DUMATING si General Robinson at kasama si Clyde. Sobra ang kanilang pag-alala para kay Princess.
"Are you okay?" General Robinson asked.
"I'm not okay, Mom! Because everytime I go out it is always like this!" she replied with tears in her eyes.
"Calm down, little sister," sabat ni Clyde at niyakap ang kapatid na puno sa nerbiyos.
"Good job, Albarracin. Thank you so much!" Naka-salute si general sa bodyguard.
"It's my duty to protect her," naka-salute niyang tugon.
"Thank you, dude." Clyde says.
"Welcome, dude."
Hanggang sa nakauwi na sila sa mansion at nagpaalam na si Doyzkie.
"Mag-iingat ka," bilin ni general, bago siya umalis.
"I will. Thank you!"
"Oh, bago ko pala makalimutan, ito pala ang regalo ng aking pamilya." Sabay abot ng isang maliit na gift box.
"Naku! Thank you so much, general. Ummm... m-may gift pala ako para kay Yellah. Okay lang ba, general?" nahihiya niyang sabi.
"Of course." At nakangiti ito.
"Ito po, general, pakisuyo po," nahihiya niyang sabi, at sabay bigay sa hawak niyang regalo.
"You want I call her?"
"Huwag na, general. Alam kong pagod 'yon," aniya rito. Hanggang sa nakaalis na siya.
Masaya ang mga magulang ni Doyzkie, nang makita nila ang nag-iisang anak at agad siyang sinalubong ng mommy niya.
"Son, Merry Christmas!" bati ng ina niya, at sabay yakap sa kaniya.
"Merry Christmas too, Mom. I miss you!" he replied.
"Mukhang pumayat ka, anak. Marami bang trabaho?"
" Medyo, mom, saan si Dad?"
"Nasa kusina, nagluluto."
"Sipag talaga ni Dad."
Pumasok ang dalawa na magkaakbay, ganoon sila ka-sweet ng mommy niya.
"Son, bakit bihira ka na lang umuuwi dito?"
"Medyo mahigpit kasi ang trabaho ko ngayon, Mom. Naka-asign ako sa anak ni Genaral Robinson, as a personal bodyguard."
"Ganoon ba? Okay naman ang trabaho mo?"
"Actually, hindi, eh. Pero okay na rin."
"Anong klaseng sagot 'yan?" nalilitong tanong ng kanyang ina.
"Paano naman kasi, ang babaeng lihim kong minahal ay siya pa ngayon ang amo ko," malungkot niyang tugon.
"Oh, ayaw mo niyan? Lagi mo siyang nakakasama."
"Lage nga, pero hindi naman ako makaporma sa kaniya."
"Talagang nagmana ka sa iyong daddy, na kailangan pa na babae ang manligaw." Napailing-iling ang ina niya.
"Son…" sambit ng ama niya, nang makita siyang pumasok sa kusina.
"Hi, Dad! Merry Christmas," masayang tugon nito, at sabay yakap sa ama.
"Merry Christmas too, son. Mabuti at nakauwi ka."
"Of course, nangako kasi ako ka, Mommy na dito ako mag-pasko."
"Mabuti naman kung ganoon."
"Ano ba 'yang niluluto mo, Dad?"
"Ang mga paborito mo."
"Wow! Thank you, Dad."
Hanggang sa sumapit ang alas-dose.
"Merry Christmas!l…" sabay-sabay nilang sigaw.
"Son, ito regalo ko sa'yo."
"Thank you, Dad,"
"Merry Christmas, anak!" masiglang bati ng mommy niya at inabot rin ang regalo nito para sa kaniya.
"Thank you, Mom, Dad. Wait, kukunin ko muna ang gift ko para sa inyo," turan ni Doyzkie at nagtungo siya sa kaniyang sasakyan upang kunin ang regalo niya para sa mga magulang.
"Naku! Nakalimutan ko pala ang regalo ni general sa akin, ano kaya ito?" bulong niya.
Hanggang sa nakabalik na siya sa loob at agad niyang ibinigay ang mga regalo niya. Pagkatapos ay pinagsaluhan na nila ang mga pagkain na nasa hapag-kainan.
"Son, kailan mo pala ba balak mag-asawa?" tanong ng ama nito.
"I don't know yet, Dad. Medyo malabo kasi iyong babaeng gusto ko dahil may nobyo na."
"Son, nobyo pa lang naman at hindi pa mag-asawa, kaya may pag-asa ka pa."
"Paano magkaroon ng pag-asa iyang anak mo? Eh, manang-mana sa iyo naghihintay na liligawan ng babae," sabat ng kanyang mommy.
"Why, Mom? Ikaw ba ang nanliligaw kay Daddy noon?"
"Exactly!" agad nitong sagot.
Tawang-tawa naman ang daddy niya at napapailing sa pangbubuking ng asawa niya. Kahit si Doyzkie ay hindi maiwasang mapahagalpak nang tawa. Hanggang sa matapos na silang kumain at pumasok na siya sa kuwarto. Agad niyang binuksan ang regalo na bigay ni General Robinson.
"Wow!" Lumaki ang kaniyang mga mata sa laman ng regalo. Isang mamahaling sports watch ang bigay ng pamilyang Robinson sa kaniya.
SAMANTALA sa tahanan ng mga Robinson ay masaya nilang sinalubong ang pasko. Nandoon sina Divlen at Collin kasama ang kanilang mga anak. Nandoon rin si Clyde at si Alona at ang kanilang anak na si JP, at ang mga magulang ni Alona.
"Merry Christmas… Merry Christmas!" sigaw nilang lahat. Pagkatapos ay ibinigay na sila ng kanilang mga gift sa isa't isa. Napansin ni general na parang may hinahanap ang kaniyang dalaga kaya nilapitan niya ito.
"Si bodyguard ba?" agad niyang tanong rito.
"Yes. Mom."
"Wala siya, umuwi sa kanila. Ito pinapabigay niya sa 'yo." Sabay abot niya rito.
She was really happy, dahil may regalo pala ang bodyguard para sa kaniya. But feeling sad naman ito sapagkat hindi niya naibibigay ang regalo niya para rito.
Excited siyang binuksan ang gift na galing kay Doyskie.
"Wow! I love it!" And she smiled.
Isang white gold bracelet ang bigay ni Doyzkie sa kaniya. At may dalawang nakabitay na angel, one girl and one boy.
"I really like it…" aniya. Bahagya pang itinaas ang isang kamay at iwinagayway niya ito.
"Mukhang masaya si Mommy." Parinig ni Alona, at papalapit ito sa kaniya na hawak si PJ.
"Yes, Ate Alona, nagustuhan ko kasi ang bigay ni bodyguard."
"Talagang maganda naman siya," puri naman ni Alona.
Hanggang sa lumipas ang pasko at nagpaalam na si Princess Yellah sa kanyang mga magulang na babalik na siya ng America.
"What?!" Nagulat si princess Yellah sa tugon ng mommy niya sapagkat hindi niya ito inaasahan.
"Yes, Princess. You need him."
"But, Mom… I want privacy!" she replied.
"Yeah I know and I understand you. Pero magulo pa ang sitwasyon ngayon."
"Mom, please… Ayaw ko na may laging nakabuntot sa akin."
"That was your father's decision and I can do nothing," katuwiran ng ina niya.
Kapag-utos na nang kaniyang ama ay talagang hindi na makatanggi si Yellah. Hindi rin siya pinayagan ng magulang na aalis agad-agad. Sapagkat ang gusto ng mga ito ay kasama siya sa pagsalubong ng bagong taon. Sinadiya rin nila iyon para may oras pa sa pag-aasikaso ng mga dokumento ni Doyzkie.
Final decision ng mga magulang ni Princess Yellah ay kasama si Doyzkie sa kaniyang pagbalik ng America.
Hindi pa ito alam ni Doyzkie, kaya kailangan pa nila itong makausap ng masinsinan
Nakatakda ang pag-alis niya, after ng bagong taon kaya medyo mahaba-haba pa ang titiisin ng dalaga. Tinawagan ni General Robinson si Doyzkie. Upang kausapin tungkol sa pagsama niya sa abroad.
"Good morning, general!" bati agad nito sa kabilang linya.
"Good morning, Albarracin. Puwede ka na bang maka-report bukas?"
"Yes, general, puwede na."
"Good! Tawagan mo agad ako kapag makarating ka na dito sa bahay. Dahil may importante tayong pag-uusapan."
"Copy, general."
Kinabukasan ay maagang nagpaalam si Doyzkie sa mga magulang niya. Hindi naman siya kayang pigilan ng mga ito sapagkat alam nila ang tungkulin ng nag-iisa nilang anak, pero nangako naman ito na sa bahay nila magbagong taon. Nang makarating si Doyzkie sa mansion ay agad niyang tinawagan si General Robinson, sinabihan naman siya na mag-report sa opisina, kaya pumasok agad siya sa loob ng bahay. Nasa tapat ng pinto na siya at kumatok ito.
"Come in…" boses ni genera sa loob.
"Please, sit down!"
"Salamat, general."
Pinag-usapan agad nila ang tungkol sa pagsama niya sa America at nabigla naman si Doyzkie sa narinig niya. Ayaw sana nito, dahil nag-alala siya sa kaniyang mga magulang at ayaw niyang malayo sa mga ito.
"Ayaw ko sana general, nag-aalala kasi ako sa aking mga magulang. Alam mo naman na nag-iisa lang ako, pero alang-alang sa kapakanan at kaligtasan ng inyong anak ay sasama po ako."
"Salamat, Albarracin. I know na kaya mong gawin ang lahat para sa anak namin. Because we both know na mahal mo siya." Nabigla si Doyzkie at napatingin kay general na wala sa oras. At nakaramdam siya ng konting pagkahiya sa sarili.
"Don't worry, Albarracin, hindi kami tutol kung ikaw ang magiging boyfriend ni Yellah. We'll support you and we trust you. Ang sa amin lang ay maprotektahan siya sa kapahamakan. Please, take care of her and do your best para makuha mo ang kaniyang loob, pagkakataon mo na ito," pahayag ni general, ay ikinatuwa ito ni Doyzkie.
Nakaramdam naman ng malaking pag-asa at sobra-sobrang kagalakan ang nararamdaman nito.
"Thank you so much sa pagtitiwala sa akin general," masaya niyang turan.
Hanggang sa natapos ang kanilang pag-uusap at lumabas na siya mula sa opisina. Nagtuloy siya sa kusina upang magtimpla ng kaniyang kape. Hindi niya inaasahan na naroon pala si Princess Yellah.
"Good morning, ma'am!" masigla niyang bati rito.
But she did not respond. Kaswal lang siyang tiningnan at umalis agad ito. Masaya si Doyzkie, dahil nakita niyang suot ni Yellah ang regalong bigay niya.
"Hindi baleng walang thank you, basta suot mo lang iyan," he whispered.
Nang matapos magkape ay pumasok na siya sa kuwarto niya. Kakahiga lang niya sa kama, nang may biglang kumatok at agad naman siyang bumangon at binuksan ang pinto.
"M-ma'am Princess?" gulat niyang sambit.
"Here's my gift!" At inabot niya ang regalo.
"Wow! Thank you, Ma'am Yellah!" Abot-tainga ang ngiti ni Doyzkie, habang nagpapasalamat sa amo.
"Welcome!" she said.
Pagkatapos ay bumalik na ang babae sa loob ng bahay.
Nakangiting pinagmasdan niya ang regalo na halos hindi makapaniwala na naisipan pala siyang bigyan ng maldita niyang amo. Umupo siya at binuksan niya ito.
"Wow!" Sobrang saya niya dahil nagustuhan nito ang jacket na regalo, sapagkat isa ito sa kaniyang mga collections. Tumayo siya para isukat ang jacket at sabay hubad niya ng damit.
"THANK Y—" Biglang bukas ni Yellah sa pinto para sana magpasalamat. Subalit hindi niya ito natapos nang makita nitong nakahubad siya.
"Yes, ma'am?" tanong niya sa nakanganga na amo at nakatitig sa maskulado niyang katawan.
" A-a I said! Thank you sa regalo mo. Sige!" kandautal nitong tugon na halatang nakaramdam ng hiya sa sarili.
Napailing na lang si Doyzkie at ipinagpatuloy ang pagsusukat.
SUMAPIT ang araw ng kanilang pag-alis at sa airport pa lang ay nakasimangot na ang dalaga at wala ito sa mood.
"Dude, ikaw na ang bahala sa kapatid ko," bilin ni Clyde.
"Oo, dude."
"Albarracin, Please take care of her," paalala ni General Robinson.
"Yes, general. I will!" Sabay salute.
Papasok na sana sila nang may biglang tumawag sa pangalan ng lalaki
"Doyzkie!"
Napalingon naman sila nang marinig ang boses ng kaniyang ama at ganoon rin si Princess Yellah.
"Dad… Mom…" sambit niya, sabay lapit sa mga magulang at nag-alala siya para sa kaligtasan ng mga ito.
"Pasensya ka na, son. Makulit ang mommy mo," anang ama niya.
"Doyz, mag-ingat ka doon, ha. Huwag mong pabayaan ang sarili mo," bilin ng ina niya, at luhaan ang mga mata nito.
"Yes, Mom. I will!" Sabay yakap nito.
"Anyway, Mom, Dad. Ito pala si Ma'am Princess Yellah ang amo ko."
"How are you, iha?" bati ng ina niya.
"I'm good po." Sabay halik niya sa ina ni Doyzkie.