Dahil sa lakas na pagkakasuntok niya sa bibig ng lalaki ay pumutok ang kaniyang kamay. At si Doyzkie ang nakakapansin sa pagpatak ng dugo.
"Ma'am Princess, m-may sugat po ang iyong kamay," nag-alangan niyang sabi.
Agad namang tiningnan ng ina ang kamay niya. Medyo malalim ang sugat kaya marami ang lumabas na dugo.
"Here, ma'am, use this." Inabot ni Doyzkie ang kaniyang panyo.
"Thank you!" turan niya nang matapos nitong kunin ang inabot niyang panyo
"W-welcome!" .
Agad namang kinuha ni General ang panyo at itinali niya sa sugat ng anak.
"Are you okay, Yellah?"
"Yes, I'm okay, Mom. Thank you for saving my life," she replied with tears of joy in her eyes.
"As your mother, I'll do all my best to save you," her mother said, at niyakap siya ng ina.
"We're worried about you, my little sister," kaswal na wika ni Clyde.
"Oh, Kuya Clyde, thank you too!" tugon niya, sabay yakap sa nakakatandang kapatid.
"Anyway, you remember him?" tanong ni Clyde at tinuro si Doyzkie.
"Hmmm...Yeah! If I'm not mistaken, siya 'yong groomsmaid mo," tugon niya, at ngumiti naman si Doyzkie.
"How are you?" Doyzkie asked, and he blushed as he shook hands with Yellah.
"I'm okay now. Thank you also!" she replied.
"Welcome!" tugon nito
"Okay na, dude!" Pagbibiro ni Clyde, a sabay tinanggal niya sa kamay. "You're blushing, dude!" dagdag pa nito, sabay kurot sa mukha ng kaibigan.
"Halata ba, dude?" seryosong tanong ni Doyzkie, na bahagyang kinapa ang mukha niya.
"Hindi masyado, dude."
Hanggang sa nakabalik na ang mga ito sa Davao, napag-alaman ni General na ang dumukot kay Princess Yellah ay anak pala ni John Mel. Ang isang malaking drug lord na napatay nila ng kanyang partner. Nakulong ang Intsik, kasama ang isa pang lalaki. Napag-alaman rin ni General na isa itong leader ng mga gangster sa China. At may mga illegal pa itong mga negosyo. Hindi lang sa Pilipinas at China dahil meron din ito sa ibat-ibang bansa.
"Kung ganoon, delikado ang buhay ni Yellah," turan niya sa ina na may pag-alala ni Clyde.
"Hindi lang ang buhay ni Yellah, kasama na ang buhay ng ating buong pamilya," tugon ni General.
"Doyzkie, Simula bukas ay ikaw ang nagpoprotekta sa aking anak. Malaki ang tiwala ko sa 'yo." pahayag ni General, at nabigla naman si Doyzkie sa narinig.
"Ang ibig mong sabihin, general, magiging personal bodyguard ako ni Yellah?" Doyzkie asked.
"Exactly! Lahat ng lakad niya ay kailangan na kasama ka," tugon nito.
Halos hindi makasagot si Doyzkie sa narinig niya. Gusto niyang tumalon sa tuwa dahil lagi na niyang makasama ang babaeng nagpapatibok kaniyang matigas na puso.
"Wow! Good luck, dude. But be careful of her. May pagka-maldita 'yon at ayaw niya na may laging naka buntot," paalala ni Clyde.
"Dude, huwag mo naman akong takutin ng ganyan," pag-alala niyang tugon.
"I'm not joking, dude. Tanungin mo si General."
Hindi nagtanong si Doyzkie kay General, pero tumingin ito sa mukha.
"Clyde is right. Pero naniniwala ako na kaya mo iyon," General says
"Naku! Paano ako makaporma kay Yellah ngayon? Magiging amo ko na ito, ang hirap naman nitong pinagawa ni general sa akin. Sana iba na lang," bulong ni Doyzkie sa kanyang sarili.
DRIVER AT BODYGUARD ang naging papel ni Doyzkie sa buhay ni Princess. Kahit hindi siya komportable ay sinikap pa niyang maging okay sa trabaho niya.
"Bakit ba kasi ako pa ang napag-utusan ni general? Kung tutuusin meron pang mas maraming magagaling kaysa sa akin." Nagmamaktol ni Doyzkie habang hinihintay niya na lalabas mula sa bahay. Sapagkat may lakad ang dalaga at pupunta raw ito sa bahay ng mometa Divlen niya.
Nang makita ni Doyzkie si Princess na papalabas ng pinto ay agad na itong kinabahan.
"Oh! Relax, Doyzkie. Relax, huh!" aniya sa sarili.
Nagtaka naman si Princess nang makita niya si Doyzkie na nakatayo sa tapat ng kanyang kotse.
"What is he doing here?" she whispered.
"Good morning, Ma'am Yellah," bati niya na parang nilalamig ang boses.
"Good morning too! Hinihintay mo ba si kuya?" inosenteng tanong nito.
"Ah, Ma'am Yellah, I'm here for you. Because starting today. I work with you as your personal driver and bodyguard," Doyzkie's heartfelt response.
Lumaki ang butas ng ilong ni Yellah at kumunot ang noo nito nang marinig niya ang sabi ni Doyzlie.
"Who told you?" tanong niya na nagsalubong ang mga kilay.
"Utos ni general, ma'am," tugon niya at nakayuko siya.
Walang pasabi na bumalik sa loob ng bahay ang dalaga at naiwan si Doyzkie na nagpupunas ng pawis.
"Damn! Bakit ba ako ganito kapag si Princess Yellah na ang aking kaharap? Anak ng pating naman, oh!" galit niyang sabi sa sarili.
"Mom! Mommy…" sambit niya na tila galit sa ina.
"Yes?" tugon nito mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay at dumungaw sa kaniya.
"Bakit may driver at bodyguard ako?" direktang tanong niya.
"You need that, Yellah. You know na mainit pa sitwasyon ngayon," paliwanag nito sa anak.
"But, Mom! Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na may naka buntot sa akin."
"Yes, I know, baby. Pero alam mo naman na minsan ka nang nadukot."
Dahil sa ingay ng mag-ina ay lumabas na rin si Tom at nakisali sa usapan nila.
"Yellah, listen to your mom. Kapakanan mo lang ang iniisip namin kaya sundin mo na lang kami!" sabat ng kanyang daddy.
Bahagyang kinampay ni Princess Yellah ang kamay sa ere, palatandaan na wala siyang magagawa sa usapan nila. Muli siyang lumabas at nang makita ito ni Doyzkie na nakasimangot ay agad na naman siyang kinabahan at dali-daling binuksan ang pinto ng sasakyan.
"Saan po tayo, Ma'am Yellah? tanong niya.
"Sa bahay ni Mameta!" tugon nito na hindi nakatingin kay Doyzkie kung 'di sa labas ng bintana ng sasakyan.
Alam ni Doyzkie ang bahay kaya agad na niyang pinaandar ang kotse. Sobrang tahimik nilang dalawa habang nasa kalagitnaan sila ng biyahe at walang pansinan sa isa't isa.
Biglang tumunog ang phone ni Yellah at agad niya itong sinagot dahil ang boyfriend niya ang tumatawag
"Yes, sweety, how are you?" tanong niya sa kabilang linya, at si Doyzkie ay lihim lang na nakikinig.
"I Love you too, sweety," she replied.
Sa pagkarinig ni Doyzkie sa katagang iyon ay napatingin agad siya sa center mirror. At nakita niya ang sarap ng ngiti ni Yellah na may kasama pang pa-cute. Hindi napigilan ni Doyzkie ang sarili at nakaramdam ito ng konting pagseselos.
"My boyfriend na pala si, Yellah?" dismayado niyang tanong sa sarili.
"Okay, sweety. bye…" paalam nito sa kabilang linya.
"Okay, sweety, bye!" panggagaya ni Doyzkie.
"What?" Princess asks.
"Nothing, ma'am," he replied.
Hanggang sa makarating sila sa bahay ng Mameta niya.
"Hello, Yellah!" bati ng mameta niya.
"Hi, Mameta, I miss you!" tugon niya, sabay yakap sa tiyahin.
"Sino 'yang kasama mo?" tanong ng mameta niya.
Nakaismid muna si Yellah bago sumagot. "Driver and bodyguard daw sabi ni Mommy!" aniya na talagang banaag sa mukha ang pagkakontra-gusto.
"It's okay, baby. para rin 'yan sa iyong kaligtasan," tugon ng tiyahin, sabay akbay nito at nagtungo sa loob.
"Mameta, alam mo naman na ayaw ko sa ganyan," pahayag niya.
"Don't worry, kapag magiging okay na ang lahat ay mawawala rin 'yang bodyguard mo. But in fairness guwapo ang driver bodyguard mo." Panunukso ng mameta at bahagya naman siyang lumingon.
"Guwapo ba 'yan, Mameta?"
"Oo, bagay nga kayo." nakangiti nitong tugon.
"Mameta naman, eh!"
Ang totoo ay kilala ni Divlen si Doyzkie, pero binibiro lang niya ang spoiled brat na pamangkin.
"Si Tito Collin, at si Jhapdel, nasaan sila?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Nasa mall ang mag-ama may bibilhin daw sila," tugon niya rito.
Namalagi siya doon ng dalawang oras, bago ito nagpaalam na aalis na dahil dadaan daw siya sa mall.
Nang makasakay siya sa kotse, "Sa mall tayo," aniya na hindi man lang tumingin sa driver.
"Alam ba iyan ni general?" seryosong tanong nito ni Doyzkie.
"Kailangan ba talaga na lahat ng lakad ko ay naka-report sa general mo?" nakasimangot na naman niyang tanong.
"Mommy mo!" pagtama ni Doyzkie, at hindi niya nagustuhan ang tugon nito.
"Yeah! I know!" she replied.
"Yes, ma'am, iyan po ang bilin," he said.
"Haist!" Irita niyang tugon.
"Wala akong load!" turan ni Yellah.
"Oh, ito! Tawagan mo!" sabay abot ng kaniyang phone.
Hindi ito tinanggap ni Princess at bahagya lang siyang tumingin sa kaniya.
"Ikaw na ang tumawag!" pabagsak niyang utos, sabay lingon.
Tinawagan ni Doyzkie si General at pumayag naman ito kaya nagtuloy sila sa mall.
Habang naglalakad si Yellah ay nakabuntot naman si Doyzkie sa kaniya. Kapag nakita niya ang lalaki ay talagang nakasalubong na ang mga kilay niya.
Agad nakaisip ng kapilyahan si Princess, upang mailigaw niya ang lalaki. Kunwaring pumasok siya sa fitting room at bahagya niyang sinilip ang lalaki.
Nakatalikod ito kaya dahan-dahan siyang gumapang sa ilalim.
"Akala mo hindi kita masalisihan!" bulong niya, na bahagya pang nakangisi.
Nang tumayo na siya, "Hah!" napasigaw siya. Sapagkat ang mukha ng bodyguard ang nabungaran niya at nakangisi ito na abot tainga.
"Akala mo lang na masalisihan mo ako!" tugon ni Doyzkie, at narinig pala siya.