"Walang halong alinlangan mahal mo nga sya." Natigilan ako sa pagtawa ng magsalita si Dave. Bakit ba kapag bumabanat sya nakakapersonal na? Medyo nakakainis pero, timpi parin.
Kwinekwento ko sakanya yung nakakatawang pangyayari kanina. Kaya lang ang nangyari ako lang pala ang parang tanga na tawa ng tawa tapos sya biglang babanat. Ang t*nga lang? "Hindi ka paba uuwi?" Tanong ko at hindi pinansin ang sinabi nya.
"Ikaw hindi kapa ba aamin?" Tanong rin nya kaya kumibot ang sentido ko. Pakiramdam ko puputok na ang ugat ko sa ulo.
"Hindi kapa pagod?" Tanong ko pa ulit para umiba ang usapan, kaasar naman.
"Ikaw hindi kapa ba pagod magtago ng feelings?" Napairap nalamang ako sa mga namemersonal na tanong nya.
"Pakiusap umuwi kana baka masapak rin kita," walang ganang utos ko bago akmang aakyat na sa hagdan pataas ng kwarto para sana ituloy ang ginagawa ko kanina.
"Huwag mo nang pahirapan sarili mo. Go lang kung saan ka magiging masaya," sabi pa nito bago lumabas ng bahay.
Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ni Eman para magpatuloy sa ginagawa ko na paglilinis. Nagawi ako sa drawer nya at inopen ito. Condom? Ang dami naman nito. Nagulat ako at namutla sa size nito. "H-halimaw," tanging nasambit ko bago sinira ito.
Nagkalkal pa ako hanggang sa makita ko ang isang litrato. Litrato nila ni Monday na magkayakap. Bakit nakatabi parin sakanya kung wala na sila? Baka naman mahal pa talaga nya? Kasi hindi naman nya itatago 'to ng walang dahilan eh. May palukot-lukot pa syang nalalaman sa litrato ng babae may nakatabi naman pala! Naloko yata ako galing umarte ni gago, or baka naman may dahilan pa sya kaya nakatago? Oo nga, wag praning Gemini.
Nakakaloka! Bakit nga ba ako nagiging OA wala pa namang linaw relasyon namin diba? Hahaha. May kirot sa puso ko habang nakatitig sa masaya nilang larawan. "Halatang mahal pa nila yung isat-isa rito," parang timang na sambit ko sa sarili.
Lumabas na ako dahil nawalan ako ng gana. Pumasok ako sa kwarto ko at doon natulog nalang para kahit paano mawala ang inis kay Eman. Sana pag-gising ko wala na ang inis ko.
"Mahal," mahinang boses ang nabosesan ko. "Mahal," ulit pa nito.
Si Eman lang pala. "Mahal," ulit pa nya.
"Ang bigas." Inis na sagot ko, pero at the same time gusto ko ring matawa.
Mahal na pala ang gusto nyang tawagan namin? Hindi naman sya advance nyan?
"May problema ba?" Tanong pa nito bago ako hinagkan sa labi.
Naamoy ko na parang nakainom sya kaya napaupo ako. "Lasing kaba?" Tanong ko pa.
"No, tipsy lang." Nakangiting sagot pa nito bago tumayo at akmang maghuhubad ng t-shirt ng sigawan ko sya.
"Freez! Stay still, easy lang. Bakit ka maghuhubad na gunggong ka?! Mukha bang cr ang kwarto ko?" Inis na tanong ko na may kasamang sigaw.
"Mainit kasi at wala namang masama t-shirt lang naman mahal. Depende nalang sayo kung magrerequest kapa ng ibang huhubarin." Nakangising sabi pa nito habang kagat ang ibabang labi with kindat sakin.
Ang lakas ng tama nito ah? Mukhang panis yung alak na nainom. "Siraulo kaba? Anong tingin mo sakin manyank?!" Inis na sigaw ko.
"Ayos lang naman mahal, baka lang kasi nahihiya ka. Ayaw ko lang na magulat ako kapag bigla mo akong ginahasa," natawa pa ito sa kalokohan.
"Tatahimik ka o lalabas ka?" Seryosong tanong ko.
"Anlamig pala rito mahal noh? Pahinaan naman ng aircon sobrang lamig kasi, pahiram naring ng jacket." Agad na bawi nito bago tumabi sakin.
Napairap nalang ako at lihim na napangiti. "Mahal," kinalabit pa ako nito.
"Ang bigas," dugtong ko.
Ano bang trip nya? "Bakit ba lagi mong sinasabing ang bigas? Mahal ba talaga ang bigas? Really? How much?" Takang tanong nito.
"Oo super mahal, singkwenta pesos isang kilo. Depende sa ganda ng bigas, pero may NFA naman na affordable at masarap sya, bigas lang rin naman yon eh."
"Para sa mayayaman hindi sya ganoon kasakit, pero sa mga kapos tama ka mahal sya. Kaya nga ang ending tiyaga nalang sa NFA. Gusto ko matikman ang NFA, mahal." Napatitig ako sakanya kasi nagets nya agad ang sinasabi ko.
"Ganito nalang may bukid kami sa probinsya pwede tayo tumulong kila Papa na magtanim ng palay hanggang sa pag-ani basta kapag free kana at wala ng mabigat na trabaho," suggestion ko.
"Bukas pwede?" Tanong pa nito.
Bukas agad? Ano sya si Flash? Palibhasa sya ang boss kaya ganyan, well kawawa naman ang secretary nya. Namomroblema sakanya. "Ambilis mo naman," sabi ko pa.
"Mahirap na baka maunahan pa diba? Isipin mo na doon narin honeymoon natin," bulong pa nito.
"Tingnan natin kung magawa mo pa balak mo sa gabi kapag naranasan mo ang gawain sa bukid," nakangising sagot ko. "Baka kahit kalabitin ka ayaw muna tapos may balak kapa sakin? Hahahahaha, good luck nalang."
"Ako pa malakas kaya ako," mayabang pa na sabi nito.
Malakas o mahangin? "Hindi mo naman sinabing may bagyo pala tayo ngayon ang lakas! Ang lakas ng hangin eh! Ramdam mo, ako kasi oo." Pang-aasar ko.
"Malakas naman talaga ako eh," pabulong na wika nito.
"Okay, sabi mo eh." Kibit balikat na sabi ko bago tumayo para magtungo sa cr. Napasandal ako sa pader dahil sa panlalambot ng tuhod. Mabuti nalang hindi natuloy kanina nakatatak parin sakin ang halimaw nyang sandata. Sukat na sukat sa ruler. I think 8 or 9 ang sukat nito? Wews? Bakit alam ko at sure na sure ako?! Ang bastos ko na! Nahawa na ako kay Jenny nakakainis! Mabuhay pa kaya ako after ng honeymoon na sinasabi nya?
Punyeta naman Gemini! Bakit ko inaasahan ang honeymoon na sinabi nya? Medyo ang kapal nya sa lagay na 'yun. Binuntis na nga nya ako tapos gusto pa kuhanin nya mismo ang v-card na matagal ko nang iniingatan?
Ehe, kaylan ba? Set lang sya ng date para naman handa ako na isuko ang--- pero syempre charot lang!
Alam ko na wala ng dalagang pilipina or meron pa naman pero bihira na, at nais natin na kahit paano nama'y magpakipot muna. Kapag napilit nya ako, edi sige! Gora! Bubuka na si Kaka! Hahahahahaha.