bc

BILLIONAIRE Series #4: GENERAL DAUGHTER

book_age18+
2.2K
FOLLOW
16.6K
READ
billionaire
arrogant
independent
dare to love and hate
boss
tragedy
bxg
office/work place
enimies to lovers
wild
like
intro-logo
Blurb

KINAINISAN at Kinasuklaman ni Princess Yellah ang bodyguard niya dahil sa palagi itong nakabuntot sa kaniya. At laging pinakialam ang relasyon nila ng boyfriend niyang isang amerikano. Na ang buong akala niya na isang mabuting tao. Subalit sangkot pala ito ng international syndicate.

Natuklasan ni Princess Yellah at nang bodyguard niya na kasamahan pala ni Ralph Stallion ang pinuno ng mga gangster na dumukot sa kaniya.

Hindi madali ang pagiging bodyguard ni Doyzkie sa anak ng General. Dahil kaliwa't kanan ang kalaban. Pero lahat gagawin ng bodyguard para protektahan ang amo niya naubod ang sungit. Alang-alang sa pagmamahal niya rito kahit buhay nito ay handa niyang ibubuwis sapagkat ganoon niya kamahal si Yellah.

Agaw-buhay ang bodyguard nang ipagtapat ni Princess Yellah ang tunay nitong nararamdaman para sa bodyguard na dati niyang kinasusuklaman.

Kakayanin kaya ni Princess Yellah ang mabuhay kung wala na sa tabi niya ang bodyguard na totoong nagmamahal sa kaniya?

chap-preview
Free preview
Episode 1: Kidnapped
THE DAY OF CHRISTMAS. Nagpaalam si Princess sa kaniyang nobyo na si Ralph Stallon. Na uuwi siya ng Pinas, dahil nakasanayan ng kanila na every christmas ay magkasama silang buong pamilya. "Please, sweety Take care of yourself," Ralph says. "I will, sweety. Anyway, my family wants to meet you in person. Can you follow me there?" she asked. "Hmmm … I'll try, sweety. You know how busy I am here," his replied. "It's okay, sweety. I understand," she said and the expression on her face was unhappy Ralph kissed her lips and hugged her tightly. "I love you, sweety." "I love you too, sweety!" she replied. Hanggang sa nakapasok na si Princess sa loob ng plane. She felt happy because she could be with the whole family again, especially her nephew. Hindi alam ng pamilya niya na may nakaambang na panganib sa pagdating ni Princess Yellah. Sa loob ng airport, maraming kalaban ang nag-aabang sa paglabas ni Princess Yellah. Nakasuot ang mga ito ng unipormeng pang pulis. Hanggang sa nag-landing na ang eroplanong sinakyan ng dalaga. Dahil sa sobra niyang excited na makita ang mga magulang ay dali-dali siyang bumaba mula sa eroplano. Hindi pa siya nakarating sa waiting area ay may lumapit na sa kaniya na tatlong lalaking naka-police uniform. "Ms. Robinson?" the policeman asks. "Yes?" she replied. "This way." "Okay … Thank you!" Dahil sa pag-akala niya na ang mga police na iyon ay inutusan ng ina niya kaya agad siyang sumama. Nagtataka si Princess Yellah, dahil hindi niya nakita ang kaniyang pamilya. "Wait! Where is my parents?!" kunot-noo niyang tanong. Hindi sumagot ang nagpapanggap na police hanggang sa tinulak siya papasok sa loob ng isang kulay itim na van at doon siya nakaramdam nang sobrang takot. "Hey! What the hell are you doing?! Sino kayo?" galit niyang tanong, sapagkat tinulak siya. Ngunit ni isa ay walang sumasagot sa kaniya, agad namang kumilos ang isang lalaki at tinalian ang dalawang kamay niya. "Please don't do this to me!" At nagpupumiglas siya. Subalit maagap namang kumilos ang isa para mahawakan siya at pagkatapos siyang matalian ay ang bibig naman niya ang tinakpan at ganoon rin ang kaniyang mata. "Hello, bossing. Hawak na namin ang anak ni General Robinson." "Okay, good! Mag-ingat kayo dapat walang makakaalam kung saan ninyo siya dalhin," boses sa kabilang linya. Natanto ni Princess Yellah na ang kausap ng lalaki ay isang Intsik, dahil sa pananalita nito. "Bossing, saan namin ito dadalhin?" "Kayo dala bihag isla, ako sunod doon." "Okay, bossing." "Hmp! Hmp!" tanging boses ni Princess, at wala siyang alam kung saan siya dadalhin ng mga ito. Samantala, hindi mapakali si General Robinson sa loob ng airport. Sapagkat mahigit dalawang oras na silang naghihintay ngunit hindi pa rin nila makita ang bunsong anak. "Thart, tanungin mo nga doon kung nakarating na ba ang plane na sinakyan ng anak natin." "Okay, thart." Agad tumalikod si Tom at nagtungo sa reception. "Mine, hawakan mo muna si JP, pupuntahan ko muna si Mommy," wika ni Clyde sa kaniyang may bahay na si Alona Morhina. "Akin na," tugon niya, sabay karga sa dalawang taong gulang na anak. "Ma, may problema ba?" "It's almost two hours na, Clyde. Pero wala pa ang kapatid mo." Tiningnan naman ni Clyde ang kaniyang relo at saka naman siya nakaramdam ng sobrang pag-alala. "Where is Dad?" "Pinapapunta ko sa reception para alamin kung dumating na ba ang plane na sinakyan ng kapatid mo." Dahil nag-alala na rin si Clyde sa kapatid niya ay tumulong na ito sa paghahanap. Patakbo namang bumalik si Tom sa kanila. "Thart, kanina pa raw dumating at nakalabas na rin daw ang anak natin." Banaag sa mukha niya ang sobrang pag-alala. Tumawag agad si General Robinson sa headquarters ng pulisya at NBI. Upang imbestigahan ang airport. Dahil hindi nila mahagilap si Princess Yellah ay huli nilang pinuntahan ang security office at doon tinitingnan nila ang CCTV. "Look, Mom, Dad!" bulalas ni Clyde at tinuro niya ang kapatid sa monitoring. Nakita nila na may tatlong pulis na nagsundo kay Princess, hanggang sa paglabas nito. Tiningnan rin nila ang sa labas ng airport at nakita nila na isinakay ito sa kulay itim na van at naklaro rin ang plate number ng sasakyan. Kumilos naman ang mga kapulisan at NBI, upang tugisin ang dumukot kay Princess Yellah. Samantala kasalukuyang nasa laot na sila Princess, at patungo sa isang maliit na isla. Kahit nakatakip ang mga mata niya ay hindi pa rin nito mapigilan ang mapaluha. Dahil ramdam niyang malayo na siya sa kabihasnan. "Oh, God. Ikaw na po ang bahala sa akin." She secretly prayed. Hanggang sa tumigil na ang bangkang de-motor, hindi na siya nanlaban dahil alam niyang wala rin siyang magagawa. Sapagkat nasa gitna siya nang karagatan. "I don't want to fight them, dahil masasaktan lang ako," wika niya sa sarili. Naglakad sila na hindi niya alam hanggang sa napansin niya ang pagbubukas ng pinto at pumasok sila. Inalis ang piring sa mga mata niya at matalim niyang tinitigan ang dalawang lalaki. Tinandaan niya ang mga mukha nito, "Kapag makalaya ako rito humanda kayo sa akin!" she whispered to herself. "Baka gusto mong dukutin ko iyang mga mata mo!" Pananakot ng lalaki sa kaniya. Natauhan si Princess Yellah sa kaniyang pagtitig at yumuko agad siya. "Sandali! Kalagan ninyo ako!" Pahabol niya sa papaalis na mga lalaki. "Hindi! Baka tatakas ka pa!" "You know guys? You are all stupid and cowards!" pambu-bully niya sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawang lalaki at umiling-iling. "Paano ba ako makatakas?! Ikinulong na nga ninyo ako dito sa kuwarto, tapos isang isla pa itong dinalhan ninyo sa akin! Makakatakas pa ba ako? Mga tanga!" Pang-aasar pa rin niya. "Sumosobra na ang babaeng 'to! Baka gusto mong dukutin ko iyang dila mo!" Galit na humarap ang isang lalaki sa kaniya. "Do it!" Hinahamon pa niya ang lalaki. "Hayaan muna, huwag mo ng patulan! Halika na!" At hinila ng lalaki ang kaniyang galit na kasama. ISANG linggo ang nakalipas mula nang madukot si Princess Yellah, at sobrang nabahala si General Robinson para sa kaligtasan ng kaniyang anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
901.2K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.3K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
328.9K
bc

My Last (Tagalog)

read
489.6K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
635.1K
bc

My Son's Father

read
585.7K
bc

SILENCE

read
386.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook