Chapter 1

1337 Words
“Putok sa buho!” rinig na rinig kong sigaw ng mga kaklase ko nang pumasok na ako ng gate. Iniyuko ko ang ulo ko sa hiya at napagpasyahang hindi na sila pansinin. Kahit naman kasi ‘di nila banggitin ang pangalan ko ay alam ko namang ako ang pinatatamaan nila. Hindi na ito bago sa akin. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay palaging ako na lang ang tampulan nila ng tukso. Buti sana kung tinutukso lang ako dahil makakaya ko naman ‘yun pero minsan umaabot na sila sa pananakit. At parang 'di pa sila kuntento at ginagawa nila akong katatawanan. Para bang hindi buo ang araw nila kapag hindi ako nakikitang umiiyak at nahihirapan. Minsan gusto ko na silang patulan. Hindi ko naman naging kasalanan kung naging bunga ako ng isang bawal na pagmamahal. Hindi ko maintindihan kung bakit ako ang sinisisi nila sa pagkakamali na nagawa ng nanay ko. Isang produkto lang ako. Bakit kailangan kong pagdusahan ang desisyon sa buhay ng nanay ko? Pero laging pinapaalala ni Mommy sa akin na kapatid ko si Jessica na dapat intindihin ko siya dahil ang pamilya namin ay hindi normal. Na dapat akong magpaubaya lagi sa kanya dahil kahit sila ang tunay na pamilya, sa amin mas madalas na umuuwi si Daddy. Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hinga. Kahit ano ang sisi ko sa ginawa ng nanay ko ay ‘di ko magawa. Alam kong gaya ko ay nagdurusa rin siya. Halos gabi-gabi ko na lang siyang naririnig na umiiyak. Gusto ko siyang kutusan dahil choice niya naman kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami. Pero siguro ganu’n nga ang pagmamahal. Ginagawa kang bulag at pati pride ay nakakaya mong lunukin. Kaya ipinapangako ko sa sarili ko na kung magmamahal man ako ay hindi ako gagaya sa nanay ko na isang kabit. Oo, kabit si Mommy. And everyone knows about it, but no one dares to voice it out dahil Governor si Daddy. At dapat nga ay walang mambu-bully sa akin because my father is a powerful man. But of course, kung ang legal niyang anak ang mam-bully sa akin, ibang usapan na ’yun. Because just like now, they will turn a blind eye. “Ang kapal din talaga ng mukha mo na rito pa pumasok, ano?” Napatingala ako at nakita ang kapatid ko sa ama na si Jessica na nakaharang sa pintuan ng classroom. Siya ang bunsong anak ni Daddy sa legal niyang asawa na si Veronica. Ang panganay ay si Kuya Eric at ang pangalawa ay si Kuya Gabriel. Ang mga lalaking anak ni Daddy ay wala namang problema sa akin. Bukod tanging si Jessica lang ang pinapakitunguhan ako nang masama. Harap-harapan nitong ipinapakita sa akin ang pagkadisgusto niya sa akin. At hindi ito bothered ipakita ang masamang ugali kahit sa harap pa ng daddy namin. Minsan naiisip ko na kaya siguro siya galit na galit sa akin dahil lagi akong pinagtatanggol ni Daddy o kaya nila Kuya Eric kapag inaaway niya ako. Kung sana kasi ay nakipagplastikan na lang siya sa akin habang kaharap sina Daddy ay baka hindi na nila ako kailangang ipagtanggol. I sighed. Pagod akong tumitig sa kanya. “I know you hate me, Jessica. Pero pwede bang itigil mo na ito? Hindi ka pa ba napapagod? Ga-graduate naman na tayo ng highschool next year. Can’t you just endure my presence for a little bit longer?” nagmamakaawang sabi ko sa kanya sa mahinang tinig. Unang pasok ng klase pero heto kami at nagbabangayan na naman. Nakakapagod na. Well, siya lang pala dahil ‘di naman ako pumapatol. Kung ako ang tatanungin ay pagod na pagod na ako sa bangayan naming dalawa. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito. Kung tutuusin, kahit anak ako sa labas ay magkapatid pa rin naman kami. “Bakit, nasasaktan ka?” mariin at puno ng poot ang mga matang tanong nito. “Kulang pa 'yan kumpara sa paulit-ulit na pagsira ninyo ng nanay mo sa pamilya ko.” Mahina lang ang boses niya pero ramdam na ramdam ko ang matinding galit na nakapaloob doon. “Hindi ko naman kasalanan ang mga desisyon sa buhay ng parents natin, Jessica. Hindi ko rin naman sinasabi kay Daddy ang ginagawa mo sa akin. Kaya 'wag mo naman akong sisihin kung napapagalitan ka dahil kasalanan mo naman 'yun,” mahinang tinig ay rason ko sa kanya. Yukong-yuko ang ulo ko. Ito ang unang beses na sinagot-sagot ko si Jessica at alam kong mas nadagdagan pa ang galit niya dahil dito. “Wow, the audacity! At marunong ka na palang sumagot sa akin ngayon? Sino ngayon ang pinagmamalaki mo? Bakit, matibay na ba ang mga buto mo?" aniyang tinutulak-tulak ako sa balikat gamit ang hintuturo niya. Napaatras ako dahil doon. Nanatiling nakayuko ang ulo ko at 'di na sinalubong ang galit na mga tingin ni Jessica sa akin. Alam kong kapag gagawin ko 'yun ay mas sisiklab ang galit niya sa akin. Kaya mas minabuti ko na rin na tumahimik pero patuloy pa rin niya akong tinutulak gamit ang hintuturo niya hanggang sa bumangga ang likod ko sa isang matigas na bagay. Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Hindi ko maiwasang mapatulala sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Siya na yata ang pinakagwapong lalaki na nakita ko sa campus. He’s the perfect definition of tall, dark, and handsome. Maamo ang kanyang mukha na para bang wala itong hinanaing sa buhay. His chiseled jaw makes him more attractive in my eyes. ‘Yung kulay itim niyang mga mata na parang laging nakangiti at para bang inaarok ang kaluluwa ko. At ‘yung lips niya na mamula-mula na para bang hindi man lang ito nadaanan ng sigarilyo. Napailing ako at agad nag-iwas ng tingiin sa lalaki. Kung anu-ano ang iniisip ko samantalang heto nga at inaaway na naman ako ng step sister ko. “Hmpf! Totoo nga ang sabi nila, ‘The apple doesn't fall far from the tree.’ Kagaya ka rin ng nanay mong malandi.” Inirapan ako ni Jessica na mukhang napansin ang pagkatulala ko sa binata at padabog na nagmartsa papasok ng classroom. Napayuko ako ulit at kagat-labing tiningnan na lang ang likuran ni Jessica habang papalayo siya sa amin. Pakiramdama ko ay para akong binuhusan ng malamig na tubig sa ulo. Hiyang-hiya ako sa lalaki na mukhang transferee ng school tapos ‘yun pa ang maaabutan niyang tagpo sa amin ng kapatid ko. “‘Wag ka na malungkot. Hayaan mo na siya. Kahit saan may bully talaga pero dapat marunong kang tumayo sa sarili mong paa dahil kung hindi ay ‘di ka nila titigilan.” Napalingon ako sa lalaki. ‘Di ko aakalain na magsasalita siya ng ganoon sa akin na para bang concern na concern siya. Nakangiti siya sa akin. At dahil doon ay lumabas tuloy ang biloy niya sa magkabilang pisngi na mas lalong nagpagwapo sa kanya. Nag-init ang mukha ko at agad yumuko nang titigan niya ako nang matagal. “Pasensya ka na. Hindi ko gustong makialam sa nangyayari sa buhay mo. Pero para sa akin kasi ang unfair lang na ganyan ka tratuhin ng ibang estudyante.” Tumikhim ito at inilahad ang kamay sa harap ko. “By the way, ako nga pala si Luca Nicholas Nikitin. Tawagin mo lang akong Luca for short. Transferee pala ako rito at sana ay magíng magkaibigan tayo.” First time kong may pumansin sa akin na walang kasamang pang-aalimpusta. Kaya naman hindi ko alam kong paano siya pakitunguhan. Kumabog ng husto ang puso ko. Ang daming gumugulo sa utak ko sa ginagawa niya. But what I’m more concerned of is his safety. Baka maging target siya ng mga bully dito sa school dahil kinakausap niya ako. So, I did the unthinkable. “I’m sorry. You should not talk to me. Mapapahamak ka lang,” mahina kong sabi sa kanya. Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Dali-dali na akong umalis habang nakayuko pa rin ang ulo at iniwan siyang mag–isa sa pasilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD