CHAPTER 10
"Ma, Pa, si Eman po manliligaw ko." Nakangiting pakilala ko na mukhang hindi naman kinatuwa ni Papa.
"Nabuntis kana't lahat manliligaw palang! Ako ba niloloko mong bata ka?" Napayuko na lamang ako at inaalala kung paano ko ipapaliwanag sakanila. "Ano 'to nung mag s*x kayo trip nyo lang?" Sarkastikong tanong ni Papa.
"Pa, hindi po ga--" Kaagad akong pinutol ni Papa sa sinasabi ko.
Ang pride ng tatay ko ah? Ayaw man lang ako pagpaliwanagin?
"Tapos ng malamang buntis ka dun palang yung panliligaw nya," dugtong ni Papa. "Hanep anak, pinalaki ka namin hindi para ganyanin. Ang gusto namin anak totoong lalaki na mahal ka at mahal mo, at yung kaya karin bigyan ng buo at maayos na pamilya."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa. Alam ko kasi na nasasaktan na si Eman, at sobrang napapahiya. Kaya lang tama rin naman si Papa eh. Dapat yung mahal ko. Kasi ano ba kami ni Eman? Mag-iisang buwan palang ng magkakilala kami, tapos sya mahal nya na agad ako.
Kaya lang ako? Paano nararamdaman ko? Hindi ko pa maintindihan kung mahal ko ba sya o napipilitan lang ako na gawin 'to para hindi nya ilayo ang anak ko?
I'm sorry, pero kasi naguguluhan ako sobrang nalilito ako eh.
"Papa mahal nya po ako," depensa ko parin.
Bakit ba ganito? Hindi ko sya matiis. Hindi ko matiis na minamaliit at sinasabihan sya ng masama. Kahit pa sarili ko nang pamilya.
"Mahal mo ba?" Natigilan ako sa tanong ni Papa.
"Ano ba naman yan Romel," saway ni Mama. "Matanda na ang anak mo, at wala kanang dapat ipag-alala. Isa pa, nasa legal age na sya kaya hindi mo na sya dapat pinapakialaman sa mga bagay na gusto o ayaw man nya," pangaral ni Mama kaya natahimik si Papa.
Nakahinga ako ng maluwag ng mukhang nakinig naman si Papa.
"Nice to meet you bro," bati ni Kuya kay Eman.
Nakipag shake hands naman ito, pati kay Papa. "Sir, nice to meet you po." Napatitig ako sa kamay ni Eman na hindi man lang inabalang abutin ni Papa.
Pakiramdam ko may luhang papatak sa mata ko sa trato ni Papa kay Eman. Tumingin sya sakin na parang sinasabing ayos lang ang lahat. Hindi ko alam pero sobrang kumukulo talaga ang dugo ko.
"Ano ba Papa! Hindi ba kayo marunong tumrato ng bisita?! Kahit bilang kapwa tao nalang ho! Alam nyo ba pinagdadaanan nya para tratohin nyo sya ng ganyan? Tao rin sya pa, hindi sya robot para hindi masaktan. Makapang hamak kayo sakanya akala nyo--"
"Demdem!" Saway ni Mama.
"Bakit anong mali sa sinasabi ko Ma?" Umiiyak na tanong ko habang may hinanakit na nakatingin sakanya.
"Enough," saway ni Kuya.
Hinawakan ni Eman ang kamay ko at pinisil ng bahagya. Napatitig ako kay Eman bago mapait na ngumiti. Ito na siguro ang tamang oras para ako naman ang magsalita. Hindi yung puro nalang sila.
"Bakit ba kapag si Papa ang may mali parang ayos lang sating lahat? Hindi na pwedeng mangatuwiran kasi matanda sya at Ama sya sa tahanang ito," nagdaramdam na sabi ko.
"Kahit na sobra kana!" Sigaw ni Kuya sakin bago masamang tumitig.
"Mas sobra kayo! Sobra kayo mag tanggol sakanya! Sorry Papa ha, pero kasi yung sinasabi mo sakin gusto ko sanang ibalik sayo. Naging mabuting ama ka ba talaga samin ni Kuya? Naging mabuting asa--"
Isang malakas na sampal ang dumampi sa pisngi ko kaya napatabingi ako ng bahagya.
"Don't even go there, Gemini. Nakaraan na yun kaya wag mo ng balikan pa na iintindihan mo?" Madiing wika ni Mama.
Katahimikan ang namayani saming lahat. Walang nais bumasag sa katahimikan kaya ako na ang nagsalita.
"I'm sorry Pa, Ma and Kuya." Mahinahong sambit ko bago lumabas ng bahay na agad naman akong sinundan ni Eman.
"Hindi tama ang mga nasabi mo, lumagpas ka Demdem." Napahagulhol nalang ako habang nakayakap sakanya.
"Alam ko naman eh. But I was just explaining and depending you with them, with my father. I know hindi sya perfect, pero hindi naman tamang pati ikaw tratuhin nya ng ganun. Bakit nung nambabae ba sya sinumbatan ba namin sya? No, wala syang narinig kahit isang salita samin. Ang tanging tanong ko lang ay bakit at paano?"
Matagal na akong may sama ng loob kay Papa, pero ngayon ko lang nailabas. I think maiilang na si Papa sakin. Ang tanga-tanga ko talaga! Anak lang ako kaya hindi tama ang ginawa ko. Hindi dapat ako sumobra sa sinabi ko. Mahal nila ang isat-isa kaya hanggang ngayon sila parin sakabila ng kasalanang nagawa ni Papa.
"Alam mo maiintindihan ka ng Papa mo kasi anak ka nya eh. Kaya lang sana maintindihan mo rin na may karapatan sya na manghimasok pag tungkol sa anak na nya ang pinag-uusapan," nakangiting wika nya.
Napatango na lamang ako bago tumahan sa pag-iyak. Pinahid naman nya ang luha ko at hinagkan ako sa nuo.
Maaga akong nagising pero wala na akong nakapang Eman sa tabi ko, baka pumasok na. And yes, nagwowork na ulit sya dahil kaylangan na sya sa company nila.
Sabi rin nya mas kaylangan na raw nya na kumita ng pera kasi may inspirasyon na raw, at ako yun.
Ang mas kinabilib ko sakanya? Mayaman na sya dahil rin sa pamilya nya, pero gusto nya na sariling pera nya ang igastos nya sa magiging pangarap namin.
Baby, nakakaproud Daddy mo. Hinimas ko ang tiyan ko.
"Excited na akong lumabas ka nak," bulong ko sa sarili ko.
Hindi pa sya halata kasi magtwo-two weeks palang akong buntis.
"Gemini napanuod mo na?" Tanong agad ni Sam sakin.
"Ang alin?" Natatawang tanong ko.
"Si Monday dito na raw po maninirahan sa pinas for good," si Lita ang sumagot.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Bakit at para kanino? I mean, sana mali ako ng iniisip.
Hindi naman siguro si Eman ang habol nya diba? Hindi naman siguro ako magkakaproblema kasi may isa pa akong asungot na pinapaalis, si Mini. May dadagdag pa? Hindi keri ng powers ko. May karapatan naman syang bumalik ng pinas, pero wala syang karapatang bumalik sa buhay ni Eman.
Hindi ako papayag na saktan at maliitin na naman nya si Eman. Tulad ng ginawa nya dahil sa kinang na inasam nya.