pumasok si Princess at nakita niya ang ama na tulog pa. "Mom, kailangan ko pa ba talaga ito?" inis niyang tanong. Ngumiti naman si general, dahil natuwa siya sa ginawa ni Doyzkie. "Yes, baby. Tama ang ginawa ng bodyguard, para sa kaligtasan mo naman ang kaniyang ginawa." "So, meaning to say—--- hindi kayo ang nag-utos nito?" "Actually, not! But I like his idea." "Oh, my gosh!" Sabay talikod niya at pabagsak na sinara ang pinto. Lumabas siya na hindi nagpaalam sa ina "Masyado talagang ma-papel ang taong ito! Nakakainis na talaga. HAIST!" pahayag niya habang mag-isang isinuot ang bulletproof. "Okay na ba, ma'am?" tanong ni Doyzkie nang makabalik ito. "Yes!" galit niyang tugon. "Wait, check lang natin," pahayag ni Doyzkie, at itinaas niya ang dalawang kamay ng babae at sabay kapkap niya sa katawan. "Talagang wala kang tiwala sa akin ano?" turan nito at tinaasan pa ng kilay ang lalaki. "Wala, ma'am, kaya huwag ka ng magreklamo," aniya. "Epal talaga 'to!" bulong niya pero narinig ito ni Doyzkie. "Let's go, ma'am." HANGGANG sa dumating na ang dalawa sa mall, talagang hindi na lumalayo si Doyzkie sa tabi ni Yellah. Naiinis man ang dalaga sapagkat laging nakabuntot ang bodyguard sa kaniya, subalit tiniis na lamang niya ito dahil malapit na rin naman siyang bumalik sa States. Sa paglilibot nila ay may nakita siyang jacket na babagay sa kaniyang bodyguard. Kaya naisipan niya itong bilhin."Christmas naman, eh," bulong niya sarili. Lumingon siya sa likuran niya nang matanto nitong nakatagilid ang bodyguard ay agad niyang dinampot ang naka-hunger na jacket at pinailalim niya ito sa kaniyang pinamili. Nang magsawa na siya ay nagtungo na ito sa counter para bayad. "Akin na po, ma'am," wika ni Doyzkie, dahil ang babae ang nagbitbit sa mga pinamili nito. "Thank you!" sabi niya, na hindi man lang tumingin rito. Hanggang sa makalabas na sila mula sa mall. Habang binabaybay nila ang mahabang kalsada ay may napansin si Doyzkie na isang kulay itim na sasakyan. At nakabuntot ito sa kanila. "Talagang mabinta ang beauty mo sa mga gangster, Ma'am Yellah," aniya. Sumimangot na naman ang dalaga nang marinig niya ang sinabi nito. "What are you saying?!" nakataas ang kilay nitong tanong. Hindi sumagot si Doyzkie at panay ang tingin niya sa center mirror. Ang akala naman ni Yellah ay siya ang sinisilip ng bodyguard. "Aray! Ano ba ang problema mo? Bakit mo ako binatukan?!" inis niyang bulyaw sa dalaga "Bakit ka ba panay sulyap sa akin?" mataray niyang tugon. He laughed. "Feeling ka rin ano? Bakit ba kita pagtiyagaan sa kasusulyap? Mas importante ang pagmaneho ko rito!" medyo napahiya naman si Princess Yellah sa turan ng lalaki. "Eh, bakit ka ba panay silip sa center mirror?" she asked. "May sumusunod sa atin," kalmado niyang tugon. "WHAT?! Again?!" Gulat at takot ang naging reaksyon niya at bigla itong napatalon sa harapan. "How did you do that?" Nagulat rin ang bodyguard at nakangisi ito. Dahil wala pang isang segundo ay nakalipat na ang dalaga sa tabi niya. "Huwag mo nga akong pagtawanan! Ang bully mo rin 'no!" kunot-noo niyang pahayag. "Paano mo kasi 'yon ginawa?" Pang-aasar niya rito. "Ang alin?" Maang-maangan niyang tanong. "'Yang paglipat mo diyan!" Nakangisi pa rin ito "Shut up!" Inis na inis ang dalaga. Biglang lumiko si Doyzkie sa kabilang kanto upang iligaw ang sasakyan na nakasunod sa kanila. Agad rin siyang tumawag kay general para ipaalam ang kanilang sitwasyon. "Mag-ingat kayo Albarracin, magpapadala agad ako ng back-up!" boses ni General Robinson sa kabilang ninya. "Copy, general!" "Akin na! I want to talk my Mom!" Biglang agaw ni Princess Yellah sa phone. "Hello, Mom… Mom…" paulit-ulit niyang sambit ngunit walang sumasagot. Tiningnan niya ang screen ng phone at end na pala ito. Tinapon niya ang phone ni Doyzkie, at tumambling ito sa bintana. Humahagikgik si Doyzkie dahil sa ekspresyon ng dalaga. "Oh! Bakit na naman?" nakangisi niyang tanong. "Okay ka rin no?! Kahit nasa panganib na tayo ay nagawa mo pang tumawa!" Asar na asar si Yellah sa kaniya. "Ano ang gusto mo?Nakasimangot na tulad mo? Okay na 'yong nakangisi na mamatay, kaysa nakasimangot na mamatay." "Ouch! Bakit na naman?! Naka tatlo ka na, ha! Sa pang-apat ay hahalikan na kita!" Pang-aasar nito. Nasaktan si Doyzkie matapos batuhin ni Yellah sa kaniyang sandal. "Jerk!" bulyaw nito sa kaniya. "Thank you!" tugon ng bodyguard. Hindi na pinatulan ni Doyzkie ang dalaga at nag-focus na ito sa pagmamaneho. Tiningnan niya ang side mirror at hindi na niya nahagilap ang kotse na nakasunod sa kanila. Ang akala ni Doyzkie ay nailigaw na nila ito. Subalit nagulat siya ng biglang humarang ang kotse na itim. "Oh my God!" sigaw ni Princess Yellah sa pagkabigla niya dahil mabilis na lumiko si Doyzkie. "Yuko!" utos nito, sabay bunot niya ng baril. Umalingawngaw ang putok mula sa kalaban at napasigaw si Yellah sa sobrang takot. Sinundan sila ng mga ito at nahirapan naman si Doyzkie. "Ma'am, ito ang baril, paputukan mo sila," utos niya dahil nahihirapan siya sa sitwasyon nila. "Ano?! Ayaw ko! Ayaw ko! Hindi ako marunong." At nakataas pa ang dalawang kamay niya. "My God! Anak ng general pero hindi marunong? Halika dito! Ikaw ang mag-drive." "Eh, paano?" tarantang tanong niya. "Dito, kumandong ka sa akin," utos ng bodyguard. "Ano?!" "Haisst! Puro ka ano! Bilis na!" bulyaw ni Doyzkie. Para namang natakot si Yellah sa bulyaw ng bodyguard kaya sumunod ito na wala sa oras. "Ouch! Ang tulis! Ano 'yan?" pagbibiro ni Yellah. "Baliw! Nagawa mo pang magbiro kahit nasa panganib na tayo!" turan niya. "At least nagawa ko pang magbiro kahit nasa panganib. Kaysa naman iiyak ako dito!" tugon naman niya. Napailing-iling ang bodyguard. "Maldita talaga!" bulong ni Doyzkie. "Tseh!" anang dalaga. Sunod-sunod na putok mula sa baril ni Doyzkie ang umalingawngaw at gumanti ang kalaban. "Oh— Lord, help!" sigaw ni Yellah, dahil tinamaan ang bintana ng kanilang kotse at dumaan iyon sa gitna. Gumanti na naman si Doyzkie at natamaan ni Doyzkie ang isang kalaban. At maya-maya pa ay sunod-sunod na ratatat ag narinig nila mula sa kapulisan. At sinundan ito ng isang malakas na pagsabog ng sasakyan ng kalaban dahil natamaan ang makina nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD