CHAPTER 11
"Papa," tawag ko nang lalabas na sana sya at lalagpasan lang ako.
Papunta kaming lahat ngayon sa probinsya! Kaya lang hanggang ngayon magka-away parin kami ni Papa. Binulungan ako ni Mama na kausapin na raw si Papa at mag-sorry kasi iyak raw ito ng iyak ng mag-away kami.
"Sorry," umiiyak na sambit ko bago sya yinakap ng mahigpit. Gumanti ng yakap si Papa at dun nga alam ko at ramdam ko na okay na kaming mag ama.
"Nag-aalala lang naman ako," wika ni Papa.
"Opo, and I'm so sorry Papa. Minali ko ang pag-aalala nyo. Kaya lang sana naiintindihan nyo na si Eman ang lalaking sinasabihan nyo ng masama, sya ang ama ng anak ko." Napatango si Papa.
"Ang prinsesa ni Papa dalaga na at malaki na talaga," malungkot na sabi nito.
"Ako parin naman si Gemini, Pa. Ako parin ang prinsesa mo at ikaw ang Hari--" Naputol ako sa sinasabi ko.
"Pero may prinsipe kana," nakangiting wika nito. "Masaya naman ako para sayo, pero hindi parin maiiwasang mag-alala."
Natapos kaming mag-usap ni Papa at nagka-ayos na kami kaya mas naging magaan na ang pakiramdam ko.
"Mahaba po ang byahe. Kapag po pagod na kayo ako naman ang magdrive sir," alok ni Eman.
Napatitig ako kay Eman kasi baka hindi pa talaga sya ganun kagusto ni Papa.
"Call me Papa iho. Hindi ako boss sa isang kompanya o bilyonaryo para tawagin mong sir, at mas lalong hindi ako presidente."
Napangiti ako kay Papa. "Thank you," I mouthed.
"Ayon naman pala!" Sabat ni Kuya bago kumindat sakin. "Basta walang lokohan ayos ba?" Tanong ni Kuya na kinatango agad ni Eman.
Ako naman ay tinamaan ng husto. Walang lokohan, pero ako hanggang ngayon linoloko parin si Eman. Hindi ko pa sinasabing buntis ako.
"Natahimik ka?" Nakangiting tanong ni Eman.
"W-wala," utal na sagot ko bago mariing pumikit.
Patulog na sana ako ng magring ang phone ko na agad ko rin namang sinagot. "Bakit?" Agad na tanong ko sakanya. Anong problema ni CD bakit sya tumatawag?
"Nasaan ka?" Tanong rin nito.
"Bakit nga?" Pag-uulit ko.
Rinig ko ang buntong hininga nito bago nagsalita. "Ang hard mo na sa crush mo ah! I hate you, Gem." Mahina akong natawa kaya napatingin si Eman sakin habang nakataas ang isang kilay.
"Sino yan?" Walang emosyong tanong nito.
"Kabit nya," sagot naman ni Dave sa kabilang linya kaya mas natawa ako. Hindi naman ito rinig ni Eman kaya mas nagsalubong ang kilay nito.
Paano kaya magselos ang isang Emanuel Haze Guzon?
"Who's that?" Ulit na tanong nito at take note english na yan.
Nakakatuwa namang malaman na----wait nagseselos nga ba sya? Baka naman feelingera lang ako.
"Sabihin mo kabit mo ako dali na," utos ni Dave na hindi ko pinansin.
"Wala si ano la--" Bago pa ako makayari sa sinasabi ko agad nya ng hinablot ang phone ko.
"Ultimate crush?" Takang tanong nya.
Oo nga pala hindi ko pa napapalitan name ni Dave sa phone ko. "Dati na yan, but we're frien--" Hindi na naman ako nakayari ng buksan nya ang pinto ng van kahit na umaandar pa ito at ihagis ang phone ko.
What the! Phone ko kaya yun!
"Ano bang problema mo?" Inis na tanong ko. Hindi ako makasigaw kasi tulog na sila Mama at Kuya tapos ayaw ko malaman ni Papa na nag-aaway kami. "Para kang bata," dagdag ko pa.
Wala itong imik, mariin lang itong pumikit bago lumayo ng kunti sakin. Tampo pa si mokong hindi naman bagay. "Ikaw nga nakatago pa picture nyo ni Monday eh," bulong ko.
"Matagal na yun. Nakalimutan ko na nga na nakatago pa pala eh."
"Kahit na!" Galit na sigaw ko kaya nagising sila Mama at Kuya tapos si Papa nagbagal ng takbo ng sasakyan bago lumingon sakin. "Ganito, madalas tayo na 'di magkasundo. Ikaw lang ang gusto kong makapi--" Naputol ako sa kinakanta ko bilang palusot sana ng samaan ako ng tingin ni Mama at Papa.
"Anong masama sa kumakanta?" Tanong ko.
"Ano bang problema mo? Gutom kaba? Magpatulog ka nga kung ayaw mo matulog," inis na sabi pa ni Kuya. Napairap nalang ako bago tinuon ang tingin kay Eman na ngayon ay nakapikit na.
So, galit na galit nga sya? Paano ba manuyo? Nakakaloka naman. Kalalaking tao tampohin pa, parang tanga lang.
"Gising na oy!" Sigaw ni Kuya kaya agad akong nagmulat. Bakit si Kuya ang gumising sakin at hindi si Eman? Napakibit balikat na lamang ako bago lumabas ng van.
"Ang ganda parin pala rito sa probinsya! Kaya paborito ko na magbakasyon dito eh!" Masiglang sabi ko.
"Ang presko ng hangin," sang-ayon ni Kuya.
"Kasing Fresh at kasing ganda ko ang lugar diba Kuya?" Nakangiting tanong ko bago bumaling sa pwesto nya na wala na pala sya.
Lakas mang-asar ng ungas na yun ah! Ang sama ng ugali sa kapatid.
"Oy!" Tawag ko kay Eman ng makita ko sya na may dalang bag. Hindi man lang nag abalang lumingon ito. Letche! Paano ba rurupok ang isang Eman? Mukhang mahihirapan ako ah? Daanin ko kaya sa dahas, or sa lambing?
Kapag wala sa nabanggit isuga ko nalang sya katabi ng mga kambing tutal ayaw naman nya ako kausapin eh. Bwiset na Dave kasi yun wrong timing ang tawag, tsk. Nadamay pa tuloy 'yung phone ko.
"Papa," tawag ko ng makita ko na may bitbit sya agad na alak.
Ang aga naman nyan.
"Wag nyo po painumin si Eman," bilin ko na tinawanan lang nya.
"Sya nga nag aya sakin." Napairap ako bago galit na lumapit kay Eman.
"Ano bang problema mo? Si Dave lang naman yun ah? Bakit ba ang matampuhin mo ha?" Wala itong imik. "Nakakainis kana!" Padabog akong naglakad papasok sa bahay.
Bahala na sya! Huwag syang tatabi sakin, bwiset talaga. "Mama si Eman ayaw ako pansinin," naiiyak na sumbong ko.
"Lambingin mo kasi," sabi lang nya bago lumabas ng bahay.
Lambingin? Lintik ano sya bata? At isa pa hindi naman kami mag asawa para mag effort ako at mahirapan.
Paano ba kasi manlambing?