bc

Nilunok Ko Ang Lahat

book_age18+
107
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
sex
friends to lovers
pregnant
playboy
drama
bxg
betrayal
cheating
affair
like
intro-logo
Blurb

Childhood sweethearts—’yan sina Sexyrina at Luca. Everyone envies their relationship. It was

like a fairy tale that everyone dreamed about having until they encountered the ultimate test in their relationship. They did not survive it. Akala ni Sexyrina na iyon na ang katapusan ng fairytale nila ni Luca. But then, destiny played with their lives again. Muli silang pinagtagpo at binigyan ng pagkakataong sumaya at bumuo ng sarili nilang pamilya. Pero paano kung malaman ni Sexyrina na ang lahat ay huwad pala?

Paano kung ang lalaking minamahal at sinasamba niya ay may asawa na?

Makakaya niya bang magbibingi-bingihan sa masasakit na salita? Gaano ba kalaki ang kaya niyang lunukin para sa pagmamahal?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Hey, Sexy, are you ready?” bati ng matalik kong kaibigan na si Kyros Kade Kee na agad tumayo nang makita akong pababa ng hagdan. Pormal na pormal ang itsura nito sa suot na itim na business suit. Magkasosyo kami sa negosyo na kalaunan ay naging matalik na kaibigan. He was always been with me ever since I left the old small town where I grew up from. Malaki ang pasasalamat ko sa kaibigan kong ito dahil kahit kakakilala lang namin noon ay ‘di ito nagdalawang isip na tulungan ako. Binata pa rin ito sa edad biente-syete. Pilak ang kulay ng mga mata nito, may mataas na ilong at mamula-mula ang labi na parang ‘di kailanman nadaanan ng sigarilyo. Gwapo ito sa totoong kahulugan. Idagdag pa na may pangangatawan din ito na pang-model dahil alaga sa gym. Sa katunayan ay halos ang lahat ng mga babae sa kompanya kung saan ito ang CEO ay may crush dito. Kaso nga lang kung ano ang ikinagwapo at ikinaganda ng katawan nito ay siya namang ikinapangit ng ugali nito. Well, not really. He is the sweetest guy I’ve ever known. Kaso nga lang ang kabaitan at ka-sweet-an niya ay may pinipiling tao. Hindi niya nga ako itinuturing na empleyado kung tratuhin. Ang iba ay tinutukso na kami pero malabong magkagusto ang isang tulad ni Kyros sa tulad kong disgrasyada. He just cares about me and my son. Mahilig din kasi ito sa mga bata dahil may pamangkin na rin ito na labis nitong kinatutuwaan. Kasalukuyan niya akong sinusundo sa bahay dahil may meeting kami sa COO ng isang company kung saan balak naming mag-invest. Aside kasi sa chain or restaurants na hawak namin ay nag-iinvest din kami sa iba’t-ibang kompanya nang sa ganoon ay maparolyo namin nang maigi ang pera namin. Si Kyros din ang nagturo sa akin na sumabak sa ganitong kalakaran. Kaya malaking-malaki ang utang na loob ko sa kanya. Marami-rami na akong naipundar dahil sa pagtulong niya sa akin. “Yep, I’m all set. Salamat pala sa pagsundo sa akin, Kyros. Naabala ka pa tuloy. Pwede naman kasing sa StarMine na lang tayo magkita. Na-out of way ka pa tuloy,” sita ko sa kanya pero nakangiti naman akong nakatingin sa kanya habang bumababa ako ng hagdanan. Kasama ko ang limang taong gulang na anak kong si Sabri Eros o mas kilala sa pangalang Sabri. StarMine ang pangalan ng kompanyang pupuntahan namin. “Tito Kyros!” tawag ni Sabri kay Kyros na dali-daling bumaba sa hagdanan. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa pangambang baka matisod ito at gumulong pababa ng hagdan. “Sabri!” agad kong saway sa kanya. Agad naman itong sinalubong ni Kyros bago pa man makababa ng hagdan at binuhat ito para magpantay ang mga mukha nila. “Big Boy, dahan-dahan lang baka mamaya maaksidente ka pa. Iiyak ang Mommy mo,” masuyo nitong saway habang hinahaplos ang buhok ni Sabri. Lumingon sa akin ang anak ko at malungkot ang mga matang nakatingin sa akin. Ngumingiwi na rin ang mga labi nito na para bang iiyak na. “Sorry, Mommy. ‘Wag na mag-cry, ha?” anitong lumingon pa sa akin at pilit akong inaabot. Agad naman akong lumapit sa kanila at kinuha si Sabri kay Kyros. Yumakap ito nang mahigpit sa leeg ko. At kahit pa nga mabigat na ito ay baby pa rin para sa akin ang anak ko. “‘It’s okay, Baby. Basta next time ‘wag mo na gagawin ‘yun, ha?” Tumatango-tango naman itong sagot sa akin. “Okay, I’ll put you down na. Mommy and Tito have to go. I will see you soon later, okay? ‘Wag ka magpapasaway kay Nana Miling at Eva.” Tukoy ko sa mga kasambahay namin. “Yes, Mommy,” agad na sagot nito at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti ako at ibinaba na si Sabri. Bumaling ako kay Manang Miling na kakapasok lang din sa sala. “Nana Miling, kayo na po ang bahala dito sa bahay. Kapag may problema o kailangan po kayo, tawagan niyo po ako agad.” “Sige po, Ma’am. Ingat po kayo.” Dumukwang ako kay Sabri at hinalikan siya sa pisngi. “I love you, Baby. See you later.” “I love you, Mommy! Bye, Tito Kyros!” anitong kumakaway pa habang papalabas na kami ni Kyros ng bahay. “See you later, Kiddo. May pasalubong si Tito sa’yo mamaya if you’re being a good boy,” nakangiting pangako nito na bahagya pang ginulo ang buhok ni Sabri. “Yay! Thank you po, Tito! Good boy naman po ako lagi. ‘Di ko po pinapasakit ang ulo ni Nana Miling.” Bumaling ito kay Nana Miling. “‘Di ba po, Nana?” Nakangiting tumango si Nana Miling. “Oo naman! Good boy na good boy ‘tong baby boy namin, eh,” sang-ayon agad ni Nana Miling sabay haplos sa buhok ni Sab. “That’s great! Then, see you later, Sabri.” Nag-fist bump pa ang dalawang lalaki bago kami tuluyang lumabas ng bahay. Napapangiti na lang ako nang makita ko ang closeness nilang dalawa. I’m sure kung sino man ang magiging nobya o asawa ni Kyros ay super swerte nito sa lalaki. Ipinagbukas niya ako ng pintuan sa passenger seat. Kinawayan ko muna ang anak kong nakatayo sa may pintuan bago pumasok sa kotse. Siniguro muna ni Kyros na okay ang pagkakaupo ko bago niya isinara ang pinto at pumunta sa driver’s seat. Napangiti ulit ako. Kyros is really a gentleman. Bago pa kami tuluyang nakaalis ay binuksan ko muna ang bintana ng kotse at kumaway sa anak ko. Malaki ang ngiti sa mukha nito habang ginagantihan ako ng kaway. Itinaas ko ulit ang salamin ng bintana nang tuluyan na kaming makalabas ng bahay. “You’re spoiling my son too much,” napapailing kong saad sa kanya nang maalala ko ang pangako niya sa anak ko bago kami umalis ng bahay. “Hayaan mo na. Minsanan lang naman saka ‘di naman kayo iba sa akin. Let me take the role as his father habang wala ka pang nagiging boyfriend na mag-spoil sa kanya,” anitong tumingin sa gawi ko at kinindatan ako. “Sira ka talaga! Ba’t kaya ‘di ikaw ang humanap ng babaeng gagawin mong ina ng mga anak mo para may sarili ka na ring anak? Dami-daming nagkakandarapa sa’yo. Sobra mo lang talagang pihikan,” ingos ko sa kanya. “Eh, anong magagawa ko? Ang manhid noong babae, eh. Ang tagal ko na kayang nagpapalipad hangin pero wala pa rin. ‘Di pa rin ako pinapansin. I guess ‘di pa siya naka-move on sa first love niya. Sabagay may anak na sila, eh kaya siguro hirap mag-move on.” He just casually said it pero iba ang epekto sa akin. I felt a pang in my heart. At ‘di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nakaramdam na para bang sinasakal ang puso ko sa narinig ko. Siguro dahil napalapit na si Kyros sa amin and if ever magkakaroon na ito ng pamilya ay malamang sa malamang hindi na kagaya ng dati ang magiging turing niya sa amin. Siguro magiging magkaibigan pa rin kami pero hindi na sa amin mostly ang oras niya. Thinking about it made me sad for some odd reason. Marahil ay nasanay na ako sa presensya niya kaya ganito ang nararamdaman ko. I cleared my throat. “Baka umaasa pa rin siyang magkakabalikan sila ng ama ng anak niya.” “Bakit ikaw? Umaasa ka pa rin bang magkakabalikan kayo ng ama ni Sabri?” aniya sa mahinang tinig pero rinig na rinig ko naman. “It’s been almost six years. ‘Di na ako umaasa na magkakabalikan pa kami. Saka ‘di niya naman alam na may anak kami. Bigla na lang siyang naglaho na parang bula.” Humarap ako ng upo sa kanya at kunot-noong nagtanong, “Ba’t kayong mga lalaki ang hilig-hilig niyong mangako para makuha ang isang babae tapos kapag nakuha niyo na bigla kayong mawawala?” Tumawa ito nang mahina at sinulyapan ako saglit bago nag-focus ulit ang paningin sa pagda-drive. “Aba malay ko sa kanila, wala pa naman akong pinangakuan na babae bukod sa’yo. Saka kailan kita pinangakuan na may hinihingi akong kapalit?” “Eh, kasi naman magkaiba naman ‘yung sa akin. Magkaibigan naman tayo, ‘di mo naman ako jojowain.” “Sino’ng may sabi?” seryosong tanong niya sa akin. “Huh?” I was taken aback. What does he mean? Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. “Palibhasa kasi sa’yo ang manhid mo,” dagdag niya pa na parang nayayamot. “Oh, nandito na pala tayo,” aniyang pinatay ang makina ng kotse at lumabas na. Naiwan akong napanganga sa sinabi niya o confession ba’ng matatawag doon. Ni hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. Napansin ko na lang na nakabukas na ang pintuan ng kotse sa gilid ko at nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Tinanggal ko na ang seatbelt at wala sa sariling tinanggap ko iyon. Inalalayan niya akong bumaba at siya na rin ang nagsara ng pinto. Gulong-gulo ang ang isip ko sa sinabi niya. Marami akong gustong itanong sa kanya. Pero iniisip ko na siguro mamaya na lang. We still have a lot of time. Nakaalalay ang kanang kamay niya sa may likod ko habang papasok kami ng lobby. Normal na sa akin ang minsan ay akbayan or hawakan ni Kyros ang bewang or likod ko. Matagal ko na siyang kakila. Itinuturing ko na nga siyang matalik na kaibigan dahil siya ang laging nandiyan para sa amin ni Sabri. Kaya ang ganitong mga aktuhan niya ay ‘di ko binibigyan ng malisya. Dumiretso kami sa receptionist. Narinig ko na lang si Kyros na kinakausap ang reeptionist. Palihim kong inilibot ang paningin ko building ng kompanya. In fairness, malaki ito at hula ko ay hanggang 15th floor ang taas nito. Simple lang ang interior ng lobby, but then, it screams luxury. Halatang-halata na mamahalin ang mga muwebles na ginamit pati na rin ang mga couch at accessories. “Let’s go,” yaya sa akin ni Kyros habang nakahawak pa rin ang palad sa likod ko. Iginiya kami ng receptionist na kausap niya kanina sa elevator. Ito na rin ang pumindot ng button. Hindi nagtagal ay nagbukas na rin ang pintuan ng elevator. Naunang pumasok ang receptionist. She holds the door for us till we are all inside the elevator. Napansin kong walang ibang sumakay bukod sa amin kahit pa nga marami naman ang naghihintay ng elevator kanina. Tatlong elevator ang nandoon at ang sa dulo sa kaliwa ang ginamit namin. Siguro ito ang lift for VIPs. Pinindot ng receptionist ang 15th floor at ilang sandali pa nga ay nakarating na kami sa floor na iyon. Medyo malawak ang palapag na iyon at may sariling receptionist na kagaya ng mga nasa five-star hotel. May tatlong pinto lang ang naroroon at ang isa ay glass door pa at may dingding na gawa sa glass din. Hinuna ko ay iyon ang conference room nila. Lumapit doon ang receptionist na kasama namin at pagkatapos ay iginiya na kami patungo sa may glass door. Binuksan niya na iyon at pinapasok kami. Gawa sa glass ang dingding ng opisina at napapalibutan ng vertical blinds for privacy. May malaking oblong conference table ito na gawa sa Narra na may nakapalibot na twenty matching chairs at may mahabang office counters na kulay black sa kaliwa. May dekorasyon itong iba’t-ibang uri ng bulaklak na maayos na naka-arrange sa mamahaling vase. “Papunta na po ang COO ng company, Ma’am and Sir. Would you like something to drink–coffee, juice, or water?” “Black coffee for both of us will be great,” agad na sagot ni Kyros sa receptionist. “Okay, Sir I’ll be right back. Please have a seat po while waiting. Thank you po,” anitong yumukod muna bago muling lumabas para ikuha kami ng kape. Ipinaghila ako ni Kyros ng upuan sa unahan at sinigurong nakaupo ako nang maayos bago siya humila ng isa pang silya sa tabi ko. Inilibot ko ulit ang paningin ko sa paligid at ‘di ko maiwasang mamangha sa kasimplehan ng conference room. Simple ito pero nagsusumigaw sa karangyaan ang lugar. “We will talk after this, okay?” narinig kong saad ni Kyros. Napalingon ako sa kanya at tumango dahil marami rin akong gustong itanong sa kanya lalo na sa sinabi niya kanina. Para kasing may ibang pahiwatig ‘yun pero ayoko naman maging assuming. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at pinisil ito na sinuklian ko naman ng ngiti ang gesture niyang iyon. “Sino nga ulit ang kakausapin natin dito?” tanong ko sa kanya nang bitawan na niya ang kamay ko. “Ang natatandaan ko ang COO pero nakalimutan ko ang pangalan niya.” Mahinang napatawa si Kyros. “Hanggang ngayon, you are still bad with names. Si Nick Nikitin ang kakausapin natin ngayon.” I rolled my eyes dahil sa biro niya pero bigla rin akong natigilan nang may marealized ako. “Nikitin?” paniniguro ko. “Yup, Lu–” Naputol ang sana ay sasabihin ni Kyros nang may tumikhim sa likuran namin. Nakatalikod kasi sa pintuan. Lilingon na sana kami pero nasa harapan na namin siya. “Hi, I’m Luca Nicholas Nikitin, the COO of this company,” anitong pumuwesto sa unahang bahagi ng conference table. Pakiramdam ko ay biglang huminto ang mundo ko. Hindi ako makapaniwalang sa mahigit anim na taon ay magkikita ulit kami. Tumayo si Kyros at inilahad ang kanang kamay sa harap ni Luca na agad namang tinanggap ng huli. “I’m Kyros Kade Kee and this is my business partner–" Inilahad niya ang palad sa harap ko habang ipinakikilala ako. "–and a very special person of mine, Sexyrina Anais Monterde.” Pareho kaming natigilan ni Luca at halos ayaw maghiwalay ng mga paningin namin sa isa’t-isa. Parang kaming dalawa lang ang nasa loob ng conference room and that Kyros don’t even exist. “It’s been a long time, Sy…” anas niya pagkalipas ng ilang sandali at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. “You look so different now.” Pakiramdam ko nagbalik ang lahat ng sakit ng pang-iiwan niya sa akin sa ere. Ang sakit ng iniwan niya ako nang wala man lang pasabi. Ang pait ng pag-iisa. Tumayo ako at pormal ang mukhang tinanggap ang kamay niya at nakipagkamay dito. Binawi ko agad ang kamay ko nang maramdaman ko ulit ang pamilyar na pagwawala ng mga paru-paru ko sa tiyan kapag malapit lang siya. The little voltage I felt evertime our flesh touched. “Indeed. It’s been a while, Luca. How long as it been? Six years?” nakataas-kilay kong pagkukumpirma sa kanya. Inilapat ni Kyros ang palad niya sa likuran ko kaya napatingin ako sa kanya. “You knew each other?” walang kahit anong emosyon sa mukhang tanong niya. Tiningnan ko siya nang matiim sa mga mata at tumango. “Oh, yes. We knew each other very well.” Paano ko makakalimutan ang ama ng anak ko? But of course, hindi ko sinabi iyon. Nanatiling nakatingin lang ako kay Kyros. At muli’y tila nagbalik sa akin ang lahat... Noong mga panahong una kaming nagkakilala ni Luca.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
88.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
137.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook