Lumabas ang tatlong gangster para harapin ang mga NBI at mga kapulisan. Naiwan naman ang iba sa loob upang protektahan ang boss nila.
"Akala ko kayo ingat! Bakit dami pulis dating?!" galit na tanong ng Intsik.
"Partner, hanip pala itong mga kalaban natin!" turan ni Doyzkie.
"Oo nga, partner. Paano ba napadpad ang mga taong 'to dito?" Pagtataka ni Clyde.
"Yaaaah!" Mala ninja-moves na boses ng isang Intsik na sumalubong kay Doyzkie.
"Aba! Matindi 'to!" At bahagyang natawa si Doyzkie.
Muling nag-ninja-moves ang kalabang Intsik at pumorma na naman ito.
"Yaah! Yaah! Too!" Panggagaya ni Doyzkie, at sabay baril niya sa Intsik. Agad naman itong natumba.
"Hanip, partner, ah!" napailing-iling at natatawa si Clyde sa ginawa ni Doyzkie.
Nagtitili na naman ng isang Intsik na sumugod kay Clyde. Hindi niya nakalabit ang kaniyang baril dahil naunahan siya sa pagsipa at natapon ang baril niya. Dahil marunong naman nang kunti sa martial arts si Clyde, kaya hinarap niya ito nang mano-mano.
"Sh*t! bulalas ni Clyde, dahil natamaan siya sa
sipa at natilapon siya.
Muling sumugod kay Clyde ang kalaban at sabay sipa na naman sana. Ngunit maagap itong nasalo ni General Robinson.
"Mom?"
Bulalas niya at bahagyang lumaki ang mga mata.
Hindi ito makapaniwala na ang kaniyang ina ay magaling pala ito sa martial arts. Si General Robinson ang humarap sa Intsik at silang dalawa ang naglaban.
Napasigaw ng kalaban, sapagkat binali ni General Robinson ang paa nito na wala man lang kahirap-hirap.
"Wow!" boses ni Clyde na humanga sa kaniyang ina.
Nang makita ni Clyde na may isa pang Intsik na paparating at barilin sana ang kaniyang ina. Buti na lang ay maagap niyang dinampot ang kanyang baril at sabay tutok sa kalaban.
Dalawang sunud-sunod na putok mula sa baril ni Clyde ang umalingawngaw. Napalingon naman ang ina at nakita ang isa pang Intsik na humandusay. Agad tinapos ni General Robinson ang buhay ng isang gangster, at binali niya ang leeg ng Intsik.
"Thank you, son!"
SAMANTALA sa loob ng rest house.
"Ikaw kuha bihag, bilis!" utos ng kanilang boss sa tauhan niyang Pinoy.
Mabilis naman na kumilos ang tauhan at pinuntahan si Princess. Sa labas ay patuloy pa rin ang putukan at nakaramdam naman ng takot ang mastermind.
"Halika rito!" boses ng lalaki sabay hila niya kay Princess Yellah.
"Saan mo ako dadalhin!?" Nagpupumiglas si Princess.
"Huwag kang maraming tanong! Sumama ka na lang!" anang lalaki.
"Humanda ka sa akin kapag nailigtas ako! Dahil makakatikim ka talaga sa akin! Hindi lang sipa ang matatanggap mo sa akin! Tandaan mo 'yan!" Banta niya sa lalaki.
"Kahit nasa panaginip ka na ay matapang ka pa rin!" Nakataas ang kilay ng lalaki, dahil sa inis nito sa bihag.
"Basta tandaan mo 'yan! Itaga mo sa bato!"
Talagang nagtanim ng galit si Princess Yellah sa lalaki na dumukot sa kaniya. Lalo na at sa Intsik na sumasampal sa kaniya.
At maya-maya pa ay sunod-sunod na putok ang umalingawngaw malapit sa kinaroroonan nila Princess.
Agad siyang nagsisigaw. "Help! I'm here! I'm here!"
"Don't shout!" Pigil ng Intsik na halatang natatakot na.
"Ikaw takot? Ikaw handa akin, ha!" pahayag ni Princess, na bahagya pang ginagaya ang boses nito.
"Partner, dito!" tawag ni Doyzkie sa kaniyang partner.
Dali-dali namang lumapit si Clyde at kapwa ang dalawang na nakaplastada sa may pintuan. Nagsenyas naman si Doyzkie na sabay silang dalawa at itutulak nila ang pinto. Kaya nagsimula si Doyzkie na magbilang.
"Uno… Dos… Tres!"
Bumagsak ang pintuan at sabay ang dalawa na pumasok.
"Princess!" bulalas na sambit ni Clyde nang makita niya ang kapatid na hawak ng isang Intsik.
At tinutukan ito ng baril ang ulo nito, kinabahan agad si Doyzkie para sa kaligtasan ng babae.
"Kuya, please help me!" Nagmamakaawang boses ni Princess.
"Kayo baba baril! Kung 'di sabugin ko ulo nitong babae!" Pananakot sa kanila ng Intsik.
"Partner, ibaba natin!" utos ni Clyde, dahil nag-alala ito para sa kapatid. Dahan-dahan nilang ibinaba ang kanilang mga baril.
"Ikaw kuha kanila baril!" utos ng Intsik sa kaniyang alalay, tanging silang dalawa na lang ang natira.
Nagmadali namang lumapit ang lalaki at pinulot ang kanilang mga baril.
"Kung ayaw mong utak mo ang unang sasabog taas mo ang iyong mga kamay!" boses na nagmula sa likod ng Intsik.
Dahil nakatutok ang baril ni General Robinson sa ulo nito kaya hindi na ito nanlaban at itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay. Agad namang kinuha ni General Robinson ang hawak nitong baril.
Nang mapansin ni Princess Yellah na hindi na siya hinahawakan ng Intsik ay agad siyang humarap at namumula ang mukha sa sobrang galit.
"Animal ka!" galit na galit na pahayag ni Princess.
Kaliwa't kanan na sampal ang iginanti niya rito. Napasigaw ang Intsik matapos apakan niya ang paa nito. At kaliwa't kanan na naman na suntok sa mukha. Pagkatapos ay sinipa niya ang harapan nito, "Ito pa!" wika niya at napaungol sa sobrang sakit ang Intsik, sapagkat natamaan ang itlog nito.
Habang namimilipit ito sa sakit ay hindi pa nakontento si Princess Yellah, ay inupuan niya ito. Kaliwa't kanan na naman niyang sinampal ang lalaki.
"B!tch! B!tch! Go to hell!" wika niya rito na sobrang nanggigil sa galit.
"Enough, baby..." pag-awat ng ina. At pinaalma niya ang anak. Alam niya ang ugali nito na hindi titigil kapag hindi huhupa ang galit. Lalo na't nasasaktan ito.
"They hurts me, Mom!" sumbong nito at umiiyak.
"Shh … you're safe now," turan ng ina, habang yakap ang dalaga.
"Wait Mom. I'm not done yet!" tugon nito at tumayo para harapin ang lalaking dumudukot sa kaniy na kasalukuyang hawak ni Doyzkie.
"What I told you, huh?" Matapang niyang hinarap ang lalaking dumukot sa kaniya.
Si Doyzkie naman ay lihim na napangiti dahil nakaharap na niyang muli ang babaeng lihim nitong minahal.
"Ma'am, patawad na po, napag-utusan lang naman kami," pahayag ng lalaki na parang alam na kung ano ang gagawin ni Princess Yellah sa kanya.
Patawad? Ito, oh!"
Sunod-sunod na suntok at sampal niya Princess sa mukha ng lalaki.
"Princess, tama na..." nakangiting awat ni Clyde at niyakap niya ang kapatid.
"Baby, tama na," wika naman ng ina at napailing sa katapangan ng anak.