Chapter 2

1479 Words
“Mag-isa ka na naman.” Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko si Luca na nasa gilid ko na pala. Sobrang gwapo niya kahit nakasuot siya ng uniporme ng eskwelahan na puting polo, black slacks and black shoes na sobrang kintab. Mukhang mahihiya pa yata ang langaw na dumapo doon sa sobrang kintab. Biglang nagrigodon ang t***k ng puso ko lalo na at umupo na lang siyang bigla sa tabi ko. Marami naman sanang mga bakanteng upuan sa library kung saan kami naroroon pero sa tabi ko talaga siya umupo. Kaya ‘ayan tuloy at pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Diyosmiyo! Ang lakas niya talagang makahatak ng atensyon. Ang gwapo naman kasi ng lalaking ito! Tiningnan ko lang siya at patay-malisyang ibinalik ang tingin ko sa nakabukas na notebook at libro sa harap ko. Nagkunwari akong magsusulat ulit kahit hindi ko na alam ang mga sinusulat ko sa notebook. “Hindi ka ba natatakot na baka maging outcast ka dahil kinakausap mo ako?” tanong ko sa kanya nang hindi tumitingin. Inilapag niya ang bag niya sa mesa. Sinulyapan ko siya saglit at nakita siyang nakapalumbabang nakatingin or more like nakatitig sa akin. “Wala naman akong pakialam kung hindi nila ako pansinin. Isa pa nandiyan ka naman.” Napatigil ako sa pagsusulat at nilingon siya? “Ano ang ibig mong sabihin?” Tinaasan ko siya ng kilay. “Kung ‘di nila ako pansinin, eh ‘di sa’yo na lang ako sasama. Sabi nga ni Abraham Lincoln, ‘A friend is one who has the same enemies as you have.” Napatawa ako nang mahina. Maski ako hindi ko alam kung bakit ako napatawa. Pero buo na rin ang loob ko na hindi siya pansinin. Ayokong madamay siya sa pangbu-bully sa akin ng kapatid ko kahit pa nga wala naman sa itsura niya ang nagpapa-bully. I shrugged and continued doing my stuff. In the corner of my eye, I saw him opening some books too. Ni hindi ko napansin na may mga dala pala siyang books kanina. Magsusulat sana ulit ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses-babae. “The apple doesn’t fall far from the tree talaga, ano? Ano ito? Are you trying to be mysterious para makuha mo ang atensyon ng transferee?” The mocking in her voice was so evident. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh. I sighed. Wala akong balak na patulan si Jessica kaya nanatili na lang akong tahimik. Inimpis ko ang mga gamit ko at isinilid ang mga iyon sa loob ng bag ko. Tatayo na sana ako pero bigla rin akong napasubsob sa mesa dahil sa pwersa mula sa likod ko. “Hoy!” saway ni Luca. Napatayonsiya at agad akong dinaluhan. Lumingon ako para sinuhin ang nagtulak sa akin kahit pa nga alam ko na kung sino ang salarin. Nakita ko ang nakangising si Jessica kasama ang tatlong mga alipores niya. “Ano, papalag ka na? Bakit? Dahil may ipinagmamalaki ka na? Sino ba ang pinagmamalakihan mo? Paniguradong nilandi mo lang naman ang lalaking ito. Talent niyo talaga ‘yan ng nanay mo, ‘no?” Binalingan nito si Luca habang nakahalukipkip. “Kung ako sa iyo, layuan mo ang babaeng ito. Malandi siya katulad ng nanay niyang kabit!” “Sa pagkakaalam ko nasa wastong gulang naman na ako para magdesisyon para sa sarili ko. Alam ko na rin ang tama sa mali. Naturingan kang edukada at mayaman pero ang ugali mo asal-kalye. Kung nagkasala man ang nanay niya, labas na siya roon. Bakit siya ba ang naghikayat sa mga magulang ninyo na mag-sëx? Hindi naman ‘di ba? Ba’t ka sa kanya magagalit? Dapat doon ka magalit sa mga taong gumawa ng kasalanan, hindi sa resulta dahil biktima lang rin siya!” Napanganga ako sa litanyang iyon ni Luca. I was speechless, pati si Jessica ay wala ring masabi. Mas tumalim lang ang nga matang tiningnan kaming dalawa ni Luca. Kulang na lang ay maglabas ng usok ang ilong niya sa sobrang gigil. “You don’t know me! Pag-isipan mong mabuti kung sino ang binabangga mo at baka bukas kickout ka na!” “Bakit ‘di mo subukang gawin ‘yan? Hinahamon kitang gawin mo ‘yan para may dahilan na akong i-submit ang audio recording na ito—” Itinaas niya ang cellphone na naka-on ang voice recording. —“sa tatay mo mismo. Kilalang-kilala naman siguro ng tatay mo ang boses mo. So ano kaya ang mangyayari kapag nalaman niyang ito ang ginagawa mo sa kapatid mo?” Biglang namutla ang mukha ni Jessica pagkakita sa cellphone. Hindi na siya nagsalita at padabog na naglakad palayo sa amin. Nakalayo na si Jessica nang marinig ko ulit ang boses ni Luca. “Okay ka lang ba?” Napalingon ako sa kanya. Feeling ko luluwa na ang mga mata ko sa sobrang gulat dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. I could even smell the mint in his breath. Kumalat ang kilabot sa katauhan ko—not in a bad way though. In fact, I liked the thought that we were close. Bigla akong nailang sa naisip ko at nagbawi nang tingin sa kanya. Diyos ko! Ni hindi ko pa kilala ng lubusan ‘yong tao! Marahan ko siyang itinulak dahil halos para na rin siyang nakayakap sa akin. Agad naman siyang bumitaw at lumayo nang kaunti. Isinilid niya ang mga kamay niya sa likod ng kanyang pantalon. Nakatingin lang siya sa akin na parang may gustong sabihin pero tikom lang ang bibig niya. Pinagpagan ko ang ang manggas ng blouse ko kung saan nakahawak si Luca kanina kahit wala namang alikabok or dumi doon. Inimis ko ulit ang mga gamit ko at inilagay na iyon sa aking bag. “Kung gusto mo pang mag-aral dito, I suggest na piliin mo ang kakalabanin mo. Kung ayaw mong maging outcast, mas maigi na ‘wag ka ng lumapit sa akin,” hindi tumitinging sabi ko sa kanya. Tuluyan ko nang isinara ang bag ko at naglakad na palayo sa kanya. Akala ko ay hinayaan na niya ako kaya medyo nagulat ako nang makita kong sinasabayan niya ako sa paglakad. Napahinto ako at nilingon siya. Huminto rin siya at tiningnan ako. “Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?” Hindi ko naman ugaling magmaldita pero sobrang kulit niya! “Naiintindihan naman, pero hindi rin naman ako pumayag na layuan kita. Saka nabara ko na ‘yong kapatid mo. Sa palagay mo talaga titigilan na ako ng mga alipores niya or siya mismo dahil sa ginawa ko? Saka ngayon tayo dapat maging close dahil paniguradong dalawa na tayong pag-iinitan.” “Bakit mo ba ginagawa ‘to?” “Simple lang…” aniyang napakagat-labi pa tapos yumuko na parang nahihiya. “Gusto kasi kita.” “Huh? Are you for real? Mister, baka nakakalimutan mong kahapon lang tayo nagkita, ni hindi ko ibinigay sa iyo ang pangalan ko?” “Ganoon naman talaga kapag nagkakagusto ka sa isang tao ‘di ba? Instant mong nararamdaman ‘yon lalo na kapag gusto mo ang pisikal niyang itsura. At nagiging love ‘yon kapag lumalim ang nararamdaman mo, kapag nakita mong may mga katangian siyang kahanga-hanga.” Biglang nagblangko ang utak ko sa sinabi niya. Kasi kung tutuusin may point naman talaga siya. ‘Di ba ganoon naman talaga? Gaya na lang kapag nasa mall tayo at kahit wala tayong balak bumili, kapag may nakita tayong gusto natin, eh binibili natin? We bought it because we liked it and we didn’t want to waste any opportunity to have it. Kasi baka mamaya kung ‘di natin bilhin, may iba nang nakabili. Ganoon rin ba ang feelings ng tao? “Oh, ‘di ka na nakasagot. Parang nakikita mo na rin ang ipinupunto ko,” aniyang kinindatan pa ako. I rolled my eyes. Hindi ko na siya sinagot pa. Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang maglakad palayo sa kanya. Kaso lang sobrang kulit ng lalaking ito! Sunod pa rin nang sunod sa akin kahit nakalabas na kami ng library! “You don’t know me. Ni hindi mo alam ang pangalan ko.” “Sexyrina Anais Monterde. Alam ko kaya ang pangalan mo. Alam ko rin na kapatid mo ‘yong babae sa library—“ “At alam mo rin na kabit ang nanay ko.” It was not a question, but a statement. “‘Wag mong akuin ang kasalan ng mga magulang ninyo. Saka hindi mo naman hiniling na maging bunga ng kasalanan nila. At saka kung inaakala mo na baka ma-kickout ako sa pakikipaglapit ko sa iyo, ‘wag ka nang mag-alala roon. Malabong mangyari ‘yon. Kahit hindi kami mayaman na tulad ninyo ay malaki ang pakinabang ng eskwelahan sa akin. Sila mismo ang nag-offer na maging transferee ako dahil itinuturing nila akong asset.” “You’re unbelievable!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD